PONDO PARA SA PAGTATAG NG DOFW I-PRAYORIDAD – REP.NOGRALES

Rep Juan Fidel Nograles-1

Hinimok ni  Rizal 2nd District Rep.  Juan Fidel Nograles ang kapwa niya mambabatas na bigyan prayoridad ang paglikha at paglaan ng pondo para sa pagtatag  ng Department of Overseas Filipino Worker (DOFW) . Si Nograles ay isa sa mahigit 30 kongresista na naghain ng panukalang batas para sa pagtatag ng naturang departamento na siyang tututok sa mga programa at iba pang usaping tungkol sa mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibang bansas. Naniniwala ang kongresista, na panahon upang pahalagahan at suklian ang naging malaking ambag ng OFWs sa pag-angat ng ekonomiya…

Read More

GIGIL!

PHILRACOM-1

Todo ang giriian ng mga kabayo sa maaksyong tagpong ito sa 7th National Press Club (NPC)- Philippine Racing Commission (Philracom) Benefit Race na isinagawa sa Manila Jockey Club Racetrack, SLLP, Carmona Cavite. Kuha ni JHAY JALBUNA 308

Read More

IBA’T IBANG PANSIT SA HAPAG NG MGA PINOY

PANSIT-4

Ang pansit (o pancit) ay pagkaing hindi nawawala sa hapag ng mga Pinoy. Bahagi na ito ng ating kultura na inihahanda sa pang-araw-araw na kainan o kahit anumang okasyon. Ang pagka-popular ng pagkaing ito ay sumunod sa kanin. KASAYSAYAN Ang pagkaing ito ay nagmula sa mga Chinese nang sila ay dumating dito sa ating bansa. Ayon sa kasaysayan may mga Tsino nang nasa Pilipinas bago pa man nagsimulang dumating ang mga Kastila sa atin. Sa paninirahan ng mga sinaunang Chinese noon ay naipakilala na ang masarap na lutuing pansit. Ang…

Read More

MALAWAKANG REVAMP SA PNP BUNSOD NG ‘NINJA COPS’ SCANDAL

SIDEBAR

Walang duda na ang pagkakasangkot sa Pampanga “ninja cops” ni Gen. Oscar Albayalde na nagresulta sa kanyang maagang pagbibitiw bilang chief ng Philippine National Police ay nagdulot ng matinding demoralisasyon sa hanay ng kapulisan at mismong si Pangulong Duterte ay sobrang dismayado sa pangyayari. Nagkaroon ng joint command conference ang PNP at Armed Forces of the Philippines noong Oktubre 15 at mismanage si Pangulong Duterte bilang commander-in-chief ang nag-preside sa komperensya at dito niya inilabas ang kanyang galit at disgusto sa nangyaring eskandalo sa PNP kung saan mismong PNP chief…

Read More

‘WHOLE-OF-NATION APPROACH’ MAPANGHATI, NAKAMAMATAY!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Para sa Lumad-lider at kinatawan ng Bayan Muna na si Rep. Eufemia “Ka Femia” Cullamat, ang bagong pakana ng gobyerno na kontra-insurhensya ay mapanghati sa hanay ng mga Lumad at nagreresulta sa paglabag ng karapatang pantao hanggang sa mga pagpatay. Ito ang Executive Order 70 o ang Whole-of-Nation Approach in Attaining Inclusive and Sustainable Peace. Sa isang pagbisita sa mga komunidad ng Lumad sa Lianga, Surigao del Sur nito lamang Oktubre 21, napatunayan ang ganitong epekto ng EO 70 sa mga Lumad. Una, muling binasehan ng 3rd Special Forces Battalion…

Read More

PAGKAKAIBIGAN

FOR THE FLAG

Totoong kaaway ng bansa ang Tsina kung ang pag-uusapan ay ang mga ginagawang reclamation ng dambuhalang bansa sa West Philippine Sea at pangha-harass nito sa mga Filipinong mangi-ngisda, ngunit dapat ding ikonsidera ng bansa na pinaglumaan na ng panahon ang digmaan bilang kasagutan sa mga suliranin ng sibilisasyon. Nagmimistulang batang naghahanap ng kaaway ang Tsina sa parteng ito ng daigdig, samantalang ang Estados Unidos naman ay nagmimistulang tinedyer na handang pumatol sa pagmamaktol ng Tsina. Nasa gitna ang Pilipinas ng dalawang nag-uumpugang bato, mas makabubuting mag-ala-Bernardo Carpio ang bansa gamit…

Read More

WCO CARGO TARGETING SYSTEM INILUNSAD NG BOC

WCO CARGO TARGETING SYSTEM-2

(Ni Joel O. Amongo) Pormal nang inilunsad kamakailan ng Bureau of Customs (BOC) ang World Customs Organization (WCO) Cargo Targeting System (CTS)  na  bahagi pa rin  ng  10-Point Priority Program ng ahensya. Layunin pa rin nitong palakasin ang kahusayan sa kalakalan at maging ang pagtiyak sa seguridad ng hangganan ng bansa. Ang okasyon ay isinagawa sa Office of the Commissioner (OCOM) conference room, OCOM Building Port of Manila at dinaluhan ng iba’t ibang Deputy Commissioners ng ahensya. Ang WCO–CTS ay  nakapaloob sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Sa pamamagitan…

Read More

BOC NAGSAGAWA NG CUSTOMS BONDED WAREHOUSE SUMMIT

CUSTOMS BONDED WAREHOUSE SUMMIT

Para makasabay sa mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa buong mundo ang Bureau of Customs (BOC), nagsagawa ng Bonded Warehouse Summit ang ahensya nitong nagdaang Oktubre 19 sa Diamond Hotel sa Maynila. Magkaagapay ang BOC personnel at ang Assessment and O­perations Coordinating Group para mapabuti ang pamamaraan at operasyon ng Customs. Layunin ng pagtitipon na sariwain, at ipatupad ang mga pagbabago upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng BOC personnel partikukar sa Customs Bonded Warehouses (CBW) operations gayundin sa mga pangunahing panuntunan sa pamamahala ng warehouses. Ang nasabing okasyon ay…

Read More

KOOPERASYON NG BOC AT ASEAN SA SINGLE WINDOW SYSTEM PINAGTIBAY

Finance Undersecretary Gil Beltran

Pinagtibay pa ang kooperasyon  ng Pilipinas at miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)  pagda­ting sa usapin ng  Single Window System sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman  na i­naasahang magsisimula sa pagtatapos ng kasalukuyang taon. Bahagi pa rin ito ng pagsisikap ng 10-nation bloc para palakasin ang cross-border trade at pagbabawas ng gastusin at oras ng kalakalan sa buong rehiyon. Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, bukod sa Pilipinas, ang iba pang ASEAN member-states na  nakahandang pumasok sa ASEAN Single Window (ASW) platform ay  ang Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand,…

Read More