Para sa mga taong may paggalang sa umiiral na batas at Diyos na walang ginagawang masama, wala akong nakitang masama kung mayroon mang presensya ng militar sa kanilang lugar. Dahil kapag mayroon ngang kaguluhan sino ba ang ating tinatakbuhan? Di ba ang mga awtoridad naman? Bakit kaya may mga taong ayaw ng presensya? Gaya na lamang ng ilang mga guro at ilang estudyante sa state universities na galit na galit sa plano ng gobyerno na maglagay ng military detachment malapit dito upang masansala naman ang mga taong may masamang balak…
Read MoreAuthor: admin
USAPANG UNCLOS, EEZ, ECS AT HOUSE BILL 5487
Kamakailan ay naging isyu ang mga pagpasok nang walang paalam sa karagatan ng Pilipinas ng mga barko ng China kabilang na ang mga pang-komersyal at pangmilitar. Walang kapasidad ang ating Sandatahang Lakas na i-monitor ang mga sinasabing “maritime incursions” ng Chinese vessels sa ating karagatan at nagdedepende na lang ang Department of National Defense (DND) sa mga impormasyong nanggaling sa “independent sources” na may access sa satellite photos. Isa na rito ang blogger US Naval War College na si Ryan Martinson na may access umano sa satellite photos mula sa…
Read MoreANG PANANAMPALATAYA
Ang daigdig ay isinagawa at nilikha ng Diyos sa pamamagitan ng salita at pananampalataya. Ito ay ebidensya ng bagay na hindi nakikita. Ang mga tao ay may iba’t ibang pananampalataya, iba’t ibang relihiyon. Ang bawat isa ay naninindigan na ang kanyang relihiyon ay ang siyang totoo. Sa mga Kristiyano pa lamang ay hindi mo na mabilang ang mga sekta o mga relihiyong pumapaimbulog sa buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Ito nga, magpapasko na naman at ating inaalala at ipinagbubunyi ang kanyang paglakad sa daigdig mahigit dalawang libong…
Read MoreREMEDYO SA DRY SKIN
Kapag hindi panahon ng tag-init, pwedeng maging dry ang ating balat. Pero anoman ang panahon, may remedyo sakaling maging dry ang skin natin. Hindi rin uubra ang year-round routine para sa dry skin, kaya kailangan ay may adjustment o pagbabagong gagawin. Kapag hindi nagawa ang adjustment sa skin care, ang dry air ay maaaring maging daan sa pagkakaroon ng fine lines at wrinkles na mas nagiging obvious. Kapag tayo ay may dry skin, ito ay posibleng mangati, magkaroon ng flakes, crack, at magdugo. Ayon sa dermatologists, ito ang mga dapat…
Read MorePINASLANG ANG ISANG BABAENG LUMAD AT LIDER NG BAYAN MUNA SA BUKIDNON!
Poot at dalamhati ang nararamdaman ng mga miyembro ng Bayan Muna at ng mga katutubong mamamayan sa pagpaslang kay Bai Leah Tumbalang mula sa San Fernando, Bukidnon. Si Bai Leah ay lider ng kanyang tribo sa San Fernando, at nanindigan laban sa pagkamkam ng kanilang lupang ninuno ng plantasyon at pagmimina, at laban sa pananalasa ng mga grupong paramilitar at militar na lumalabag sa karapatan ng mga Lumad sa probinsya. Si Bai Leah ay aktibo sa organisasyong-Lumad at maliit na magsasaka na Kaugalingong Sistema Igpasindog Tu Lumadnong Ogpaan (KASILO). Binaril…
Read MoreANO ANG IBIG SABIHIN NG PAG-IBIG SA INANG BAYAN?
Nais kong ibahagi rito ang medyo nakalulungkot na kuwento ng isa sa mga kaibigang tinagpo ko sa ibayong dagat nitong ilang nakaraang linggo. Tatlumpong taon na siya sa Canada. Aktibo siya sa mga isyung panlipunan doon bilang isang social worker. Hanggang ngayon, kahit citizen na siya roon ay interesado at nakikilahok pa rin siya sa mga usaping kinakaharap ng ating bansa. Kahit man lang sa pagbabahagi ng kanyang mga opinyon sa social media. Hanggang sa mapag-usapan ang proseso ng kanyang pagbabago ng citizenship. Plinano naman sana niyang kumuha ng dual…
Read MoreFOOD ALLERGY, MAAARING MAGING DELIKADO
Ang allergies ay nagsisimula kapag ang ating immune system ay nagkamali ng pag-identify sa isang substance tulad ng pollen, mold, animal dander, o pagkain na mas delikado. Ang allergies ay nag-i-stimulate sa immune system para maglabas ng certain chemicals, gaya ng histamine, na nagiging daan para sa pagkakaroon ng allergy symptoms. Ang lahat ng warm-blooded na mga hayop ay may kaunting paglagas ng flakes mula sa kanilang balat at ito ay tinatawag na dander. Para itong balakubak kung sa tao, pero ang sa mga hayop ay hindi basta nakikita. Sa…
Read MoreTEENAGE PREGNANCY, ISANG SERYOSONG ISYUNG PANLIPUNAN
Bilang mambabatas ay malaki ang tungkulin natin na mabigyan ng karampatang kaalaman ang mga kabataan upang magkaroon sila ng kapasidad na magdesisyon nang maayos para sa kanilang kinabukasan. Ang teenage pregnancy ay isang isyung panlipunan na dapat mapag-aralang mabuti ang kasalukuyang kalagayan at makahanap ng mabisang paraan upang masolusyunan ito. Mismong sa pangulo nanggaling ang kautusan na magsama-sama ang mga ahensya ng pamahalaan at tipunin ang lahat ng stakeholders upang talakayin ang isyung ito. Bilang pagtalima sa panawagang ito ng pangulo, ang DepEd at DOH ay nag-organisa ng dayalogo sa…
Read MoreMINI CASINO SA CABANATUAN CITY, HAMON KAY GEN. CORONEL
Hindi takot ang mga opisyal ng PNP kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan hindi nila sinusunod ang direktiba nito na lansagin ang lahat ng uri ng ilegal na pasugalan sa buong bansa. Hindi ba’t kamakailan ay ipinasara ang gaming operation ng Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa talamak na katiwalian? Mabuti na lamang at may nagpayo sa pangulo na ibalik ang lotto operation dahil marami ang umaasa rito. Ang matindi sinasamantala naman ng mga peryahan operator ang pagkasuspinde ng small-town lottery dahil patuloy naman silang namamayagpag sa kanilang mga pasugal…
Read More