TIGIL-PUTIKAN NG CPP WALANG KATUTURAN – AÑO

Secretary Eduardo Año

WALANG katuturan ang idineklarang tigil-putukan ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa darating na kapaskuhan. Idiniin ito ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año dahil ang totoong layunin ng CPP ay gamitin ang tigil-putukan upang mag-propaganda lamang. “Ito po ay isang malaking kalokohan. Huwag na nilang gamiting dahilan ang Kapaskuhan sa pagkukunwari nila na magtitigil-putukan sila sa panahong iyon gayong alam naman nating magpapalakas lang sila ng puwersa,” saad ni Año. Sa darating na Disyembre 26 ay ipagdiriwang ng CPP ang ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito. Itinatag…

Read More

TALAGANG NANGANGAMOY PORK ANG P3.7-T BADYET

SEN LACSON-2.jpg

(Ni NOEL ABUEL) MARAMI pang kongresista ang makikinabang ng pork barrel sa panukalang P3.757 trilyong badyet ng administrasyong Duterte para sa susunod na taon. Ito ang ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson kung saan ang mga distritong nalagyan ng pork na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ay kilalang ‘tuta’ ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. Ani Lacson, higit tig-isang bilyon din ang pork nila. Aniya, ang “common denominator” ng mga kongresistang nalagyan ng pork barrel ang kani-kanilang mga distrito ay hawak ng mga kongresistang nakadikit Arroyo. Inihalimbawa ng senador ang isang distrito…

Read More

2 SAMAHAN NG MGA MAGSASAKA, TUMANGGAP NG P900,000

DAR-2

BACOLOD CITY – Tumanggap ng P900,000  ang dalawang samahan ng mga magsasaka mula sa Department of Agrarian Reform (DAR) – Negros Occidental South na gagamitin sa proyektong pakikinabangan ng mga magsasaka. Ayon sa DAR, ang Barangay Ara-al Agrarian Reform Beneficiaries Association (Baarba) sa La Carlota City at Sta. Rita Multi-Purpose Cooperative (SRMPC) sa Bago City na nakatanggap ng tig-P450,000 bawat isa ay benepisaryo ng Agrarian Reform Beneficiary Organizations (ARBOs) na programa ng pamahalaan. Ang nasabing tulong-pinansiyal ay gagamitin sa Village Level Farm-Focused Enterprise Development (VLFED). Ayon sa DAR, 149 magsasaka…

Read More

POC CHIEF ‘HANDS-OFF’ SA SWIM ISSUE

POC president Ricky Vargas-5

(Ni CHINKY ABUNDO) HINDI makikialam ang Philippine Olympic Committee (POC) sa kontrobersiya sa liderato ng swimming association. Ayon kay POC president Ricky Vargas, tanging ang pamunuan ng Philippine Swimmng Inc. (PSI) ang makalulutas ng nasabing suliranin. “As far as the POC is concerned, these issues are inter-corporate, so they have to work within the rules of their own association,” ayon kay Vargas. Kinuwestiyon ng mga dating Olympian na sina Eric Buhain na dati ring PSC chair, Ral Rosario at Akiko Thomson, maging si former swim coach Pinky Brosas ang otoridad…

Read More

4 MARITIME SCHOOLS IPASASARA

MARINA-3

POSIBLENG isara ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang apat na maritime higher educational institutions (MHEI) sa bansa dahil sa wala umano itong permit mula sa pamahalaan. Ayon sa MARINA, pinadalhan na nila ng show cause order ang apat na paaralan upang ipaliwanag ang reklamo. Hindi muna isinapubliko ng MARINA ang mga pangalan ng apat na paaralang nasa ‘hot water’ dahil nagsasagawa pa ang ahensiya ng malalim na imbestigasyon. Ayon sa MARINA, hindi pumasa ang aplikasyon ng apat sa 21 maritime schools sa bansa upang mag-operate, ngunit tumatanggap ang mga ito…

Read More

13K HEALTH PROFESSIONALS DESTINO SA MGA BARYO

HEALTH PROFESSIONALS

MAGPAPADALA ang Department of Health (DOH) ng 13,000 health professional sa mga baryo, lalo na sa mga malalayong lalawigan, kung saan walang naka-talagang manggagamot, nurse at iba pa upang mangalaga sa kalusugan ng mga pangkaraniwang tao. Tiniyak ito ni Surigado del Sur Rep. Johnny Pimentel matapos isama sa mungkahing 2019 national budget ang P9 bilyon upang makapagtalaga ng mga health professional sa mga malalayo at mahihirap na lugar ng bansa ang DOH. Ayon kay Pimentel, 243 doktor; 9, 138 nurses; 3, 650 midwives at 241 dentists ang ikakalat sa mga…

Read More

DIOKNO GIGISAHIN SA KAMARA DAHIL SA P1 TRILYONG ‘DI NAGASTOS NA PONDO

DIOKNO-2

NAKATAKDANG gisahin si Budget Secretary Bejamin Diokno sa Kamare de Representantes sa Disyembre 11 upang ipaliwanag ang nakatenggang P1 trilyong pondo ng administrasyon nitong nakalipas na dalawang taon. Pinadalhan na ng tanggapan ni Majority leader Rolando Andaya Jr. si Diokno upang humarap ito sa “Question Hour” ng Kamara sa Martes. Kasama rin sa ipinadala ay mga posibleng itanong sa kanya na may kinalaman sa P1 trilyon underspending ng administrasyong Duterte. May mga ekonomista na naniniwalang nagiging problema sa pagsulong ng ekonomiya ang underspending o hindi paggastos ng pondo ng pamahalaan.…

Read More

EXCISE TAX SA LANGIS SAAN GINAMIT?

EXCISE TAX-FUEL-2

(Ni BERNARD TAGUINOD) HINAMON ng isang mambabatas ang Malacanang na ipakita sa taumbayan ang pinaglaanang mga proyekto ng kabuuang nakolektang tumaas na excise tax sa mga produktong petrolyo bago ipatupad ang second tranche ng Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law sa Enero. Maliban dito, hangad din ni Magdalo party-list Rep. Gary Alejano na ilahad ng Department of Finance (DOF) sa publiko ang kabuuang excise tax collection nito simula nang ipatupad ang TRAIN Law noong Enero ng taong kasalukuyan. Hinamon ng mambabatas ang DOF dahil plano ng Malacanang na ituloy…

Read More

2.8-M MAGSASAKA NAGKAROON NG SARILING LUPA

MAGSASAKA-5

UMABOT na sa 2,841 milyong magsasaka sa bansa ang nabiyayaan ng sariling lupa na kanilang sinasaka. Ang datos ay galing sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang sakop ay mula 1972 hangang 2017. Mula sa Western Visayas ang pinaka-marami na umabot sa 319,175 magsasaka, saad ng PSA. Katumbas ito ng 11.23% ng kabuuang bilang ng agrarian reform beneficiaries (ARBs) na nakalista sa Department of Agrarian Reform (DAR), sabi pa ng PSA. Ang mga pinaka-kaunting bilang ng mga magsasakang nabiyayaan ng lupa ay ang mga naninirahan sa Cordillera Autonomous Region (CAR)…

Read More