SANA SI BONGBONG NA LANG

MAHIGIT isang linggo matapos i-anunsyo ng tagapagsalita ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos II na si Atty. Vic Rodriguez na tatakbo ito sa isang national position sa pambansang halalan sa 2022, naglitanya ng ganito si Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng agawan sa pwesto nina resigned House Speaker Alan Peter Cayetano at newly-installed Speaker Lord Allan Velasco.

Nakilalang tuluyan ng Pangulo kung anong klaseng pulitiko si Cayetano dahil mistulang i-hostage nito ang deliberasyon ng budget para sa susunod na taon basta makapanatili lang siya sa pwesto at huwag mapasakamay ni Velasco ang poder ng kapangyarihan sa Kamara.

May mga naglabasan ngayong storya kung ano ba ang dahilan bakit nga ba hindi naging running-mate ni Pangulong Duterte si ­Senador Bonbong Marcos noon at sa halip pinagtiyagaan niya si Cayetano na inilampaso lang din naman sa labanan sa pagka-bise presidente nang lumabas na ang resulta ng halalan noong 2016 elections.

Ayon sa isang kwento, ang maybahay ni Cayetano na si Lani na noon ay Alkalde pa sa lungsod ng Taguig ang naging sagwil kung bakit hindi nagka-usap sina Duterte at Senador BBM.

Sa isang nakatakdang pulong daw noon ng dapat sana ay orihinal na tandem na Duterte-Marcos, bigla raw umeksena sa venue si Mrs. Cayetano.

Hindi lang siya nag gate-crashed sa lugar kundi sa ­upuan na dapat sana ay uupuan ni Senador BBM siya umupo. Bilang respeto sa kaniya dahil sa pagiging babae at isa pang alkalde, hindi naman siya mapalayas basta-basta ni Duterte.

Nang dumating ang ­nangungunang Vice Presidential candidate noon na si BBM, hindi na nito nagawa pang makipag-usap dahil naramdaman niyang pilit siyang binabacks-out o sinisiko ng mga Cayetano para hindi makalapit kay Duterte.

Ibang klase rin kasing pulitiko si BBM. Disente ito at hindi trapo. Hindi rin makapal ang mukha na gagawin ang lahat para lang makuha ang gusto kahit pa mabalewala ang ­prinsipyo o kaya ay ang ­tinatawag na palabra de honor.

Matapos na banggitin ni Atty. Rodriguez sa isang interbyu ang pagtakbo ni Senador BBM pero wala pang kasiguruhan kung anong pwesto, umingay agad sa social media ang balita.

Umulan ng ­sangkaterbang mga post sa Facebook, Twitter, Instagram at iba pa na hinihimok si Senador BBM na sana tumakbo ito sa pagka-Pangulo sa 2022.

Lumabas din ang resulta ng survey ng Pulse Asia noong Setyembre na kung magkakaroon ng halalan ngayon, nangunguna ang kaniyang pangalan na paboritong iboto ng taumbayan sa pagka-Senador.

Masasabi natin na repleksyon ito na maraming naka-miss kay Senador BBM sa pulitika at sa serbisyo publiko. Hinahanap-hanap ng mamamayang Filipino ang magandang branding niya sa pulitika gayundin ang ­paglilingkod na ginawa niya sa mamamayan na puhunan at naging tatak ng mga Marcos sa lipunan.

Wala pa ngang kasiguruhan kung anong pwesto ang kaniyang tatakbuhan pero ­sigurado tayo, may isa namang Marcos ang uupo sa poder ng kapangyarihan pagkatapos ng eleksyon sa 2022. Kapit Lang.

130

Related posts

Leave a Comment