DOH PERSONNEL NATAGPUANG PATAY

NATAGPUANG patay ang isang 53-anyos na HIV (human immunodeficiency virus) Master Trainor ng Department of Health (DOH), sa loob ng inuupahang silid sa #2621 Arellano Avenue, Malate, Manila, noong Biyernes. Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay ni Aureo De Castro y Vista, walang asawa, at empleyado ng DOH. Base sa ulat ni Det. Erikson Aguilar ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-10:00 ng umaga nang madiskubre sa kanyang silid ang walang buhay si De Castro habang nakasuot ng t-shirt na gray at walang saplot pang-ibaba. Ayon sa isang Hasmer Hamid, 26,…

Read More

MAG-UTOL TIMBOG SA P340-K SHABU

ARESTADO ang magkapatid matapos makumpiskahan ng  P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City, noong Sabado ng hapon. Kinilala ni Valenzuela City Police chief P/Col. Fernando Ortega ang arestadong magkapatid na mga suspek na sina Khalillah Dagalangit, 23, at Jamil Dagalangit, 22, kapwa ng Tala, Caloocan City. Ayon kay Ortega, dakong alas-4:00 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni P/Capt. Segundino Bulan Jr., ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Gen. T. De Leon,…

Read More

WANTED SA RAPE NALAMBAT

NASAKOTE makalipas ang mahigit isang taong pagtatago ang No. 6 sa talaan ng most wanted persons ng Navotas City nang bumisita ito sa kanilang bahay. Dinakip dakong alas-7:00 ng gabi noong Biyernes ang suspek na si Jaymart Gozon alyas “Bench Evo” nang maispatan malapit sa kanilang bahay sa  #3 Dr. Bausa St., Brgy. Bagumbayan South. Hindi pumalag ang biktima nang isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest na inisyu ni Navotas Regional Trial Court (RTC) Judge  Ronald Torrjos ng Branch 288 para sa two counts ng rape at paglabag…

Read More

3 CHINESE HULI SA KIDNAPPING NG MALAYSIAN

‘DI NA KABABAYAN ANG BIKTIMA NAHAHARAP sa kasong illegal detention at extortion ang tatlong Chinese national makaraang sapilitang pigilan sa  isang turistang Malaysian national sa Unit 2318 ng Avida Tower, Prime Taft, Tower 2, sa Taft Avenue, Barangay 36, Zone 3, Pasay City noong Sabado ng hapon. Sa ulat ng Pasay City Police, sa pangunguna ni Chief of Police Col. Erickson Dilag, isang tawag ang kanilang natanggap dakong alas-9:00 ng gabi na humihingi ng police assistance sa umano’y pwersahang pagpigil sa turistang Malaysian national sa nabanggit na lugar. Sa maagap…

Read More

300 BAHAY NATUPOK SA POSPORO

SUNOG

CEBU – Umabot sa 300 bahay ang nasunog sa Barangay Ibabao Estancia sa Mandaue City. Nanagyari ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali noong Sabado. Ayon sa ulat, nakatanggap ng ulat ang Mandaue City Fire Department hinggil sa nangyaring sunog kaya agad silang nagresponde. Magkakadikit-dikit umano ang mga bahay at makipot ang daan kayat nahirapan ang mga bombero at fire truck. Napag-alaman, ilang mga fire volunteer ang kinailangang umakyat sa bubong para maapula ang sunog. Gawa sa light materials ang mga bahay kaya madaling natupok ang mga ito. Sa imbestigasyon ng…

Read More

TRAFFIC ENFORCER NIRATRAT SA HIGHWAY

CAGAYAN de Oro City – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang traffic enforcer sa Barangay Puerto sa lungsod na ito. Kinilala ng pulis ang suspek na si Mark Langam IV ng Roads and Traffic Administration (RTA) ng lungsod. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad sa tabi ng highway ang biktima kasama ang isa pang traffic enforcer nang biglang siyang barilin. Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo. Sa ospital ay nalagutan ng hininga ang biktima sanhi ng dalawang tama ng bala sa tagiliran. Sinabi naman…

Read More

1 PATAY, 1 SUGATAN SA SENGLOT NA DRIVER

CAVITE – Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng isang lasing na babaeng driver makaraang mabangga ang isang pedicab na nagresulta sa pagkamatay ng pasahero nito at nahagip ang isang bystander sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Namatay habang ginagamot sa San Lorenzo Hospital ang biktimang si Apolonia Llamas, 55, may live-in partner, ng Brgy. Palangue 2-3, Naic, habang inoobserbahan si Janeth Baybayin, 39, bystander, ng Brgy. Palangue 2-3 Naic, Cavite. Kasong reckless imprudence resulting in Homicide with physical Injury and multiple damage to property ang kinakaharap ni Patricia De…

Read More

2 DRUG PEDDLER KUMASA, PATAY

drugs200

15 huli sa drug war BULACAN – Dalawang umano’y drug peddler, kabilang ang isang nasa PNP/PDEA unified watchlist, ang napatay nang kumasa sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose del Monte (SJDM) City police nang makatunog na undercover agent ang katransaksyon habang 15 iba pa ang nadakip sa serye ng buy-bust operation sa Barangay Sto. Cristo, SJDM City at iba pang munisipalidad sa lalawigang ito, nitong Sabado. Base sa report kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang napatay na mga…

Read More

5 MAGKAKAKLASE NALUNOD

CAGAYAN – Nauwi sa trahedya ang paliligo sa ilog ng magkakaklase nang malunod ang lima sa mga ito sa bayan ng Camalaniugan sa lalawigang ito, iniulat noong Sabado ng umaga. Kinilala ang mga nalunod na sina Jenny Mercado ng Brgy. Bukig Aparri; Florbeth Ruatos ng Brgy. Pakak, Aparri; May Tubol, Irene Tubol, kapwa residente ng Brgy. Mabanguc Aparri, at Bernadette Paet,  residente sa naturang lugar,  pawang mga estudyante ng Bukig National Agricultural and Technical School (BNATS) sa bayan ng Aparri, Cagayan. Batay sa report ng Camalaniugan Police Station, dakong hapon…

Read More