AGRI, SMEs MANANATILING PRAYORIDAD NI CAMILLE

MAGHAHANAP si Camille Villar ng karagdagang suporta para sa agrikultura, edukasyon at maliliit na negosyo sa sandaling siya ay maluklok sa Senado sa Mayo.

Ginawa ni Camille ang pangako sa kanyang pagbisita sa Tagoloan, Misamis Oriental noong weekend.

Sa pagtakbo bilang senador sa eleksyon sa Mayo, nagpapasalamat si Camille Villar sa mainit na pagtanggap at suporta sa kanyang pakikipag-usap sa mga lokal na opisyal at alkalde.

Itinutulak din niya ang pagsulong ng maliliit at katamtamang laki ng mga negosyo, na aniya ay itinuturing na gulugod ng ekonomiya para sa kakayahan nitong lumikha ng mga trabaho, at upang pasiglahin ang pag-unlad.

Nagsagawa ng dayalogo noong Linggo si Villar kasama ang mga lokal na opisyal kabilang sina Misamis Oriental first district Rep. Christian Unabia, Gutagum Mayor Jessa Mugot, Balingasag Mayor Joshua Unabia, Initao Mayor Mercy Grace Acain, Salay Mayor Sonny Tan – Salay, Naawan Mayor Dennis Roa, Villanueva Mayor Bing Dumadag, Claveria Mayor Reynante Salvaleon, Talisayan Mayor Rico Taray, Talisayan Mayor Rico Taray, Salay Mayor Sonny Tan – Salay, Naawan Mayor Dennis Roa, Villanueva Mayor Bing Dumadag, Claveria Mayor Reynante Salvaleon, Talisayan Mayor Rico Taray, Isaiah Binusterangan Mayor Magsaysay Mayor Charlie Buhisan, Kinoguitan, Mayor Ryan Pabellan at Rep. Lagonglong Jack Puertas.

“Thank you for sharing the advocacies of the province with me. Hindi ko po makakalimutan yan. And I can that the advocacies of our family are very alive. Makaaasa po kayo na hindi namin makakalimutan yan. Wherever I would go, babalik at babalik tayo sa Misamis Oriental,” aniya pa.

(Danny Bacolod)

39

Related posts

Leave a Comment