MAY ANOMALYA SA 2018 NATIONAL BUDGET PERO NGAYON LANG IBINULGAR NI ANDAYA

ANDAYA

(Ni BERNARD TAGUINOD) ILANG araw na lang ay matatapos na ang 2018, ngunit nitong Lunes lang isiniwalat ni House Majority leader Rolando Andaya Jr. ang nadiskubre nitong anomalya sa badyet ng administrasyong Duterte para sa kasalukayang taon. Partikular na tinumbok ni Andaya ang P123 bilyong pondo sa flood control projects sa Sorsogon at Catanduanes. Sa kanyang privilege speech, ibinunyag ni Andaya na P73 bilyon ang nailaan sa flood control projects, ngunit lumobo aniya ito sa P123 bilyon sa 2018 national government budget. Ang naidagdag ay P50 bilyon, batay sa rekord…

Read More

SOLAR ENERGY BUSINESS NG ANAK NI LOREN MABILIS NA IPINASA NG KAMARA

Leandro Leviste

(Ni BERNARD TAGUINOD) WALANG kahirap-hirap na ipinasa ng Kamara de Representantes ang prangkisa ng anak ni Sen. Loren Legarda sa pagtatayo ng solar energy business. Sa botong 198 pabor, 7 ang tutol at isang abstain, pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8179 na pumapatungkol sa prangkisa ng Solar Para sa Bayan (SPSB) Corporation. Ang SPSB na pag-aari ng anak ni Legarda na si Leandro Leviste ay binigyan ng 25 taong prangkisa. Batay sa rekord ng Kamara, nag-apply ng prangkisa si Leviste noong Agosto ng kasalukuyang taon, kaya…

Read More

KORAPSYON NAGBIGAY P71,000 UTANG SA BAWAT PINOY

(Ni NORL ABUEL) KAHIT ang mga bagong silang na sanggol ay may pagkakautang na  P71,000 dahil sa  korapsyong nangyayari sa gobyerno. Ani Senador Panfilo Lacson, papasanin ito ng bawat isa sa mahigit P100 milyong Pilipino sa susunod na taon dahil sa korapsyon dulot ng multi-bilyong pork barrel na ikinarga sa mga distrito ng bawat kongresista, lalo na sa mga ‘bataan’ ni House Speaker Gloria Macapagal – Arroyo. “All Filipinos, even those born just now, are already saddled with a debt of P71,000 each, because our borrowings have ballooned. Worse, we…

Read More

GMA PINAGPAPALIWANAG NI DU30 SA ‘PORK BARREL’

DUTERTE-SGMA

GUSTONG malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte mula mismo kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kung bakit may mga isiningit na multi-bilyong pork barrel sa mungkahing P3.757 trilyong badyet ng pamahalaan para sa  susunod na taon. Ayon sa tagapagsalita ng pangulo na si Atty. Salvador Panelo, hangad ni Duterte kung bakit mayroong “insertions” sa mungkahing badyet ng administrasyon. Umabot sa P2.4 bilyon ang ikinargang pork barrel sa distrito ni Arroyo sa Pampanga, saman-talang si Majority leader Rolando Andaya Jr. naman ay P1.9 bilyon para sa Camarines Sur, ayon kay Senador Panfilo Lacson.…

Read More

P20,000 IPAMIMIGAY SA BAWAT JEEPNEY OPERATOR AT DRIVER

PANTAWID PASADA-2

WALANG dapat ikabahala ang mga maliliit na operators at tsuper ng pampasaherong jeep sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Enero dahil mamamahagi ang pamahalaan ng P20,000 bawat isa sa kanila. Ang P20,000 ay siyang laman ng proyektong “Pantawid Pasada” ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB). Sa Enero, ipatutupad na ng Department of Finance (DOF) ang karagdagang P2 excise tax sa li-tro ng produktong petrolyo alinsunod sa implementasyon ng ikalawang tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law. Isa pang dahilan na nakikitang magtutulak pataas…

Read More

LIBRENG BANGKA SA MANGINGISDANG NAVOTEÑO

Mayor John Rey Tiangco-8

(Ni CHE ALMADIN) NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga bangkang gawa sa fiberglass at mga lambat sa walumpong mangingisda ng lungsod. Ipinamigay ang libreng bangka na may 18 HP engine ngayong Lunes sa mga kwalipikadong benepisyaryo (mga mahihirap, ngunit rehistradong mangingisda sa lungsod) ng “NavoBangka-buhayan Program.” Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ang mga bangka ay ibigay sa mga mangingisda upang magkaroon sila ng regular na pagkakakitaan. Ngunit, huwag kalimutan ng mga mangingisda na maging responsable sa pangingisda at in-gatan ang karagatan, saad ng alkalde. 370

Read More

70s SEXY ACTRESS ALONA ALEGRE PUMANAW NA

ALONA ALEGRE

(Ni BEN BAÑARES) PUMANAW kahapon ng 12:58 a.m. (December 9) ang 1970s sexy actress na si Alona Alegre. Pitumpong taon na siya. Ashtma at cardiac arrest ang sinasabing dahilan ng pagkamatay niya. Maria Lourdes Salvador sa tunay na buhay ni Alona. Isa siya sa maraming anak ni Lou Salvador Sr., sikat na basketball player noong 1920s at naging actor-director-talent manager simula noong 1930s. Ang kanyang ina ay ang dating LVN actress na si Inday Jalandoni. Pero, marami siyang kapatid sa ama (102 ang sabi ng iba). Sumabak din sa pag-aartista…

Read More

TRILLANES NAGPIYANSA SA KASONG PANINIRANG-PURI

SEN TRILLANES-2

(Ni NOEL ABUEL) PANSAMANTALANG nakalaya si Senador Antonio Trillanes IV kaugnay ng mga kasong libelo o paninirang-puri na isinampa laban sa kanya nina Presidential son Paolo Duterte at bayaw ni-tong si Atty. Mans Carpio matapos itong magpiyansa ng P96,000. Si Carpio ay asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Dakong 10:30 a.m.  umaga nang dumating sa Pasay City Regional Trial Court (RTC)  Branch 118 si Trillanes, kasama ang kanyang abogado na si Atty. Rey Robles kung saan tig-P24,000 ang pyansiya niya sa apat na kaso ng paninirang-puri. Kinasuhan nina Duterte…

Read More

PINAKA-MASAGWANG PAGKATALO NG MAGNOLIA ISINISI SA REPERI

MAGNOLIA-2

INAKALA ng marami na 3-0 na ang serye pabor sa Magnolia matapos ang ikatlong nila ng Alaska Linggo ng gabi para sa PBA Governor’s Cup, pero hindi nangyari. Sa halip, humabol ang Alaska at tinambakan pa ang Magnolia. Resulta: 2-1 ang best-of-seven series ng PBA Governors’ Cup. Ang pagkatalo ng Magnolia ang siya nang pinaka-masagwang finals loss nito sa kasaysayan sa iskor na 71-100. Pero, para kay Magnolia coach Chito Victolero, tila nakatulong ang pagbubunganga ni Alaska mentor Alex Compton hinggil sa officiating sa Game Two, kaya halos lahat ng…

Read More