MPBL SOUTH DIVISION PLAYOFFS; BASILAN NAKAPAKO SA NO. 3

SINELYUHAN ng Basilan Steel ang third seeding nito sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Southern Division playoffs kasunod ng 89-71-win laban sa Paranaque Partiots noong Biyernes ng gabi sa Marikina Sports Center. Buhat sa 24-13 count, umatake ang Steel sa second quarter at isinara ang halftime para sa 45-33 lead. Nang medyo nakakabawi na ang Paranaque sa third quarter, nagtala ang Basilan ng 24-14 scoreline sa fourth period para tuluyang iwanan ang kalaban at isara ang laro sa 12-1 run. “Ayaw ko kasi yung sa dulo close game pa (I…

Read More

TAEKWONDO ASIAN QUALIFICATION TOURNAMENT BAGONG BIKTIMA NG NCOV

Isa na namang Olympic qualifying tournament na nakatakdang lahukan ng Pinoy athletes ang hindi matutuloy dahil sa novel corona virus (nCov) outbreak sa China. Kinumpirma ni Philippine Taekwondo Association (PTA) chairman for regional affairs Stephen Fernandez ang kanselasyon ng Taekwondo Asian Qualification Tournament para 2020 Tokyo Olympics. Ang tournament ay dapat sanang gagawin sa Abril 10-11 sa siyudad ng Wuxi na nasa southern part ng Jiangsu province. Ito ang ikalawang Olympic Qualifier na kinansela sa China sanhi ng nasabing nCoV outbreak. Una nang nakansela ang Asia-Oceania Boxing Olympic qualifying tournament…

Read More

QCPD CRASH COURSE ON NCOV

OKAY O OKRAY

NAKAKATUWA naman itong si Quezon City Police District director P/BGen. Ronnie Montejo dahil kahit panay ang banat sa kanya ng mga mamamahayag kaugnay sa ilegal na sugal sa kanyang nasasakupan ay hindi niya ito ikinasasama ng loob. Okay siya dahil itinuturing pa rin niyang kaibigan ang mga bumabanat sa kanya at hindi niya pinepersonal ang mga ito. Sabi niya, pareho lang namang nagtratrabaho ang mga pulis at reporters kaya ibinabalita lang ang kung ano ang kanilang nakikita. Okay na okay rin ang kanyang ginagawang pagpapa-raid sa mga makina ng video…

Read More

PAGGAMIT NG COCO PRODUCTS GRASYA SA MGA MAGNINIYOG

PUNA

SAKALING matuloy ang executive order na naglalayong tangkilikin ng mga Filipino ang iba’t ibang produkto ng niyog, laking pasalamat tiyak ng coconut farmers kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil grasya ito sa kanila at siyempre sa ­ating bansa. Milyun-milyong mga Pinoy ang umaasa sa kita ng niyog, mula Laguna, Batangas, Quezon, Bicol at kabuuan ng Kabisayaan at Mindanao. Siyempre kapag nagawa na ni Pangulong Duterte ang EO dadami ang gagamit ng mga produkto mula sa niyog at kasabay nito ang pagtaas ng presyo nito sa merkado kaya’t ang niyog at buko…

Read More

LOLO DEDO SA MOTORSIKLO 

CAVITE – Patay ang isang 69-anyos na lolo nang nabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa bayan ng Noveleta sa lalawigang ito. Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Warlito Tadeo, may asawa, vendor ng Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite, habang hawak na ng pulsiya ang driver ng motorsiklo na si Arman Villanueva, 45, binata, obrero, nakatira sa Brgy. Wawa 3, Noveleta, Cavite. Sa ulat ni P/SSgt. Rodel Abutin ng Noveleta Municipal Police Station, naglalakad ang biktima at papatawid sa kalsadang sakop ng Brgy.…

Read More

VULCANIZING SHOP OWNER PATAY SA HOLDAPER 

LA UNION – Namatay ang isang may-ari ng vulcanizing shop matapos harangin ng dalawang holdaper at pinagbabaril,iniulat nitong umaga ng Sabado sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Benn McClaude Madayag, 35, residente ng Bauang, La Union. Batay sa report ng San Fernando Police Station, dakong ala-1:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Gov. Joaquin Ortega Ave., Barangay Madayegdeg sa lungsod ng San Fernando, La Union. Lumabas sa imbestigasyon, kaaalis lamang ng biktima sa kanyang vulcanizing shop matapos iabot sa isang Ariel Flora, ang binili nito sa Online Shopping.…

Read More

SUNDALO PATAY SA AMBUSH NG NPA

AGUSAN DEL NORTE – Patay ang isang kasapi ng Philippine Army (PA) matapos tambangan at pagbabarilin ng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA), iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Col. Neil Denoso, intelligence operative ng 23rd IB Philippine Army, habang sugatan naman si PFC Rick Boy Elegaria. Batay sa report ng Carmen Police Station, nangyari ang insidente sa Sitio Campo Uno, Barangay Rojales, Agusan del Norte. Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima galing ng Barangay Manoligao at pabalik…

Read More

RIDER PATAY SA PLASTIC BARRIER

RIZAL – Patay ang isang rider nang sumemplang ang kanyang motorsiklo makaraang bumalagbag sa kanyang daraanan ang isang plastic barrier na tumalsik matapos mabunggo ng isa pang rider sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station (MPS), nangyari ang insidente dakong alas-7:45 sa kahabaan ng Gen. Luna St., Brgy. Guitnang Bayan 1, sa nasabing bayan. Hindi umabot nang buhay sa Ynares Hospital si Jerry John Fernandez, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng rider na sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo…

Read More

PULIS PATAY SA NAKA-SUV

LEYTE – PATAY ang isang pulis makaraang dikitan ng Sports utility vehicle habang minamaneho ang motorsiklo saka pinagbabaril noong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Patrolman Ramil Aruelo, nakatalaga sa Bato Leyte Police Station, at residente sa bayan ng Hilongos, Leyte. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Barangay Lunang, Hilongos Leyte. Lumabas sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima galing sa kanyang trabaho nang bigla siyang dikitan ng naturang sasakyan at pinagbabaril. Nagpapatuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad para…

Read More