MAHIGIT 2.5 MILYON, DUMALAW SA MGA SEMENTERYO SA METRO MANILA

UMAKYAT sa mahigit 2.5 milyon ang bilang ng mga bumisita sa mga sementeryo sa Metro Manila mula Oktubre 28 hanggang sa paggunita ng All Souls’ Day, dahilan upang manatiling nakaalerto ang mahigit 13,000 pulis sa rehiyon.

Sa Manila North Cemetery, iniulat ni Director Daniel Tan na umabot sa 1,326,800 ang bilang ng mga bisita hanggang alas-7 ng gabi noong Nobyembre 1, araw ng Undas.

Inaasahan pang tataas ang bilang dahil sa patuloy na pagdating ng mga bisita hanggang All Souls’ Day.

Samantala, tinatayang 25,000 katao naman ang bumisita sa Manila South Cemetery.

Dahil sa dami ng dumagsang tao, pinalawig ng pamunuan ng Manila North Cemetery hanggang alas-9 ng gabi ang oras ng pagtanggap ng mga bisita.

Nananatiling nakataas ang heightened alert status ng PNP hanggang Nobyembre 3, bagama’t maaari pa itong palawigin depende sa magiging assessment ng pamunuan.

Maayos din ang sitwasyon sa mga transport terminal. Batay sa monitoring ng PNP, tinatayang 3,000 pasahero ang namataan sa iba’t ibang bus terminal sa Metro Manila, kabilang ang mga nagbabalik mula sa mga probinsya at mga biyaherong paalis pa lamang.

(JESSE RUIZ)

72

Related posts

Leave a Comment