INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinanggap nito ang pagbibitiw sa serbisyo ng 18 Third-Level Officers ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y sangkot sa illegal drugs activities.
Base na rin ito sa naging rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na masusing nag-imbestiga sa usaping ito.
Sa isang liham kay Pangulong Marcos, ipinaalam ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na ang Ad Hoc Advisory Group ay nagsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa di umano’y pagkakasangkot ng 953 Third Level Officers sa illegal drugs activities.
Sinabi nito na nagsumite ng kani-kanilang courtesy resignation ang mga nasabing opisyal kahit pa may nakabinbing imbestigasyon ang mga ito.
Sa 953, inirekomenda ng grupo ang non-acceptance sa 935 courtesy resignations at acceptance sa resignation ng 18 officers na sina PBGEN Remus Balingasa Medina; PBGEN Randy Quines Peralta; PBGEN Pablo Gacayan Labra; PCOL Rogarth Bulalacao Campo; PCOL Rommel Javier Ochave; PCOL Rommel Allaga Velasco; PCOL Robin King Sarmiento; PCOL Fernando Reyes Ortega; PCOL Rex Ordoño Derilo; PCOL Julian Tesorero Olonan; PCOL Rolando Tapon Portera; PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe; PCOL Dario Milagrosa Menor; PCOL Joel Kagayed Tampis; PCOL Michael Arcillas David; PCOL Igmedio Belonio Bernaldez; PCOL Rodolfo Calope Albotra; at PCOL Marvin Barba Sanchez.
(CHRISTIAN DALE)
