HVI HULI SA P136K SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, na nasa listahan ng High Value Individuals (HVIs), matapos maaresto at makumpiskahan ng tinatayang P136,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Dasmariñas City, noong Martes ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Ruel Marinduque y Fortunato, 41, binata, ng Tagaytay City.

Ayon sa ulat ni Police Corporal Marnol Cunanan ng Dasmariñas City Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Police Provincial Unit (PDEU) na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang 20 gramo ng umano’y shabu na P136,000 ang street value.

(SIGFRED ADSUARA)

623

Related posts

Leave a Comment