COMELEC REGISTRATION PARA SA 2028 ELECTIONS, MULING BUBUKSAN SA NOBYEMBRE 10

MULING bubuksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa buong bansa mula Nobyembre 10, 2026 hanggang Hulyo 30, 2027 bilang paghahanda sa 2028 national at local elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, tatanggap ng mga aplikante mula Martes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Magkakaroon din ng registration tuwing Sabado at holidays mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Muling ipatutupad ang Register Anywhere Program at Registration Anytime sa mga piling paliparan, ospital, tanggapan ng election officers, satellite registration sites at mga mall.

Layunin nitong mapalawak ang pagkakataong makapagparehistro ang mga mamamayang nahihirapang magtungo sa mga tanggapan ng Comelec dahil sa kanilang trabaho at iba pang obligasyon.

Bukod sa bagong voter registration, tatanggapin din ang mga aplikasyon para sa transfer of residence, reactivation, change of name o correction ng pangalan, inclusion o reinstatement at updating ng voter records.

(JOCELYN DOMENDEN)

13

Related posts

Leave a Comment