‘ORAS’ MULING INILUNSAD NG PPA PARA SA UNDAS

MULING inilunsad ng Philippine Ports Authority (PPA) ang kanilang Online Reservation Assistance System (ORAS) bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong darating na Undas.

Ayon kay PPA Assistant General Manager for Operation Atty. Mark Jon Palomar, ni-relaunch nila ang kanilang ORAS o Online Reservation Assistance System for Oplan Undas.

Sinasabing tinatayang 1.93 milyong pasahero ang daragsa sa mga pantalan mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 5, 2026 kaya pinalakas ng PPA ang kanilang paghahanda para ma-accommodate at mapagsilbihan ang mga pasahero at matiyak ang smooth port operation.

Paliwanag ni Ms. Eunice Samonte, PPA Corporate Affair officer, opisyal itong magagamit simula sa bukas, Oktubre 24, sa mga piling pantalan (tulad ng Batangas, Calapan, Balanacan at Lucena) upang maging mas maayos, mabilis, at ligtas ang biyahe ng mga pasahero at maiwasan ang siksikan o mahabang pila sa mga terminal.

Ang ORAS ay isang reservation at queuing platform (at hindi direktang sistema ng pagbili ng ticket) na nagbibigay-daan sa mga pasahero na i-secure ang kanilang travel schedule bago magtungo sa pantalan. This is to help passengers plan their trips ahead and reduce waiting time at ticket counters.

Paano ito gamitin:

1. I-scan ang QR code o pumunta sa opisyal na website na [oras.ppa.com.ph](http://oras.ppa.com.ph).

2. Piliin ang inyong pantalan, iskedyul ng biyahe, at iba pang detalye ng paglalakbay.

3. Kumpirmahin ang reserbasyon at i-save ang inyong “ORAS Pass” upang maipakita para sa validation sa port.

Paalala sa mga pasahero: Pinapayuhan ang mga biyahero na may dalang ORAS Pass na dumating sa pantalan nang maaga (humigit-kumulang dalawang oras bago ang kanilang takdang biyahe) para sa kinakailangang pre-departure checks at validation.

(JESSE RUIZ)

70

Related posts

Leave a Comment