EX-BF IPINAARESTO NG NEGOSYANTE SA SEXTORTION

CAVITE – Arestado sa entrapment operation sa bayan ng Silang ang isang lalaki makaraang pagbantaan ang kanyang dating karelasyong negosyante na ipakakalat ang hubad na larawan nito at mga video noong Martes ng gabi.

Kasong paglabag sa Art 286 “Grave Coercion” ng RPC in relation to Sec. 6 ng RA 10175; RA 11313; RA 9995 at RA 9262 ang kinahaharap ng suspek na si Raymart Guingab y Baguna, 28, binata, ng Brgy. Maguyam, Silang, Cavite dahil sa reklamo ng isang 27-anyos na negosyanteng dalaga.

Ayon sa reklamo ng biktima, dati niyang kasintahan ang suspek at sa panahon ng kanilang relasyon ay kinunan siya ng mga larawan habang nakahubad at kinunan din ng video ng dating boyfriend.

Ngunit noong nagkahiwalay sila, ginamit ng suspek ang nasabing mga larawan at video na panakot sa biktima naging dahilan para humingi ng tulong sa pulisya ang negosyante.

(SIGFRED ADSUARA)

220

Related posts

Leave a Comment