TULONG SA MGA ESTUDYANTE, TULONG SA BAYAN

SA TOTOO LANG

Maganda itong isinusulong na panukalang batas ni Senator Sonny Angara para sa kapakanan ng mahihirap na mga estudyante ng bansa. Ang Senate Bill No. 132 o ang proposed Underprivileged Student’s Discount Act of 2019 ay naglalayong matulungan ang mahihirap na mga magulang para maging malawak pa ang oportunidad ng kanilang mga anak na estudyante na makapag-aral nang maayos. Kapag tuluyang maging batas ito ay tunay na magko-compliment ito mismo sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act o ang Free College Law. Malaking kaagapay ito ng marami nating kababayang mahihirap…

Read More

MABIGAT PA RIN ANG TIMBANG KAHIT NAG-EEHERSISYO, MAY MALI BA?

MABIGAT

Nagpapapawis na’t lahat wala pa ring nangyayari. Lahat na yata ng workout ay ginawa na pero parang hindi nababawasan ang timbang o kung mabawasan man ay parang hindi nahahalata. Bakit kaya? Ang siste kasi sa mga nag-e-exercise ay marami sa kanila ang matapos ang kanilang aktibidad ay kumakain din sila agad – at hindi basta kain kundi mas marami ang kanilang kinakain. Iniisip kasi nila na dahil nakapagpapawis na sila ay na-burn na ang fats na kailangan nilang i-burn. Tandaan natin na ang pag-burn ng lahat ng fats ay hindi…

Read More

HEALTHY DIET PARA SA HEALTHY LIFESTYLE

HEALTHY DIET

Kapag kumain ka ng masusustansyang pagkain ay isang sure way din ito para makabawas sa timbang. Sa pagkain ng healthy food ay nagiging healthy din ang utak at maganda ang ating nagiging mood. Good plus din na maiiiwas tayo nito sa iba’t ibang uri ng sakit. Pero batid natin na cha-llenging din ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at pag-stick sa healthy food para maging maayos ang ating kalusugan at mabawasan ang taba sa katawan. Paano ba gagawin ang mga ito? 1. Maging realistic sa expectations Alam natin na kapag kumakain…

Read More

SALUDO KAMI SA SUPORTA NI MAYOR VICO SA ZAGU WORKERS

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Nakatutuwang balita na ang bagong mayor ng Pasig City na si Vico Sotto ay nagpakita ng kanyang pagsuporta sa mga naka-strike na manggagawa ng Zagu. Ang mga manggagawang nabanggit ay nakapiket dahil sa kontraktwa­lisasyon na isinasagawa ng kompanyang ito. Saludo ang mga kinatawan ng Bayan Muna, kabilang sina Rep. Ferdie Gaite at Eufemia Cullamant sa pagkilala ni Mayor Vico sa karapatan ng manggagawa. Bihira ang mga lokal na opisyal na magpakita ng pagkilala at pagsuporta sa mga nakikibakang manggagawa para sa kanilang karapatan. Saludo kami sa iyo! Dapat tularan ng…

Read More

HINDI DAPAT MABAHALA SA UNHRC RESOLUTION

SIDEBAR

Kung si dating presidential spokesperson Harry Roque ang tatanungin, hindi dapat mabahala ang pamahalaan sa resolusyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na nagpapaimbestiga sa naging kondukta ng drug war ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Toothless tiger” ang deskripsyon ng international law expert na si Atty. Roque sa UNHRC dahil isang “shaming mechanism” lang ang mga resolusyon nito at hindi naman kayang ipatupad ito nang walang pagsang-ayon ang mga bansa na subject ng human rights inquiry gaya ng Pilipinas. Sa saligan, ang natu­rang resolusyon ng UNHRC ay manipesto lang ng 18 bansa na…

Read More

BUHAY PINOY

FOR THE FLAG

Nasa $2.6 billion ang naitalang remittance ng overseas Filipino workers para nitong nakaraang buwan ng Mayo. Mayaman ang Pilipinas sa remittance na hinihigop naman ng mga multi-bilyonaryong negosyante sa bansa. Pero kung pamimiliin ang OFWs kung mayroon lamang ding trabahong makasasapat sa pangangailangan at makatutustos sa mga pangarap nila rito sa bansa ay pihadong mas gugustuhin nila rito. Ating busisiing bahagya kung bakit umabot na salat sa trabaho sa mahal nating bansa na nagtutulak sa ating mga kababayan na makipagsapalaran sa ibayong dagat, kung bakit nasa 50% ng ating mga…

Read More

PROSESO NG MGA PAPELES SA BOC MABILIS NA

BOC DOCS

(Ni JOMAR OPERARIO) Sa pamamagitan ng paggamit ng Customs Care Portal System (CCPS) at ng Document Tracking System (DTS), ay mabilis na ngayon ang proseso ng mga papeles ng stakeholders sa Bureau of Customs (BOC). Magugunitang nitong nakalipas na Hunyo 17, 2019, sinimulang gamitin ang CCPS at DTS. Ang CCPS ay isang web-based system na kung saan ang stakehol­ders ay dadalhin ang kanilang katanungan, kahilingan sa pamamagitan ng nasabing portal. Bukod dito, nakapaloob din sa CCPS ay ang ticketing system na kung saan ang unique ticket number ay ibinibigay sa…

Read More

PANINIYAK NG BOC-NAIA: ILLEGAL GOODS WALANG LUSOT

BOC-NAIA

(Ni JOMAR OPERARIO) Tiniyak ni Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) District Collector Mimel Talusan  na hindi makalulusot sa kanila ang mga illegal goods na planong ipasok sa pamamagitan ng nasabing paliparan. Ang paniniyak ni Talusan ay bunga ng sunud-sunod nilang pagkakasabat ng mga ilegal na kontrabando na tinangkang ipasok sa NAIA. Nitong nakaraang Hulyo 1, 4 at 7, 2019 ang BOC-NAIA ay nakasabat ng iba’t ibang klaseng baril at rifle parts mula sa DHL warehouse sa Pasay City. Ang mga imported na baril at iba’t ibang parte nito…

Read More

GAMBLING PARAPHERNALIA NASABAT NG BOC-KIA

GAMBLING PARAPHERNALIA

(Ni Jo Calim) iba’t ibang gambling paraphernalia ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Kalibo International Airport (BOC-KIA, Aklan) na dumating sa nasabing pwerto kamakailan. Kabilang sa mga ito ay ang iba’t ibang poker chips, dealer chips, casino playing cards, casino dices at mahjong sets. Batay sa ulat, ang nasabing mga gambling paraphernalia ay dumating sa BOC-KIA dala ng  isang tao na hindi binanggit ang pangalan noong nakaraang Hulyo 4 at 6, 2019. Kinumpiska ang mga ito dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) partikular ang…

Read More