FACE TO FACE CLASSES, PASOK SA TRABAHO SINUSPINDE DAHIL KAY ROSAL

SINUSPINDE ang face-to-face classes, maging ang pasok sa mga opisina ngayong Biyernes, Oktubre 23, dahil sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Rosal sa ilang lugar, sa likod ng ulat na bahagya na itong humina.

Sa lalawigan ng Batanes: suspended all levels, public and private schools ang klase; maging ang trabaho sa government offices (maliban sa essential offices) ay wala ring pasok

Base sa 11 a.m. bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), si Rosal ay natuloy na nasa 400 kilometers east ng Basco, Batanes, bandang alas-10:00 ng nitong Huwebes ng umaga.

Kahapon ay nagsimula nang maramdaman sa lalawigan ng Cagayan at sa ilang kalapit na lugar ang paglakas ng hangin at pagtaas ng alon dulot ng Super Typhoon Rosal.

Ayon kay Ensign Dionisio Mahilum Jr., Public Information Officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon, kabilang sa mga coastal area na nakararanas na ng ganitong kondisyon ang Dinapigue sa Isabela, Santa Ana sa Cagayan, at ang lalawigan ng Aurora.

Sa kabila ng pagbabago sa panahon, nanatiling mahigpit ang pagpapatupad ng no-sail policy upang maiwasan ang anomang aksidente sa karagatan. Sa kasalukuyan, wala pang naitalang nasirang bangka, na-stranded na pasahero, o mangingisdang lumabag sa kautusan.

Patuloy ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG), katuwang ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya, habang nakaantabay sa posibleng paglakas pa ng hangin at alon, lalo na sa oras ng high tide.

Muling nagpaalala ang PCG sa mga mangingisda at biyahero na huwag munang pumalaot hangga’t hindi opisyal na inaalis ang pagbabawal sa paglalayag.

Bahagyang humina ang Super Typhoon Rosal nitong Huwebes ng madaling araw, batay sa pinakabagong update ng state weather bureau PAGASA, Oktubre 22, bagama’t nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 at 2 sa ilang lugar ng Extreme Northern Luzon.

Huling namataan ang mata ng bagyo patungong hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras sa layong 495 kilometro silangan ng Basco, Batanes na may taglay na hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras at may bugsong umaabot sa 240 kilometro kada oras.

(JESSE RUIZ)

89

Related posts

Leave a Comment