ANO ANG TAGULAMIN? Ang mildew o tagulamin ay kumakapit o nabubuo kapag ang damit na nagamit na ay matagal nang hindi nalalabhan. Maaari ring kapitan ang damit ng mildew na ito kapag ang damit ay basa at iniwang nasa laundry basket lamang o iniwang hindi nakasampay. Ang tagulamin kapag hindi naagapan ay magiging mantsa sa damit. Mayroon din itong hindi kaaya-ayang amoy na tulad talaga sa amoy na ibinibigay ng lumot. Kaya kung hindi mawawala ang ganitong uri ng mantsa ay nasasayang lamang ang damit – lalo na kung branded.…
Read MoreAuthor: admin
BUHAY NA BAYANI SI PACQUIAO
KAMAKAILAN ay lumabas sa mga balita na may dalawang true-to-life story ng mga bayani ang gagampanan ng ating “Pambansang Kamao” na si Sen. Manny Pacquiao. Ang una ay ang ginawang biopic para sa ating magiting na bayani na si General Miguel Malvar at ang isa naman ay ang Hollywood biopic ni Col. Macario Peralta na itinuturing na bayani noong World War II. Gaya ng tipikal na Pinoy, may mga kababayan tayong bumabatikos kay Sen. Pacquiao dahil sa kanyang pagganap sa ating mga pinagpipitagang mga bayani. Pumapalag din ang mga kamag-anak…
Read MoreTUGON NG SSS SA MATERNITY BENEFIT NA HINDI NAKUHA DAHIL SA MANUAL POSTING
G. Petil: Ito ay bilang tugon sa reklamo ni Gerlie Adoptante sa inyong pitak na may pamagat na, “SSS maternity benefit hindi makuha dahil sa manual posting at prior registration” na nailathala sa inyong pahayagan noong Oktubre 12. Nakipag-ugnayan na ang SSS Sta. Maria Branch kay Ms. Adoptante at pinayagan na siyang isumite ang mga dokumento niya ukol sa kanyang maternity reimbursement claim. Ito’y ipoproseso sa sandaling maitama ang kanyang membership status. Ikinalulungkot namin ang pagkaantala ng pagpa-file ng kanyang maternity benefit claim dahil “prior registrant” ang membership status niya…
Read MoreNINJA COPS LAGOT KAY CHIEF JUSTICE PERALTA
(Ni BERNARD TAGUINOD) Lagot ang mga Ninja Cops kay Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado “Dado” Peralta. Ito ang pahayag ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na naniniwalang mas mapapalakas pa ang kampanya ng gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-aapoint nito kay Peralta bilang bagong Chief Justice. Ayon kay Defensor, noong 11th Congress siya ang nagbunyag sa Kongreso sa paghuli at pagpapalaya ng mga pulis sa Station 9, ng dating Central Police District na ngayon ay Quezon City Police District (QCPD) sa isag dayuahang drug lord at ibinenta ang nakumpiskang…
Read MoreMOTORISTA PINAYUHANG UMIWAS SA MGA REBLOCKING NG DPWH
UMIWAS ang mga motorista. Ito ang naging pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga daan kung saan magkakaroon ng reblocking partikulat na sa Efepanio De Los Avenue (EDSA) at iba pang mga major na daan magmula ngayon araw hanggang Oct. 28 para makaiwas sa matinding trapik . Ayon sa pamunuan ng National Capital Region (NCR) sabay-sabay na ipatutupad ng kanyang mga tauhan ang rehabilitaion ng EDSA na magmumula sa may gate ng Camp Crame pagkalampas ng Annapolis St. sa Quezon City katabi ng MRT station south bound…
Read MoreWATER CONCESSIONAIRES NALIGO SA P94.5 BILLION KITA SA TUBIG
(Ni BERNARD TAGUINOD) Tumataginting na P94.5 Billion na pinagsamang kita umano ng Manila Waters at Maynilad sa nakaraang 15 taon subalit palpak pa rin umano ang serbisyo ng mga ito. Ito ang nalaman kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao sa gitna ng panibagong water interruption na ipinapatupad ng dalawang water concessionaires matapos bumaba ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Ayon kay Casilao, kung ang pag-aaral ng Water for the People Network ang pagbabaseham, mula nang kunin ng Maynilad at Manila Waters ang serbisyo sa tubig ay wala ng…
Read MoreHI-RAP KA BANG MAG-BA-SA? BA-KA DYSLEXIA I-YAN…
Ang dyslexia (“disleksiya” kung bibigkasin sa Filipino), ay isang learning disorder. Ang dyslexia ay sanhi ng phonological processing problem, ibig sabihin ang mga taong apektado nito ay hindi hirap sa pagkita nila sa isang salita o language pero sa pagma-manipulate nito. Dahil isang learning disorder, ito ay tumutukoy sa kahirapan sa pagbabasa dahil sa problemang ma-identify ng speech sounds at malaman kung paano ito ire-relate sa letters at words (decoding). Tinatawag din itong reading disability kung saan ang dyslexia ay nakaaapekto sa areas ng utak na nagpa-process ng language. NORMAL…
Read MoreRAMON ANG: HINDI KO KILALA SI JULIA BARRETTO
Nilinaw ni business tycoon Ramon Ang na wala siyang relasyon kay Julia Barretto. Lumutang kasi ang ngalan ni Ang, na isa sa Forbes Magazine richest Filipinos, sa ilang print at social media matapos ang umiinit na awayan ng mga Barretto. Maaalalang mismong si Pangulong Rodrigo Roa Duterte pa ang umawat sa awayan ng mga naggagandahang mga Barretto sa mismong lamay ng ama ng Barretto sisters. Kanya-kanyang kampihan ang mga Barretto ngunit habang lumalala ang awayan ay nabubulgar ang mga pangalan ng mga naging karelasyon nila. Nag-ugat din ang awayan ng…
Read MoreMAY SAKIT NA, PINAGTATRABAHO PA; J-MAC INT’L MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN
Natanggap ko ang sulat na sumbong ng ating kabayani na si Ruvie Deligero dahil diumano ay may karamdaman na nga siya ay pilit pa rin siyang pinagta-trabaho ng kanyang employer. Si OFW Deligero ay namamasukan bilang kasambahay at nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng J-MAC International Manpower. Halos bagong dating pa lamang ni OFW Deligero sa magulang ng kanyang orihinal na amo ay aksidenteng nadulas ito sa sahig habang s’ya ay naglilinis. Sa pakiramdam n’ya ay talagang napasama ang kanyang pagkakabagsak, pero tiniis n’ya ito at patuloy na nagtrabaho.…
Read More