Magkakaroon ng water service interruption sa araw na ito, Pebrero 9, sa mga bahagi ng Barangay Kapitolyo at Barangay Pineda, batay sa anunsiyong isinagawa kamakailan ng Manila Water. Mawawalan umano ng suplay ng tubig ang mga nasabing lugar sa Pasig City dahil sa mayroong isasagawang pipe maintenance ang Manila Water sa San Ignacio Street kanto ng East Capitol Street. Inabisuhan ng Manila Water ang mga residenteng apektado ng mag-ipon ng kakailangan nilang tubig. 601
Read MoreAuthor: admin
BAKIT KA NAGUGUTOM?
Bakit ka nagugutom? Simple o kumplikadong tanong ito depende sa perspektibo ng nakakarinig at sumasagot. Marami ring pwedeng paraan ng pagsagot nito. Maaring simpleng papilosopong sagot na ‘kasi di pa ako kumakain kaya gutom.’ Sa aming disiplina pwedeng psychophysiological ang lapit at maipapaliwanag ito bilang nakakonekta sa complex na interaksiyon ng iba’t ibang sistema sa katawan ng tao: ang nervous, endocrine at digestive systems. Maaring pag nakakita o nakaamoy ang ating mata o ilong ng isang pagkain, o kaya’y sa takdang oras sa isang araw ay nai-interpret ng ating utak…
Read MoreHALAGA NG PERA, NASA GALAW NG KALAKALAN SA MUNDO
Isang matinding isyu na ibinato laban sa pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang taon ng 2018 ay ang pabagu-bagong halaga ng piso kumpara sa ibang pera sa mundo. Ayon mismo sa Department of Finance, ang piso natin ang pang-apat na pinakamahinang pera sa 12 bansa sa Asya na may malakas na kalakalan. Sinabi ni Finance Undersecretary Gil Beltran, ang chief economist ng Finance Department, na nagbago ang trend na pagbaba ng halaga ng piso nang biglang tumaas ng halos isang porsyento ang halaga ng piso nitong nakaraang buwan ng…
Read MorePANAWAGAN SA ASCENT SKILLS HUMAN RESOURCES SERVICES INC.
Pormal na po nating pinalitan ang titulo ng aking kolum na AKSYON OFW at ito ay gagawing BANTAY OFW. Dito ko na po ilalathala ang mga natatanggap kong sumbong at reklamo ng mga OFW na ipinapadala sa ating Bantay OFW Monitoring Center sa pamamagitan ng Bantay OFW Mobile apps. oOo Isa sa mga natanggap kong sumbong ay mula kay Mary Cris Nebrida na dineploy sa Saudi Arabia ng ASCENT SKILLS HUMAN RESOURCES SERVICES INC. Narito ang kanyang liham-reklamo: “Hindi po ako sinuswelduhan ng maayos ng 2nd employer ko simula nu’ng…
Read MoreMAS ASTANG-DIKTADOR SI GMA
Sa mga hindi nakakaalala kung paano naging-astang diktador si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo nang pangulo pa siya ng “matatag na Republika,” kailangan lang balikan ang kanyang Executive Order No. 464 na unang ipinalabas noong kainitan ng “Hello, Garci” scandal noong 2005. Matapos pumutok ang isyu ng “Hello, Garci” ay nagkaroon ng imbestigasyon ang Senado pero bago pa man nito maipatawag ang mga opisyal ng administrasyong Arroyo na dawit sa iskandalo ay inilabas ng Malacañang ang E.O. 464 na nagbabawal sa mga miyembro ng ehekutibo na dumalo sa mga imbestigasyon nang walang…
Read MoreMULI PANG TATAAS ANG PRESYO NG BILIHIN
Ipinagmamalaki ng Malacañang ang pagbaba ng inflation rate sa 4.4% mula sa antas nito noong Disyembre 2018 na 5.6%. Ang inflation ay ang kwentada ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Bumaba ang inflation, pero dapat ba magdiwang sa balitang ito? Una sa lahat, ang 4.4% na inflation rate ay napakataas pa rin. Noong Enero 2018, noong unang ipinatupad ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), ang inflation ay nasa 4% lamang. Sa panahong ito umaaray na ang taumbayan sa presyo ng bilihin at serbisyo. Katunayan, ang bawat pagtaas…
Read MoreMAYROONG ITINATAGONG YAMAN ANG MGA KONGRESISTA?
NOONG si Rep. Pantaleon Alvarez ang pinuno ng Kamara de Representantes, ang madalas na marinig ng publiko ay mga ideya tungkol sa paghihiwalay ng mag-asawa, pagpapasara ng Court of Appeals (CA), gawing P1 ang badyet ng Commission on Human Rights (CHR), impeachment kay Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang kayabangan. Tapos, tinanggalan niya ng mga pinamumunuang komite ang mga mambabatas na hindi bumoto sa panukalang batas na magbabalik sa “death sentence.” Ang resulta, nagkaisa ang mayorya ng mga miyembro ng Kamara upang tanggalin si Alvarez sa rurok ng kapangyarihan. Kaya,…
Read MoreDEATH PENALTY SA MAGDADALA NG DROGA SA PARTY
(Ni BERNARD TAGUINOD) Bagama’t walang parusang kamatayan o death penalty sa Filipinas, ito pa rin ang ipapataw na parusa sa mga sangkot sa ilegal na droga kasama na ang mga taong nagdadala ng illegal drugs sa mga party. Ito ang isa sa mga nilalaman ng Committee Report No. 111 ukol sa House Bill (HB) 8909 na nag-aamyenda sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerour Drug Act of 2002 at inaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara. Sa ilalim ng nasabing panukala, ang mga taong sangkot sa ilegal…
Read MoreLACSON KUMAMBIYO SA HAMON SA PANGULO
(Ni NOEL ABUEL) Kumambiyo si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pagsasabing wala itong balak na pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang magiging aksyon sa 2019 national budget. Inamin ni Lacson na ang kanyang naging pahayag na mistulang paghamon sa Pangulo na gamitin ang kanyang line item veto power upang burahin ang mga pork insertions sa budget ay bunga ng kanyang frustration at desperation. “Call it passion, exasperation, frustration, even desperation. I’ll do whaterve it takes to ensure that the Filipino taxpayers’ hard earned money will not flow into the…
Read More