P25-M SMUGGLED CIGARETTES NASABAT NG BOC-PORT OF ZAMBO

SMUGGLED CIGARETTES

Muli na namang nakais­kor ang Bureau of Customs Port of Zamboanga matapos masabat nito ang aabot sa  P25 milyon  halaga ng smuggled na sigarilyo sa karagatan ng Zamboanga kamakalawa. Ang pagkakasabat ng mga sigarilyo ay sa pamamagitan ng tulong ng Philippine Navy sa BOC Port of Zamboanga. Batay sa ulat, ang mga kargamento ay sakay ng MJ Farnaliza na naharang  ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Navy at BOC Port of Zamboanga sa  bisinidad ng Baliwasan, Zamboanga City. Matatandaan, na noong nakaraang buwan ay nakumpiska rin ng nasabing pwerto sa…

Read More

BUREAU OF CUSTOMS BA?

PRO HAC VICE

Nakaiinis isipin na kapag mga pagkain at iba pang may kaugnayan sa pangangailangan ng publiko ay mulat ang Bureau of Customs at nakikita nila ang mga ito na smuggled goods. Kaagad silang nakapagsasampa ng kaso sa mga umano’y smuggler, eh bakit kapag ilegal na droga ang dumarating sa Manila International Container Port (MICP) ay nakalulusot ang mga ito nang ‘di nila alam? Ang sinasabi ko po ay ‘yung buong pagmamalaki ng ahensya sa pangunguna ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero na kinasuhan nila ng kriminal sa DOJ ang Amulet…

Read More

ANG PAGLAHO NG WIKANG FILIPINO AT PANITIKAN SA KOLEHIYO

SIDEBAR

Hindi malinaw sa akin kung bakit ang Korte Suprema pa ang nagpalabas ng desisyon na nagsasabing hindi mandatory sa kolehiyo ang pag-aaral ng wikang Filipino at Panitikan gayung matagal nang panahong bahagi ito sa mga bata­yang asignatura. Nauna rito, inalis na rin bilang mga asignatura sa high school sa ilalim ng K to 12 program ang Kasaysayan ng Pilipinas gayundin ang Philippine Government & Constitution na dati-rati ay bahagi ng mga asignatura mula 1st year hanggang 4th year high school. Mariing tinututulan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list ang…

Read More

OVERPASS VS. PUNONG ACACIA SA SUBIC FREEPORT

TINGNAN NATIN

MAGKABANGGA talaga ang development o pag-unlad at kalikasan. Tingan Natin: kailangang balansehin ang kaunlaran at pangangalaga sa kalikasan, ayon tayo diyan. Kapag binalanse, mayroong bibigay sa magkabilang panig, dahil kung hindi, hindi mababalanse at walang mapagkakasunduan. Ito ang dilemma o kalagayang alanganin sa mga negosyo, konstruksiyon at iba pa na may masasaling sa kalikasan. Tingnan Natin: dekada na buhat ng isinara sa mga behikulo ang Main Gate bridge papasok ng, at palabas mula, Subic Bay Freeport dahil hindi na umano ligtas liban na lang para sa pedestrian, kaya ganoon na…

Read More

PAANO MAGING SUNDALO?

sundalo-5

(Ni JG Tumbado) Karaniwang pangarap ng mga batang lalaki ang maging sundalo sa pagtuntong nila sa tamang edad. Naroon kasi ang paniwala nila na ibang responsibilidad ito at tunay na karangalan ang magsilbi at maprotektahan ang bansa. Sa kabila ng mga kontrobersya na naipupukol sa Armed Forces of the Philippines (AFP), mataas pa rin ang tiwala at respeto ng mga tao sa nasabing puwersa ng militar ng Pilipinas. Ito ay dahil ang bigat ng mandato at tungkulin ng AFP na panatilihing ligtas ang lawak ng nasasakop na teritoryo ng bansa…

Read More

MGA KAWING-KAWING NA USAPIN SA EDUKASYON

Psychtalk

(IKALAWANG BAHAGI) Gaya ng marami pang bata ngayon sa mga nayon, naranasan ko ang maglakad nang mahaba para makapasok sa elementarya—mga 30 minuto (pag diretsong lakad o medyo patakbo dahil hinahabol ng bakang nakasuga sa daraanan) hanggang isang oras (kung may kasamang laro at pamimitas ng wild berries o iba’t ibang ligaw na prutas sa daraanan). Nababasa ka sa ulan (malalakas na rin ang mga bagyo noon), lulusong ka sa putikan na nakapaa (walang kuwenta ang sapatos o tsinelas kaya bibitbitin mo na lang), hahamunin mo ang rumaragasang tubig sa…

Read More

NADARAGDAGAN PA ANG DENGVAXIA VICTIMS, ANO NA SEC. DUQUE?

EARLY WARNING

Base sa latest record ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pamumuno ng napakasipag na hepe nito na si Chief Persida Rueda-Acosta ay nadagdagan pa ng tatlo mula sa 136 na bilang ang Dengvaxia victims at inaasahang lolobo pa ito pero lumalabas, walang pakialam itong si Health Secretary Francisco Duque III! Sadyang mahahabag at ‘di maiwasang ngumilid ang iyong luha at naramdaman ko ito mismo ng aking makadaupang-palad ang mga magulang at kamag-anak ng maraming bata na naging biktima ng ‘deadly’ na bakuna sa PAO office kung saan kanilang isinisigaw ang…

Read More

ISABANSA ANG SERBISYO NG TUBIG!

KAKAMPI MO ANG BAYAN TEDDY

Ang pagkawala ng tubig sa Metro Manila at sa mga karatig-probinsya ay epekto ng pagsasapribado sa napakahalagang serbisyo publiko. At dahil sila ay mga kompanya na kita ang pangunahing motibo at hindi ang serbisyo publiko, walang pananagutan ang mga pribadong kompanya sa mamamayan. Mula pa Abril ay pinerwisyo na tayo ng pagkawala ng tubig. Sa Mandaluyong, halimbawa, may mga ulat na dalawang oras lamang kada linggo nagkaroon ng mahinang tulo sa gripo matapos ang isang linggong wala ni isang patak ng tubig. Ang sabi ng Manila Water at ng Maynilad…

Read More

28 BAGONG CUSTOMS POLICE ITINALAGA SA BOC-NAIA

BAGONG CUSTOMS

Para paigtingin pa ang pagbabantay ng mga hangganan laban sa mga magtatangkang magpupuslit ng kargamento papasok sa bansa, itina­laga na rin ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang 28 pang bagong Customs police sa naturang paliparan. Pinangunahan ni NAIA District Collector Mimel M. Talusan ang isinagawang briefing sa mga bagong Customs police na nasa ilalim ng Enforcement and Security Services (ESS) bago itinalaga ang mga ito. Nakasentro ang briefing sa profiling techniques  para sa kani-kanilang tungkulin sa ilalim ng mandatong nakapaloob sa BOC reforms ng BOC-NAIA  na bahagi…

Read More