Food, financial aid ipinasa ni PDu30 sa DSWD AYUDA IDIRETSO SA TAO, HINDI SA POLITIKO

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tinanggal niya sa mga politiko ang pamamahagi ng pera at pagkain dahil sa dami ng reklamo na kanyang natatanggap. Sa televised Presidential Message ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi, Abril 1 ay sinabi nito na ibinigay niya at ipinagkatiwala kay DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista ang pamamahagi ng pera at pagkain lalo na ng bigas dahil ang DSWD aniya ay may sariling distribution network. “Yan, ‘yung Pantawid. So meron. Idagdag na lang nila doon sa matatanggap doon sa recipient ng Pantawid. Idagdag mo…

Read More

NAMATAY SA PNEUMONIA, IPINASASAILALIM SA COVID-19 TEST

IGINIIT sa Department of Health (DOH) ng dalawang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na isailalim sa COVID-19 test ang mga taong namatay sa pneumonia. Ginawa nina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Quezon City Rep. Precious Castelo ang nasabing panawagan dahil marami umanong mahihirap ang namamatay sa pneumonia habang nakatutok ang lahat sa COVID-19. “Yes definitely. Kailangan ma-check para alam natin ang extent. If we do not test them, we will never know if they are positive for the fast-spreading coronavirus disease. It’s good if they do not have…

Read More

DSWD, MAMAMAHAGI NG P8-K – P10-K SA MAHIHIRAP NA MAMAMAYAN

Badilla Ngayon

NITONG Lunes, inianunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakahanda na ang P200 bilyon ng pamahalaan upang ipamahagi ito sa mahihirap na mamamayan. Inatasan ni Presidente Digong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang mamahagi sa pinakamahihirap na mamayang Filipino ng P8,000 hanggang P10,000 bawat buwan sa loob ng dalawang buwan. Aabot sa 18 milyong mahihirap na pamilya ang makikinabang sa nasabing P8,000 hanggang P10,000 tulong pinansiyal ng administrasyong Duterte ngayong panahong ipinatutupad ang “enhanced community quarantine” (ECQ) sa Luzon hanggang Abril 14. Sana matiyak na totoong mahirap ang mabibigyan…

Read More

PAGPAPALAYA SA ILANG PDLs HINILING

TINAWAG ni Senador Leila M. de Lima ang atensyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), upang isaalang-alang din ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na may mas mataas na peligro sa nakahahawang COVID-19 dahil sa sobrang pagsisiksikan sa mga kulungan sa bansa. Sa kanyang sulat, sinabi ni De Lima sa United Nations Commissioner on Human Rights (UNCHR), ang World Health Organization ay hinikayat ang mga gobyerno na huwag kalimutan ang mga nasa likod ng piitan at protektahan ang mga nagtatrabaho sa…

Read More

TULAK ARESTADO SA P54-K SHABU

SA gitna ng ipinatutupad na lockdown, isang umano’y tulak ng ilegal na droga ang nakumpiskahan ng P154,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon City, nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ni Malabon City Police chief, P/Col. Jessie Tamayao ang arestadong suspek na si Randy Bergonio, 24, ng #134 Sanciangco St., Brgy. Catmon, ng lungsod. Sa ulat, alas-3:35 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Johnny Baltan, ng buy-bust operation sa Dr. Lascano St.…

Read More

NAGLAKWATSA NANG MAY BARIL, BAGSAK SA SELDA

SWAK sa kulungan ang isang lalaki nang makumpiskahan ng isang hindi lisensyadong baril habang gumagala sa Caloocan City noong Martes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Joel Rocapor, 40, ng 43 Barrio Sta. Rita South, Brgy. 188 Tala, nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 4, matapos makipaghabulan dakong alas-10 ng gabi sa Barrio Sta Rita. Sa ulat ng pulisya, may nagsumbong sa mga pulis hinggil sa isang lalaking gumagala sa naturang lugar habang may nakasukbit nabaril sa baywang. Agad nagresponde sa lugar ang mga pulis at…

Read More

FRONTLINERS LIBRE SA TOLL FEE

INANUNSYO ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) na hindi pagbabayarin ng toll fee ang mga medical frontliner na dadaan sa NLEX, SCTEX, Cavitex at Calax. Ito ay bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagtulong sa pagsugpo sa COVID-19. Ayon sa MPTC, nais nilang sa kanilang munting programa ay mabigyan ng konting kaligayahan ang mga bayani ng bansa. Samantala, namahagi rin ang MPTC ng relief goods sa mga barangay na kanilang dinaanan sa NLEX, SCTEX, CAVITEX at CALAX na nasa Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Paranaque, Pasay at Las Pinas…

Read More

COUPLE NAMATAY SA FALLS

BATANGAS – Kapwa namatay ang mag-live-in partner makaraang mahulog sa talon sa bayan ng Talisay sa lalawigang ito, noong Martes ng tanghali. Kinilala ng Talisay police ang mga biktimang sina Raymond Manimtim at Nicole Santiles. Batay sa report ng pulisya, nangyari ang insidente sa Ambon-Ambon Falls sa Sitio Camantigue, Barangay Tumaway. Nakaupo umano ang dalawa sa mga sandbag sa gilid ng talon nang biglang gumuho ang mga ito. Bunsod nito, nawalan ng panimbang ang dalawa kaya magkasamang nahulog sa mga batuhan sa ibaba ng talon. Agad nalagutan ng hininga ang mga…

Read More

12,000 PASAWAY ARESTADO SA CENTRAL LUZON

MAHIGIT 12,000 pasaway sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) ang dinakip ng mga pulis sa Central Luzon kaugnay ng kinahaharap na coronovirus disease 2019(COVID-19) outbreak sa buong bansa. “These individuals were arrested for violating curfew hours, drinking and smoking in prohibited places and disobedience during checkpoint operations. Of this figure, 3,300 were curfew breakers during implementation of ECQ,” ayon kay PRO3 Director P/BGen. Rhodel Sermonia. Sinabi ng opisyal na ang pulisya ay magpapatuloy sa mas pinaigting na pagpapatupad ng direktibang pag-aresto sa mga lalabag sa ECQ guidelines. Patuloy pa…

Read More