ANG kasabihan na kung “ukol bubukol at kapag ang bituin mo ay nakahilera sa tamang posisyon tiyak na makukuha mo ang iyong pinapangarap”, yang mga kasabihan na yan ang siyang mistulang ngayong kinakapitan ng mga aspirante na nagnanais na makuha ang ultimate na pangarap ng isang abugado na maging supreme court justice
Sa pagkikipag-usap ng inyong lingkod sa ilang mga aspirante para maging mahistrado ng Korte Suprema, ay mayroong ilan sa mga ito na dismayado dahil sa hindi nila nakuha ang nakaraang posisyon na Associate Justice sa SC gayung sila naman anya ay kuwalipikado. May ilan naman na kalmante lang at sinasabing try lang ulit.
Dahil naniniwala sila na ang “UMAAYAW AY DI NAGWAWAGI” kaya ang kanilang katuwiran pag may bakante ulit na Associate Justice position sa Supreme Court ay mag-apply nalang ulit baka sa panahon na yon ay naka-align na ang kanilang bituin at siyang mapipili o mapusuan ng naka-upong pangulo ng bansa.
Mayroon kasing aspirante na isang aplayan lamang ay nakukuha na nito ang Associate Justice Position sa Supreme Court, gaya na lamang ni dating Court of Appeals Associate Justice Rodil
Zalameda na unang apply lamang para sa Associate Justice position ng Supreme Court ay nakuha niya kaagad ito samantalang mayroon namang naka-ilang ulit ng nag-tangka para makopo ang nasabing position ay hindi parin pinapalad.
Pabiro ngang sinabi ng isang aspirante na pray lang at makakamtan din ang PINAPANGARAP.!..
Samantala batay naman sa nakuhang impormasyon ng inyong lingkod na sa Duterte government ay posibleng tatlo pang Justice Position sa Supreme Court ang maaring mapunan nito dahil sa mandatory o early retirement ng ilang ilang mahistrado ng kataastaasang hukuman.
