SEN. BONG GO AT CONG. ROBBIE PUNO, TUNAY NA PUBLIC SERVANTS

TARGET NI KA REX CAYANONG

TUNAY na mabibilang lamang sa mga daliri sa kamay ang tunay na public servants sa bansa.

Sila ‘yung kahit nahalal na sa puwesto ay tuloy pa rin ang dating nakagawian. Hindi puro pangako kundi totoong serbisyo publiko ang ginagawa.

Ganyan sina Sen. Bong Go at Cong. Robbie Puno ng 1st Congressional District Office ng Antipolo.

Nitong Hunyo 28, sa kanyang pagbisita sa Lanao Del Norte, pinangunahan ni Go ang pagkakaloob ng ayuda sa 2,000 mahihirap na mga residente ng bayan ng Nunungan.

Aba’y bukod sa tulong ng senador ay may hiwalay ding financial assistance na natanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nanawagan naman si Go, pinuno ng Senate Committee on Health, sa mga benepisyaryo na nangangailangan ng tulong medikal na lumapit lamang sa Malasakit Centers.

Matatagpuan nga lang naman ito sa Kapatagan Provincial Hospital sa Kapatagan o ‘di kaya ay sa Gregorio T. Lluch Memorial Hospital sa Iligan City.

Labis din ang pasasalamat ni Go sa provincial at local governments.

Well, sobrang init nga naman kasi ang pagtanggap nila sa masipag na senador.

Kung hindi ako nagkakamali, dumalo rin sa pagtitipon sina Congresswoman Sittie Aminah Dimaporo, Gov. Imelda Quibranza- Dimaporo, dating Cong. Abdullah Dimaporo, Nunungan Mayor Marcos Mamay, Vice Mayor Jun Kasawa, at iba pang mga lokal na opisyal.

Samantala, tulad ng nabanggit ko kanina, isa rin si Cong. Puno at ang kanyang pamilya sa mga napapansin kong mabilis na tumulong sa kanilang mga nasasakupan.

“Nakakalungkot na sa mismong araw ng Father’s Day…ay nagkaroon ng sunog sa Sitio Kasapi, Brgy. Bagong Nayon kung saan may halos 30 na pamilya ang nawalan ng tirahan,” ayon sa tanggapan ni Cong. Puno.

Bukod kay Deputy Speaker Robbie, kasama rin niyang dumalaw sa lugar sina Congw. Chiqui at BM Randy Puno.

Agaran din namang nabigyan ng tulong ang apektadong mga residente sa pamamagitan ng DSWD at Department of Labor and Employment (DOLE).

Kasabay nito, lubos ang pasasalamat ng kampo ni Puno sa DSWD sa pagbigay ng financial assistance sa mga nasunugan.

Sinasabing bukod daw dito, sa pakikipag-ugnayan naman nina Deputy Speaker Robbie at BM Puno sa DOLE, ang mga benepisyaryo ay mapapasama sa DOLE-TUPAD program bilang tulong na rin sa muling pagpapatayo ng kanilang mga bahay.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

267

Related posts

Leave a Comment