SUSPEK SA PANG-AABUSO SA BATA, TIMBOG SA PROJECT HULIWEEN

PAGKARAAN ng 10-taon, nabigyan din ng hustisya ang pang-aabuso sa isang 7-anyos na batang babae matapos naaresto ang suspek na nasa listahan ng most wanted persons (MWPs) ng Region 4 sa Bacoor City, Cavite nitong Huwebes ng gabi.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Franco Exequiel Manuel Sales Javier, Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 109, Capas, Tarlac, inaresto ang suspek na si alyas “Rodolf”, nasa listahan ng Regional Most Wanted Person (MWP), PRO 4, sa kasong statutory rape.

Ayon sa ulat, bitbit ang warrant of arrest ng pinagsamang puwersa ng RIT Cavite, RID 4A, nagsagawa ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Brgy. Molino 1, Bacoor City, Cavite bandang alas-4:00 ng hapon.

Ang pagsasagawa ng operasyon ay alinsunod sa kampanya ng Rehiyon laban sa sexual offenders sa ilalim ng Project HULIWEEN.

Base sa datos ng pulisya, inabuso ng suspek ang 7-anyos na anak ng kanyang live-in partner noong Setyembre 2016, ngunit noong April 25, 2025 ini-report sa Capas Municipal Police Station sa Tarlac, na isinampa ng kanyang legal guardian.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa nasabing kaso ng suspek.

(SIGFRED ADSUARA)

70

Related posts

Leave a Comment