MNLF ITINANGGING KINAKANLONG SI SEN. RONALD DELA ROSA

ITINANGGI ng Bangsamoro Moro National Liberation Front (MNLF) Information Committee na kinakanlong nito si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, kasunod ng mga ulat na nagtatago umano ang senador sa Mindanao sa tulong ng isang makapangyarihang armadong grupo.

Ayon sa MNLF Information Committee, walang pormal na ugnayan sa pagitan ng senador at ng kanilang organisasyon.

Nagbunsod ng espekulasyon ang mga ulat tungkol sa umano’y pagkakanlong kay Dela Rosa na maaaring MNLF ang tinutukoy na armadong grupo.

Gayunman, nahahati sa iba’t ibang paksyon ang MNLF, kaya hindi malinaw kung ang pangkat na pinamumunuan ni Nur Misuari ay may kakayahan o intensyong protektahan ang senador sakaling ipatupad ang warrant of arrest laban dito.

May mga espekulasyon ding maaaring may personal o pampulitikang koneksyon si Dela Rosa sa ilang personalidad na may kaugnayan sa MNLF, partikular sa pamamagitan ng ugnayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Misuari.

Gayunman, wala pang beripikadong ebidensiyang miyembro ng MNLF si Dela Rosa, kaalyado nito sa operasyon o kasalukuyang pinoprotektahan ng grupo.

Sa mga nauna niyang pahayag, nabanggit din ni Dela Rosa ang MNLF kaugnay ng pagsusulong ng mga usaping pangkapayapaan.

(TOTO NABAJA)

56

Related posts

Leave a Comment