BUMAWI ang University of Perpetual Help System Dalta mula sa pagkatalo sa opening day, nang talunin ang San Sebastian kahapon, 29-31, 25-13, 25-20, 25-20 sa 95th NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Centre. Kinuha ng Lady Stags ang first frame matapos ang drop shot mula kay setter Vea Sison. Rumesbak ang Lady Altas sa sumunod na dalawang sets at nagawang malampasan ang 12-16 deficit sa fourth set upang ilista ang unang panalo. Si Yanca Tripoli ay may 17 hits, kasama ang huling dalawang match points, habang nagdagdag si…
Read MoreAuthor: admin
BRIONES SA LGUs: HINDI EVACUATION CENTERS ANG MGA ESKUWELAHAN
NAKIUSAP si Education Secretary Leonor Briones sa mga opisyales ng local government units na kung maaari ay iwasan na ang paggamit sa mga eskuwelahan bilang evacuation center sa panahon ng kalamidad. Katwiran ni Briones, naaantala ang mga klase ng estudyante sa tuwing nagkakaroon ng natural disaster dahil hindi makapagklase ang mga guro kapag ginawang evacuation center. “Panahon pa ng Mayon, sinasabi na namin na sana iwasan na ang paggamit ng school buildings as evacuation centers para hindi ma-interrupt ang classes. Kailangan makapaghanap sila ng lugar kung saan makapagpatayo ng temporary…
Read MoreWSC 2020, AALAGWA NA
AARANGKADA na sa Lunes, Enero 20, ang unang sultada ng 2020 World Slasher Cup 9-cock Invitational Derby sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City. Mainit na labanan ang inaasahan mula sa mahigit 200 batikang sabungero na magtatagisan ngayong taon para sa prestihiyosong World Slasher Cup na itinuturing na sagupaan ng mga kampeon. Inaabangan ang pagbabalik rueda ng 2019 champions na sina Nene Araneta, Frank Berin, Rey Cañedo at Jun Durano na dedepensahan ang kanilang mga titulo laban sa mga batikang manlalaro tulad ni WSC-1 champion Claude Bautista at…
Read MoreVILLAR, HAHARANGIN SA WATER SERVICE
IPINASASARA ng isang mambabatas ng mababang kapulungan ng Kongreso ang “pintuan” para kay dating Senate President Manny Villar kaugnay sa water distribution service sa Metro Manila sakali man at bawiin ang kontrata mula sa Manila Water at Maynilad. Sinabi ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, bagama’t suportado ng kanilang grupo ang pagbawi sa kontrata mula sa dalawang water concessionaires, hindi maiwasang mangamba sila na ililipat lamang ito sa ibang negosyante tulad ni Villar, may-ari ng Prime Water. Kaya naman, hinamon ni Brosas si Pangulong Rodrigo Durete na rebyuhin, rebisahin at…
Read MoreREV-ANCHOR PAMALIT SA REV-GOV
POSIBLE raw ipalit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Revolutionary Ancestral Honor Recognition (Rev-AncHoR) sa Revolutionary Government (Rev-Gov) sa ilalim ng 1899 Constitution. Sinabi ito ni Atty. Melchor Magdamo sa inyong lingkod nang siya ay kapanayamin kaugnay sa revolutionary government. Sa paliwanag ni Atty. Magdamo, ang 1899 Constitution na tinawag Revolutionary Constitution ay ginawa ng mga tunay na Pilipino na namuhunan at nagbigas ng sariling dugo at pawis upang mapagtagumpayan ng lahi ni Juan dela Cruz ang pagtatatag nito. Ayon sa ating kaibigang manananggol, kailangan lang daw ni Pangulong Duterte na…
Read MoreGAMBOA BAGONG PNP CHIEF
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Gamboa bilang sunod na hepe ng PNP. “We have the PNP chief. I’m going to appoint you as the regular PNP. But you, Secretary Año and I will have a long, long talk first,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa Pasasalamat Gathering For Eagles SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City. Hinangaan ng Pangulo ang ipinakita sa kanyang katapatan ni Gamboa. “Pinakita mo sa akin ‘yung sincerity mo. I’d…
Read MoreLASON AT HINDI PATABA
PINAG-IINGAT natin ang mga magsasaka sa paggamit ng mga genetically modified organism (GMO) sa mga sakahan sa bansa lalo na sa pagtatanim at pag-aani ng talong at mais. Sa kagustuhan kasi ng marami nating mga magsasaka na magdagdagan ang kanilang kita ay nata-trap sila sa paggamit ng GMO na ang hindi nila alam ay nakasasama sa kalusugan nila habang kanilang itinatanim. Bukod dito, ang mismong lupang pinagtatamnan ay nalalason ng nasabing mga GMO na punla at maaaring permanenteng ikasira ng kanilang mga lupang sakahan at maaaring madamay pa ang kalikasan…
Read MoreDISASTER AWARENESS, CLIMATE CHANGE ITURO
ISANG panukalang batas ang inihain ni Sen. Manuel “Lito” Lapid na nagnanais na maituro sa mga paaralan – elementarta at sekondarya, ang disaster awareness at disaster mitigation upang mamulat ang kabataan sa peligro ng kalamidad. Sa Senate Bill No. 1140, nais ni ni Lapid na isama sa kurikula ng elementarya at sekondarya ang pagtuturo ng natural at man-made disaster upang magkaroon ng kaalamanan ang kabataan sa disaster preparedness. Malaki ang paniwala ni Lapid na mahalaga para sa kabataang Filipino na magkaroon sila ng sapat na kahandaan sa kalamidad na maaaring…
Read MoreVOTERS’ REGISTRATION SINUSPINDE NG COMELEC SA MGA LUGAR NA APEKTADO NG BULKANG TAAL
IPINAG-UTOS ng Commission on Elections ang pagsuspinde sa voters’ registration sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal kasama na rin ang ilang lugar sa Palawan at Cotabato. Inihayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez ang pagsuspinde sa pangkalahatang pagpapatala ng mga botante na dapat ay magsisimula ng Lunes, Enero 20, 2020 at matatapos sa Setyembre 20, 2021. Bunga ng pagsabing ng taal, suspendido ang pagpaparehistro sa ilang lugar sa Cavite at Batangas na lubhang apektado ng ashfall na nasa loob ng 14km danger zone tulad ng Agoncillo, Alitagtag,…
Read More