CP SNATCHING VS. GEN. BATHAN

SEC AÑO-GEN BATHAN

IPINAG-UTOS ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa Philippine National Police  ang pagsisiyasat  sa mga napa-ulat na pang-aabuso ng mga pulis  noong traslacion ng Pooong Itim na Nazareno kabilang na ang  pang-aagaw ng cellphone ng isang heneral sa isang TV reporter. Ang kautusan sa imbestigasyon ay ipinasa ni Año kay PNP Officer-In-Charge Lieutenant General Archie Gamboa dahil ang pangyayari ay kaugnay sa kauna-unahang pangangasiwa ng PNP sa isinagawang Translacion ng Black Nazarene. Sinabi ni Año na nanghihinayang siya sa magandang resulta ng Traslacion na pinangasiwaan ng pulisya at…

Read More

MERALCO VS GINEBRA: TOSS COIN SA GAME 3

BOLTS-GIN

WALANG tulak-kabigin sa PBA Governor’s Cup finals trilogy ng Meralco Bolts at Barangay Ginebra kaya’t masasabing anybody’s ballgame ang Game 3 ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum. Ganap na alas-6:30 magsisimula ang ikatlo sa best-of-seven series ng dalalawang koponan na sa ngayon ay kapwa may 1-1 kartada. Unang inangkin ng Gin Kings ang Game 1, 91-87, noong Enero 7. Pero agad nakabawi ang Meralco sa Game 2 noong Biyernes sa Quezon Convention Center sa Lucena. Nagkaalaman lamang ng nanalo sa huling mga segundo ng laro kung saan nakaungos ang Bolts…

Read More

‘TAX FREE OT PAY’ NAPAPANAHON – FFW

FFW

SOLIDO ang suporta ng tatlong malalaking alyansa ng mga unyon ng mga manggagawa sa bansa  kaugnay sa panukalang batas ni Senador Ralph Recto na magtatanggal sa buwis sa bayad sa mga manggagawang nag-over time sa trabaho. Ayon kay Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW), “napapanahon at makabuluhan” ang panukalang batas ni Recto. Ang pahayag ni Matula ay reaksyon ng FFW sa Senate Bill No. 601 ni Recto na mag-aamiyenda sa Seksiyon 32 (B) (7) ng National Internal Revenue Code of 1997 upang walang ibabawas na…

Read More

EVACUATION PLAN, HUWAG ITIKLOP

Rep Campos Jr

IKINATUWA ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pag-downgrade sa alert level sa Middle East dahil nangangahulugang hindi magkakaroon ng evacuation sa overseas Filipino workers (OFWs) lalo na sa Iran at Lebanon. Gayunpaman, sinabi ni Makati Rep. Luis Campos Jr., hindi dapat tuluyan nang itiklop ang evacuation plan at patuloy pa ring bantayan ang situwasyon sa Gitnang Silangan. “We support the downgrading of alert level while keeping in place a ready evacuation plan,” ani Campos. Magugunita na noong Miyerkules ay itinaas ng gobyerno sa alert level 4 ang situwasyon sa Middle…

Read More

P1M VALENTINES 10-BALL OPEN CHAMPIONSHIP

PACQUIAO-3

HINDI lang pamboksing at pang-basketball si Senador Manny Pacquiao kundi pang-billiards na rin siya. Katunayan ay pangungunahan niya ang P1 Million Valentines 10-ball Open Championship na gaganapin sa Bacolod City, Negros Occidental simula Pebrero 3 hanggang 14. Ang naturang torneo ay hatid ng Manny Pacquiao Promotions sa pamamahala nina tournament organizerMary Grace Tambasen at tournament director Michael Feliciano. Ipatutupad ang double knockout format sa torneo na lalahukan nina 2017 World Pool champion Carlo Biado, 2015 Manny Pacquiao (MP) 10-ball champion Jericho Bañares, former All Japan winner Lee Van Corteza, Johann…

Read More

SILVER PLAY BUTTON AGAD SI KATHRYN SA KANYANG UNANG VLOG

kathryn bernardo-4

SWAK: Kasabay ng pagpasok ng taong 2020, sinimulan ni Kathryn ang vlog niya sa You Tube at ilang oras lang kaagad na nagkaroon na ito ng 100 thousand subscribers. Kaya unang post pa lang niya,  nakatanggap na siya agad ng Silver Play Button mula sa You Tube. Kaya na-inspire si Kathryn na mag-post uli ng ilan niyang experience sa kanyang vlog. Ang tanong ng mga fans, may ipu-post kaya siya nung nag-shoot sila ni Alden Richards sa Hongkong? Matataypan daw kaya ito ni Daniel Padilla? KC IPINAGTANGGOL NI GABBY SEE:…

Read More

MALAKANYANG NAKIRAMAY SA PAGPANAW NG SULTAN NG OMAN

Sultan Qaboos bin Said

LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang pagpanaw ng Sultan ng Oman na si Sultan Qaboos bin Said. “On behalf of the Filipino nation, President Rodrigo Roa Duterte expresses his sincere condolences and offers his fervent prayers to the government and people of the Sultanate of Oman as they mourn their beloved leader,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Sinabi ni Panelo na para sa Malakanyang, si Sultan Qaboos ay “man of vision and foresight” kung saan ay ginawa nitong makabago at matatag ang kanyang bansa simula nang maupo siya noong…

Read More

DAR HINIKAYAT ANG DA EMPLOYEES: MAGING PRODUKTIBO

William Dar

Maririnig sa Filipino folk song na “magtanim ay ‘di biro ‘ ang hirap na pinagdaraanan ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay. Sabi sa awitin, dahil maghapong nakayuko ang mga magsasaka, hindi ang mga ito makaupo at hindi rin makatayo. Kaya naman sinabihan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar ang kanyang mga tauhan na maging produktibo  sa kanilang trabaho. Ayon kay Dar, kailangang ililis ng mga mga empleyado ng kanyang tanggapan ang manggas ng kanilang mga barong at uniporme upang mas mahusay na magampanan ng mga ito ang…

Read More

KONTRATA NG WATER FIRMS IPAPASA SA CRONIES?

DUTERTE CRONIES

(Ni: NELSON S. BADILLA) IBINUNYAG ng isa sa mga malaking samahan ng mga manggagawang Filipino ang pinaniniwalaan nitong ‘masamang plano’ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbira sa dalawang kumpanyang may kontrol sa negosyong distribyusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) at mga karatig lalawigan. Ayon kay Leody de Guzman, tagapangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), malaki  ang kanilang duda na kaya binibira ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga korporasyong hawak ng mga Ayala at Pangilinan ay para agawin at ibigay sa kanyang mga malapit na kaibigan o cronies.…

Read More