POC OFFICIALS PINAIIMBESTIGAHAN NI PACMAN SA $450K DONATIONS

MANNY PACQUIAO

(Ni NOEL ABUEL) Pinaiimbestigahan ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ang mga opisyales ng Philippine Olympic Commitee (POC) kaugnay ng pinaggamitan ng $450K na ibinigay ng International Olympic Committee (IOC). Giit ni Pacquiao, mahalagang malaman kung papaano nagamit ang nasabing donasyon ng IOC para sa mga nasalanta ng super typhoon Yolanda. Sa inihaing Senate Resolution no. 1007 ni Pacquiao, hiniling nito sa Senate Committee on Sports na magsagawa ng pag-iimbestiga sa origin, paggamit at disbursement sa $450K na IOC grant sa POC noong 2013. Sinabi pa nito na ang nasabing pondo…

Read More

BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING, SUMISIGAW NA NG SAKLOLO KAY GOV. VILMA SANTOS-RECTO

BANTAY OFW

NAKAKAPANLUMO na ang nangyayari sa isa nating kababayan na naging biktima ng Human Trafficking sa UAE at ngayon naman ay inilipat sa Oman. Ang aking tinutukoy ay si B—-a Sibulo na nagmula sa Makokak, Lipa City, Batangas. Magugunita na nitong nakaraan na­ting kolum ay akin nang sinimulan na banggitin ang tungkol sa patuloy na pamamayagpag ng Human Trafficking sa UAE. Tinukoy din natin ang binansagan natin na si Mama G na siyang nambibiktima ng mga Filipina sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo ng mga job hiring sa Dubai at kanya pang ipinagmamalaki…

Read More

NASAAN NGA BA ANG SWERTE?

Psychtalk

CHINESE New Year na naman. Marahil marami na naman ang nagkonsulta sa feng shui para iayos ang mga bahay o opisina. Kung gustong mas makamura, pwede namang bumili ng mga lucky charm sa mga tindahan ng pampaswerte lalo na ng mga naaakma sa Year of the Earth Pig, sa pagbabaka-sakaling darating na ang pinakaaasam na magandang kapalaran  o kaya naman para magtuluy-tuloy ang kasaluku­yang maayos ng buhay. Kung hindi naman ay para kontrahin ang inaakalang malas na dala sa kanya-kanyang buhay ng bagong taon. Taun-taon na lang ay marami ang…

Read More

BAKIT AYAW IPAKITA ANG SALN NG MGA MAMBABATAS?

KAKAMPI MO ANG BAYAN FINAL

Umaandar ang makina sa Kamara de Represen­tante upang gawing mas mahirap makakuha ng kopya ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang publiko. Nais nila na ang plenaryo — ang Kongreso mismo —- ang magbobotohan kung ilalabas o hindi ang SALN ng  isang kongresista. Ang SALN ay nagsasaad ng lahat ng ari-arian at salapi ng mga opisyal ng pamahalaan bawat taon. Batay rito, makikita kung lumalaki o lumiliit ang ka­yamanan ng mga opisyal ng gobyerno. Proteksyon ito sa interes ng mamamayan, upang matiyak na hindi pinagsasamantalahan ng mga politiko…

Read More

IMPERYALISMO SA VENEZUELA

SIDEBAR

Sa kauna-unahang pagkakataon, inihayag ni US President Donald Trump ang posibilidad na magpadala ng mga tropang Amerikano sa bansang Venezuela sa gitna ng ma­tinding krisis-pampolitika na kinakaharap ng go­byerno ng sosyalistang si Pangulong Nicolas Maduro. Kung mangyayari ang sinasabing interbensyong militar ni Trump ay malinaw na isang tunay na imperya­lista ang Estados Unidos na ang tanging pinangangalagaan ay ang kanilang pang-ekonomiya at pampolitikang interes sa Venezuela. Suportado ng US si National Assembly President Juan Guaido na una nang nagpahayag na siya ang interim president ng Venezuela at namumuno ngayon sa…

Read More

BAGONG INVESTMENT SCAMMER SA MINDANAO

BAGWIS

Halos anim na taon pa lang ang nakakalipas noong sumambulat ang isyu tungkol sa pyramiding scam ng Aman Futures Group ni Manuel Amalilio. Umabot sa 15,000 katao ang nabiktima sa naturang scam at halos P12 bilyon ang natangay ni Amalilio mula sa mga kawawang kababayan natin na karamihan ay taga-Mindanao. Nahuli naman sa Malaysia si Amalilio isang taon matapos itong magtago su­balit dalawang taon lang ang inilagi nito sa kulungan sa Malaysia dahil ang kanyang tanging kaso ay ang pagkakaroon ng mga pekeng travel documents. Hanggang sa ngayon ay hindi…

Read More

PAMILYA NA APEKTADO NG MANILA BAY REHAB MAY LILIPATAN – PPA

PPA General Manager Jay Daniel Santiago

(Ni ABBY MENDOZA) TINIYAK ng Philippine Ports Authority (PPA) na may malilipatan ang may 2,000 pamilya na nakatira sa Isla Puting Bato sa Tondo Maynila kasunod ng isinasagawang Manila Bay Clean Up. Ang pagtiyak ay ginawa ng PPA matapos humarap House-Oversight Committee Hearing na ipinatawag ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kaugnay sa magiging aksyon sa mga residente na apektado ng rehabilitasyon. Ayon kay PPA General Manager Jay Daniel Santiago, ibibigay ng PPA ang 5 hektaryang lupa sa Tondo, Maynila para mapaglipatan ng mga informal settlers. Naglaan rin umano ang ahensya…

Read More

“BAYAD-UTANG CHALLENGE”

Psychtalk

Itong pagpasok ng 2019 maraming naka-post sa FB tungkol sa “Ten-year Challenge.”  Tila naging bandwagon ito at marami sa mga kaibigan ko ang naglathala ng kanya-kanya nilang challenge kuno. Nakakatuwa rin namang basahin o pagmasdan ang mga ito. Ngunit ang sadyang nagpatawa sa akin at pumukaw ng aking atensyon ay ‘yung isang meme tungkol sa pagbabayad ng utang. Sabi sa post,  “daming nauusong challenge ah?!  Wala bang magsisimula ng bayad-utang challenge?” Sobrang naramdaman ko ang damdamin ng nag-post ng meme na ito. Marahil gaya ko at ng marami pa sa…

Read More

P20 PER STICK NA YOSI AT ANG LIBRENG GAMUTAN PARA SA LAHAT

USAPANG KABUHAYAN

Tinatayang mga 30 milyong Filipino ang naninigarilyo, at marami sa kanila ang nasa panganib ng kanser sanhi ng usok ng sigarilyo at mga kemikal, kasama na ang formalin na ginagamit na pang-embalsamo ng patay na sumisira sa kanilang mga baga. Isa sa biktima ng sigarilyo ay ang aking tatay na na-stroke at pagkatapos ay nabalda at nagkaroon ng tuberculosis dahil sa tatlong kaha ng sigarilyo araw-araw. Simula noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ay isinabatas na ang tinatawag na “sin” tax sa sigarilyo at alak. Mula sa koleksyon…

Read More