IGINIIT ni Senate President Sherwin Gatchalian na dapat panagutin ang may-ari ng pet crematorium na umano’y nagtapon ng mga patay na alagang hayop sa isang bakanteng lote sa Barangay Minuyan Proper, San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon kay Gatchalian, malinaw na paglabag sa mga batas pangkapaligiran at sanitation regulations ang insidente.
Mas nakababahala aniya na nagbayad ang mga pet owner para mabigyan ng maayos na huling pagpupugay ang kanilang mga alaga, ngunit itinapon lamang ang mga ito na parang basura.
Tinawag ng senador na panloloko ang insidente at hinimok ang mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensya, kabilang ang Bureau of Animal Industry, na magsagawa ng inspeksyon at audit sa mga pet service provider at crematorium.
Layunin nitong matiyak na may kaukulang lisensya ang mga negosyo, sumusunod sa mga pamantayang pangkapaligiran at may pananagutan sa serbisyong ipinagkakaloob.
Bilang isang pet parent, sinabi ni Gatchalian na nakalulungkot at nakaaalarma ang ganitong pagtrato sa mga alagang hayop na itinuturing nang bahagi ng pamilya.
(DANG SAMSON-GARCIA)
145 