PDEA: POLITIKO ‘UTAK’ SA NASABAT NA SHABU SHIPMENT SA LAOS

ANG sinasabing opposition politician na tinutukoy na siyang financier sa nasabat na 521 kilo ng shabu mula sa Laos, ay siyang itinuturo ngayong “mastermind” sa likod ng P3.5-billion illegal drug shipment, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani Nerez.

Ayon kay Nerez, lumilitaw na si Sultan Edrieza Hadji Nasser Rimbang ay hindi lamang basta financer backer sa halip siya ang tumatayong utak na nagplano sa tangkang pagpuslit ng mahigit kalahating tonelada ng shabu papasok ng Pilipinas.

“He was the one who made those plans, made suggestions to his conduits, his cohorts; and yes, he provided the needed financial requirements for the chartering of that flight,” pahayag ni Nerez nang humarap ito sa congressional hearing.

Humarap si Nerez sa mga mambabatas para tatalakayin ang status ng imbestigasyon, batayan ng posibleng Philippine connection sa shipment at mga hakbang upang mapigilan ang transnational drug trafficking.

Si Rimbang, ay dating Bangsamoro parliament lawmaker, na itinuturo ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na umano’y “financier of the entire operation” sa 23 maleta na nasabat ng Laotian authorities na isasakay sana sa isang private Learjet papuntang Pilipinas.

Samantala, umabot sa 40 subpoena ang inisyu ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng imbestigasyon sa tangkang pagpupuslit sa Pilipinas ng humigit-kumulang P3.5 bilyong halaga ng shabu mula SA Laos.

Ang mga subpoena ay kaugnay ng 11 persons of interest na naunang tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kaso.

Kabilang sa mga pinangalanan si dating Bangsamoro Parliament member Edriezan Hadji Nasser Rimbang, na iniuugnay ng mga awtoridad bilang umano’y financier/mastermind ng operasyon.

Tinatayang P11 milyon umano ang ginastos para sa private aircraft na gagamitin sana sa operasyon.

Patuloy namang hinahanap ng mga awtoridad ang apat sa 11 persons of interest matapos umanong mabigong matagpuan sa mga address na kanilang ginamit.

Patuloy ang case build-up ng PNP at Philippine Drug Enforcement Agency upang matukoy ang posibleng local network at iba pang sangkot sa operasyon. Sinabi ng PNP na ang anomang hakbang ay ibabatay sa ebidensya at dokumentong makakalap sa imbestigasyon.

(JESSE RUIZ)

72

Related posts

Leave a Comment