AKTOR INARESTO SA PAGLABAG SA CYBERCRIME ACT

LAGUNA – Inaresto ng mga tauhan ng Biñan City Police ang actor na si Dindo Arroyo dahil sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, noong Martes ng gabi.

Ayon kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna PPO, ang 61-anyos na si Arroyo o Conrado Manuel Ambrosio II sa totoong buhay, ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Rosauro Angelito Sicat David, ng Regional Trial Court, Branch 101, Santa Rosa City, Laguna.

Si Arroyo na kontrabida sa teleserye na “Ang Probinsyano”, ay nahaharap sa 2 counts ng kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Inirekomenda ng korte na makapaglagak ng piyansang P10,000 sa bawat bilang ng kaso para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (NILOU DEL CARMEN/CYRILL QUILO)

130

Related posts

Leave a Comment