NALUNGKOT din ako na nagkaroon na naman ng kontrobersya sa dating magbiyenang Pilita Corrales at Lotlot de Leon. Nag-guest lang si Pilita sa 1st anniversary show namin ni Cristy Fermin na ‘Take It Per Minute Me Ganun’, nagkaroon pa ng isyu dahil sa sinabi niya tungkol sa apo niyang si Janine Gutierrez. Hindi mo rin masisisi na mag-react si Lotlot dahil kailangan niyang ipagtanggol ang anak niya, siyempre. Pero sana maayos na at hindi na magkaroon ng palitan ng ‘di magagandang salita. Huwag na sanang buksan pa ang mga dating…
Read MoreAuthor: admin
RONNIE: ‘BINIBIGAY KO KAY LOISA LAHAT-LAHAT, WALA AKONG ITINITIRA SA SARILI KO!’
MAHIGIT tatlong taon nang magkasintahan ngayon sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Ayon sa aktor ay may ilang mga pagkakataon na rin gusto na niyang sukuan ang relasyon nila ng dalaga. “Maraming beses, maraming beses na po ako gustong sumuko. Siguro po dahil sa mga nangyayari sa aming pagsubok dati, natututunan ko lang po do’n na sa pagmamahal kailangan mo talaga magbigay, kailangan mo magtiwala. Kasi hindi naman po kayo magtatagal kung wala lahat ‘yon,” makahulugang pagbabahagi ni Ronnie. Katulad ng ibang magkasintahan ay normal lamang umano ang pagkakaroon nang…
Read MoreMARIEL DE LEON, BONGGA ANG CAREER SA NEW YORK
ISA ako sa natutuwa sa bumobonggang career ngayon ni Mariel de Leon sa New York. Pinag-uusapan nga ng mga kabadingan na kasama pala siya sa fashion show ni Kim Kardashian sa New York Fashion week. Nasa Instagram account niya ang ilang kuha doon sa fashion show na ibang-iba ang dating at aura niya. Noon pa naman gusto na talaga ni Mariel na pasukin ang modeling. Tamang-tama naman doon nag-migrate ang kuya niyang si Gabriel kaya may kasama naman siya roon. Noong nakaraang Pasko nga doon sa Amerika si Sandy Andolong…
Read MoreANAK NI JOSE MANALO VIVA ARTIST NA
DALAWANG magkasunod na contract signing with Viva Artists Agency (VAA) ang aming dinaluhan last Thursday, February 26, ang magkahiwalay na paglagda ng management contract ng singer-actor-dancer at writer na si Benz Manalo at ng sexy singer-actress na si Kara Madrid (dating Kara Mitzi). Seventeen years old noon si Benz nang siya’y sumali sa talent reality search ng GMA, ang “Starstruck” noong 2005 kung saan sina Jackie Rice at ang yumaong si Marky Cielo ang tinanghal na Ultimate Survivors pero maagang nag-asawa at nahiwalay si Benz at meron na siyang isang…
Read MoreCRISTINE MAS LUMAWAK ANG PAG-INTINDI SA PINASOK NA TRABAHO
TUWING may itatanong noon kay Cristine Reyes ang entertainment press na may kaugnayan sa personal niyang buhay ay umiiwas itong sumagot. Minsan naman kapag napipilitan siyang sumagot ay kadalasang ‘no comment’ o lihis sa tanong ang kanyang mga sagot. Sa presscon ng pelikulang Untrue kung saan bida si Cristine kasama si Xian Lim, ay napansin namin ang slight na pagbabago kay Cristine kung paano siya sumagot at makiharap sa press. Ano nga ba ang dahilan ng tila pagiging warm niya ngayon sa press kumpara noong mga nagdaang taon?…
Read MorePROTEKSYON SA AUDIO-VISUAL WORKERS PIRMADO NA
SWAK: Natuloy na rin ang pagpirma ng Joint Memorandum Circular ng Department of Labor ang Employment o DOLE at ng Film Development Council of the Philippines o FDCP. Pinangunahan nina DOLE Secretary Silvestre Bello III at FDCP Chairperson Liza Diño ang nagpirma ng naturang memorandum circular noong nakaraang Biyernes na ginanap sa DOLE, at sinaksihan nina Ice Seguerra, Leo Martinez at Rez Cortez. Sabi ni Liza nang nakapanayam sa radio program naming sa DZRH noong nakaraang Huwebes, halos tatlong taon daw nila itong trinabaho kasama ang Actors Guild, Directors Guild…
Read MoreKAI SOTTO PASOK SA BWB GLOBAL CAMP
NAPILI si 7-foot-2 wunderkind Kai Sotto ng NBA at FIBA na mapasama sa Basketball Without Borders (BWB) Global Camp sa Chicago, USA. Kabuuang 64 boys and girls mula sa 34 countries at regions ang kabilang sa BWB Global Camp, na magiging bahagi ng 2020 NBA All-Star Weekend. Ilan sa mga kilalang NBA stars na naging bahagi ng BWB ay sina Toronto Raptors’ Pascal Siakam, Phoenix Suns’ Deandre Ayton, Washington Wizards’ Rui Hachimura, at Denver Nuggets’ Jamal Murray. Si Siakam, Most Improved Player noong nakarang taon, ang magko-coach sa campers mula…
Read MoreHIDILYN DIAZ, LILIPAT SA MALAYSIA
HINDI na rin tuloy ang training camp ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz sa China at Taiwan. Sa halip, sa Malaysia na lang niya itutuloy ang training dahil pa rin sa umiiral na travel ban bunsod ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease. Ang naturang training camp ay parte ng preparasyon ni Diaz para sa Asian Championship sa Abril 16 hanggang 25 sa Kazakhstan, para sa kanyang inaasam na tiket patungong Tokyo Olympics. Ayon sa 28-anyos na Pinay weightlifter, pinaplantsa na ng kanyang team ang mga detalye sa Philippine…
Read MorePH MEN’S BOXING TEAM; MAGKAKAMPO SA THAILAND
DALAWANG linggong magte-training ang Philippine men’s boxing team sa Thailand para sa Olympic boxing qualifiers sa Amman, Jordan, sa susunod na buwan. Sinabi ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson na anim na iba pang national teams na sasabak sa Jordan slugfest ang magsasagawa rin ng training camp sa lungsod sa labas ng Bangkok. Ang naturang Olympic qualifiers ay orihinal na naka-iskedyul gawin sa Pebrero 3-14 sa Wuhan, China. Ngunit dahil sa coronaviruss outbreak ay napilitan ang International Olympic Committee na ilipat ito sa…
Read More