BULACAN – Umabot sa 18 katao ang nadakip ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng Bulacan PNP sa Malolos City, Meycauayan City at mga bayan ng Pulilan at Bocaue nitong Biyernes. Base sa report ng pulisya, apat katao ang nadakip nang pinagsanib na puwersa ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Malolos City PNP sa Grand Royale Subdivision sakop ng Barangay Pinagbakahan, Malolos City nang mahuli sa aktong nagma-majhong sa pampublikong lugar at nakakumpiska ng apat na silya, isang mesa, mahjong set at P4,040 cash. Samantala, siyam…
Read MoreAuthor: admin
NEGOSYANTENG BAON SA UTANG NAGBIGTI
CAGAYAN – Nagpasyang magbigti ang isang negosyante dahil sa pagkakabaon sa utang na hindi niya mabayaran, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Nicanor Melad, 53, negosyante, at residente ng Brgy. Virginia Sto. Niño, Cagayan. Batay sa report ng Sto. Niño Police Station, natagpuan na lamang ng kanyang pamangkin ang biktima habang nakabitin sa tindahan nito at wala nang buhay. Lumabas sa imbestigasyon, lubog umano sa utang ang biktima at hindi sapat ang kinikita ng tindahan nito para magbayad. Kuwento pa ng kaanak at kaibigan…
Read MoreVAN BUMALIKTAD, 3 GURO PATAY
ISABELA – Patay ang tatlo katao habang siyam pang mga biktima ang sugatan makaraang bumaliktad ang sinasakyan nilang pampasaherong van, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga namatay na sina Roderick Sucliyao, Crisencia Wandag Cayangao at Marcelina Dupagan Sapon, pawang mga guro, habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Ralyn Lugao Dao-ayan, James Ballay Abuwak, Fernando Salvador Ducasao, Arian Kathlyn Dulanao, Leonida Abuwak Puctiyao, Hubert Abuwak, Francisca Dangpason Addagan, Nathaniel Dalanao Jr., at ang driver na si Jay-ar Ducasao. Batay sa report ng Kalinga Police Station,…
Read MoreELECTRICIAN TIKLO SA BUY-BUST
ARESTADO ang isang electrician makaraang pasukin ang pagtutulak ng ilegal na droga para masuportahan ang kanyang live-in partner sa Las Piñas City. Ang suspek na kinilalang si Alden Recto, 40-anyos, ay nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa #1 Torch Lilly St., Talon Village, Brgy. Talon 4 ng nasabing lungsod. Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang P102,000 ang street value. Napag-alamang mahina ang kontrata sa trabaho ni Alden bilang electrician at hirap buhayin ang live-in partner kaya pinasok ang pagtutulak ng ilegal na droga.…
Read MoreDRUG PUSHER, GUN RUNNER TIKLO SA MAKATI
INARESTO ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa kanyang bahay sa Makati City, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Earl Hubert Sering na bukod sa pagtutulak umano ng ilegal na droga ay sangkot din sa gun running activities. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, makaraang makumpiskahan ng droga at baril sa kanyang bahay sa Puerto Rico St., Barangay Palanan, Makati City. Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati…
Read MoreKuya patay, 5-anyos malubha; MAG-UTOL NABUNDOL NG ARMORED VAN
HINDI na nailigtas sa pinagdalhang pagamutan ang isang 12-anyos na lalaki habang malubha ang nakababatang kapatid nito makaraang mabundol ang kanilang bisekleta ng isang armoured van sa Tondo, Manila iniulat ng pulisya nitong Linggo. Kinilala ang namatay na biktimang si C-jay Calderon, ng 1915 Capulong St., Tondo habang sugatan naman ang kapatid nitong si Jay-C, 5-anyos. Samantala, nahaharap sa kasong reckless irudence resulting in homicide at damage to property with physical injuries ang driver na si Simplicio Calma Jr., y Dela Cruz, may asawa, ng #393 Balut, Tondo. Batay sa…
Read MoreAyaw matulog, ayaw ding magpatulog; ADIK SA ‘TALA’ TINARAKAN NG PUYAT NA PINSAN
AGAW-BUHAY ang isang security guard nang nang mapundi sa kasasayaw niya ng “Tala” ang pinsan niyang pahinanteng kasama rin sa bahay at araruhin ng saksak ang biktima sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Edwin Guiritan y Borja, 35, binata, ng Area C, Interville, Talipapa, Barangay 164, Caloocan City. Kakasuhan ng frustrated murder ang arestadong suspek na si Jonald Caligner y Borja, 40, ng kaparehong address. Napag-alaman, puyat at pagod umano ang suspek galing sa biyahe kaya’t gusto nitong magpahinga ngunit ayaw paawat sa kasasayaw ng…
Read MoreKAHERA LUMIPAD SA 6TH FLOOR, PATAY
PALAISIPAN sa mga awtoridad kung itinulak o sadyang nagpatihulog ang isang 36-anyos na babae makaraan umanong mahulog mula sa ika-6 na palapag ng gusali kahapon ng umaga sa Tondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Maricel Arellano y Leynes, cashier, residente ng Rm. 606 Josefa Building, Padre Rada St.,Tondo. Base sa ulat nina Det. Donald Panaligan at Det. Dennis Suba ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 8:35 ng umaga nang mangyari ang insidente mula sa ika-6 na palapag hanggang sa ika-2 palapag ng gusali. Nauna rito, nakipagtalo umano ang biktima sa…
Read MoreNabuking na sumasalisi kay misis; ‘AHAS’ NA BAYAW PINATAY
ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 30-anyos na vendor makaraang patraydor na binaunan ng bala sa likod sa Binondo, Manila nitong Biyernes ng hapon. Namatay habang inoobserbahan sa Philippine General Hopital ang biktimang si Haslem Casim y Makasil, may asawa, ng #58 Constitutional Road, Batasan Hills, Quezon City. Samantala, arestado naman at nahaharap sa kasong murder ang suspek na kinilalang si Samanudin Cawasa y Mangontra, alyas “Sam”, 40 anyos, may asawa, negosyante, ng nasabing lugar. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Bernard Cayabyab…
Read More