INIHAYAG ng Philippine National Police na maituturing na generally peaceful ang paggunita ng sambayanang Filipino sa ika-122 Araw ng Kalayaan kahapon sa kabila ng inilunsad na kilos protesta ng daan-daang manggagawa, mag-aaral, mga guro at iba’t ibang militanteng grupo na tinawag na mañanita. Sa Maynila, naging hudyat ng pagdiriwang ng 122nd Independence Day ang Wreath Laying Ceremony sa Rizal Park na pinangunahan nina Executive Secretary Salvador Midealdea na kumatawan kay President Rodrigo Duterte kasama si Philippine Navy Flag Officer In Command Vice Admiral Giovanni Carlo J. Bacordo bilang military host…
Read MoreAuthor: admin
Dual citizens iba-ban – Defensor MEDIA OWNERSHIP IRE-REGULATE NG KONGRESO
DESIDIDO ang mababang kapulungan ng Kongreso na i-regulate ang media ownership sa bansa at ipagbawal ang mga Filipino na may dual citizenship na magmay-ari at mamahala sa isang mass media company, broadcast media man o print media. Ito ang nabatid kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, vice chairman ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability na dumidinig sa prangkisa at paglabag diumano ng ABS-CBN sa batas. “The Congress has the power to regulate media ownership by banning dual citizens from owning any share…
Read MoreImbes na contact tracers JEEPNEY DRIVERS ISABAK SA DELIVERY SERVICE
WALA pa ring pag-asa na makapasada ang mga jeepney driver kahit pa niluwagan na nang bahagya ang community measures sa malaking bahagi ng bansa. Hindi na rin kinuha ang mga ito bilang mga contact tracer. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na tinitingnan ng pamahalaan na kunin ang mga ito bilang delivery man. “Hindi na po contact tracers, sila po ay plano na ngayon na – ito mas mukhang viable – delivery service ang tinitingnan para sa ating mga jeepney driver,” aniya pa rin. Pero sa ngayon aniya dahil sa…
Read MoreTAG-ULAN IDINEKLARA NA NG PAGASA
OPISYAL nang panahon ng tag-ulan. Ito ang sinabi ng PAGASA kahapon. Ang deklarasyon ay kasabay ng naging buhos ng ulan na dala ng bagyong Butchoy sa malaking bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila. Nataon din na ang bagyo ay sumabay sa mga protesta sa Araw ng Kalayaan. Dinala ng Bagyong Butchoy at ng southwest monsoon o habagat ang ulan sa Metro Manila, lalo na rin sa western sections ng Luzon at Visayas. Ito umano ang pinagbasehan nila para sabihin na panahon na ng tag-ulan. Nakadalawang landfall ang Butchoy sa…
Read MoreANIM NA INDIAN NASAKOTE SA P128-K MARIJUANA
ANIM na Indian national ang nasakote ng mga pulis sa Pasay City at nakumpiska ang higit isang kilong marijuana sa drug buy bust operation sa isang kwarto sa 18th Floor Central Park Tower 2, Pasay City kahapon. Isang pulis ang umaktong poseur buyer na nagbigay ng senyas sa pagsalakay ng mga kasamahang operatiba nang magkipag- abutan ng marked money at marijuana sa mga Indian national. Tinatayang aabot sa mahigit P128 thousand ang halaga ng nakumpiskang marijuana ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Pasay Police. Kasamang nakumpiska ng mga operatiba sa…
Read MoreMALAKANYANG NAKIKIRAMAY SA PAGPANAW NI DATING DFA SEC YASAY
NAGPAABOT ng pakikiramay ang Malakanyang sa pamilya, kaibigan, kasamahan at mga mahal sa buhay ni dating Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, Jr, na pumanaw ngayong araw, Hunyo 12. Si Secretary Yasay ay nagsilbi bilang Kalihim ng Foreign Affairs ng Duterte Administration. Sa kanyang pagreretiro sa government service, nagsilbi siya bilang Chair Board of Trustees ng Philippine Christian University. “As we pay tribute and honor Secretary Yasay, we offer our sincerest prayers to the Almighty to grant him eternal repose,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Sa ulat, kinumpirma…
Read MoreMALAKANYANG DEDMA SA PANAWAGAN NA IBASURA ANG ANTI-TERROR BILL
DEDMA lang ang Malakanyang sa panawagan ng iba’t ibang sektor kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na i-veto ang kontrobersiyal na anti-terrorism bill. May ulat kasi na sinabi ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na ang nasabing bill ay naglalaman ng probisyon na labag sa karapatan ng mamamayan habang para naman sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), ang anti-terrorism bill ay posibleng paglabag sa Saligang Batas. “Wala pong reaksiyon, kasi wala pang desisyon. So, kung napirmahan na po iyan ng Presidente at saka po tayo magbibigay ng reaksiyon.…
Read MorePDU30 NAKIISA SA MGA FILIPINO SA PAGDIRIWANG NG IKA-122 ARAW NG KALAYAAN
NAKIISA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na nagdiriwang ngayon ng ika-122 anibersaryo ng Proclamation of Philippine Independence o Araw ng Kalayaan. Sa mensahe ng Pangulo ay sinabi nito na sa nakalipas na 122 taon ng mga ninuno ay ipinagmamalaking ipinroklama ng mga ito ang kapanganakan ng sambayanan. Ngayon ani Pangulong Duterte ay dinadakila ng lahat ang katapangan, kabayanihan at sakripisyo ng mga ninunong Filipino. Pinasalamatan din nito ang kanilang regalong demokrasya at kalayaan para sa lahat. At habang patuloy na nagkakaisa ang lahat sa paglaban sa COVID-19,…
Read MoreMGA MAGPOPROTESTA SA ANTI-TERROR BILL, PINAALALAHANANG SUMUNOD SA QUARANTINE PROTOCOLS
PINAALALAHANAN ni Senador Panfilo Lacson ang mga nagbabalak magsagawa ng protesta laban sa Anti-Terrorism Bill hinggil sa ipinatutupad na health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Lacson na hindi dapat kalimutan ng mga magsasagawa ng protesta ang bawat quarantine protocol upang makaiwas sa aberya. Kasabay nito, inamin ni Lacson na bahagi naman ng karapatan ng bawat Filipino ang pagsasagawa ng anomang uri ng kilos protesta. Alinsunod anya sa Bill of Rights sa Konstitusyon, walang anomang batas ang maaaring ipasa laban sa freedom of speech, expression at press, o…
Read More