600 BATA NAKINABANG SA LIBRENG TULI, FEEDING PROGRAM SA TONDO

UMABOT sa 600 mga batang Tondo ang nakinabang sa libreng tule at feeding program na isinagawa ng mga tauhan ng Manila Police District- Moriones Police Station 2 sa Tondo, Manila.

Ang “operation tule” ay isinagawa sa pamamagitan ng pinagkaisang “Endless Community Outreach Program” (ECOP) na may kaugnayan sa 28th Police Community Relations (PCR) Month 2023, na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Ibay Jr., station commander.

Kasama rin sa progama si Police Captain Leonardo Bernardo Blanco Jr., ng Station Community Affairs Development Section (SCADS), sa kooperasyon ng Medical Team sa pamumuno ni Dr. Louisito Chua, MD, konsehal ng ika-4 na distrito ng Maynila at Station Advisory Group sa pangunguna ni Mr. Edwin Fan, chairman ng Buklod at Alyansa ng mga nagkakaisang Anak ng Tondo (BANAT) at ng Batasan Masonic Lodge.

Ginanap ang feeding program at libreng tule nitong nakaraang linggo ng bandang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa Moriones-Tondo Police Station sa panulukan ng J. Nolasco at Morga Streets sa Tondo

Ang programa ay may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan.”

(RENE CRISOSTOMO)

467

Related posts

Leave a Comment