PNP UMAPELA NG TAMANG IMPORMASYON SA POGO RAID

UMAPELA ang Philippine National Police (PNP) na maging maingat sa paglalabas ng mga impormasyon kaugnay sa isinagawang pagsalakay sa isang POGO sa Las Piñas noong nakaraang linggo.

Ayon sa pulisya, maaaring lumalabag na sa batas ang mga nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa raid.

Sa isang pahayag, binigyang diin ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan ang kahalagahan ng responsableng pagpapakalat ng impormasyon.

Pinayuhan naman ni BGen. Maranan ang publiko na umasa lang sa beripikadong impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang source.

Itinanggi rin ni Maranan ang mga ulat tungkol sa umano’y biktima ng stray bullet sa loob ng ni-raid na compound; at nilinaw na agad binigyan ng medikal na atensyon ng PNP at Las Piñas Medical Teams ang mga nasaktan sa pagtatangkang tumawid sa isang barbed wire fence.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na tuloy-tuloy ang pagproseso sa mga dayuhang empleyado ng naturang POGO, para masala ang mga ito at masiguro na walang mga “wanted person” ang nagtatago sa bansa, at hindi sangkot sa kriminal na aktibidad ang mga tauhan ng POGO.

(JESSE KABEL RUIZ)

311

Related posts

Leave a Comment