1ST ECO AIRPORT SA PINAS BUBUKSAN NA

(Ni KEVIN COLLANTES) Nakatakda nang buksan ng Department of Transportation (DOTr) sa (Martes, Nobyembre 27) ang Bohol Panglao International Airport, na itinuturing na kauna-unahang eco-airport sa bansa. Ayon kay DOTr Director for Communications Goddess Hope Libiran, nasa 99 porsiyento nang tapos ang naturang paliparan na nagkakahalaga ng P8.9 bilyon. Handa na rin umano itong mag-operate matapos maisagawa ang inagurasyon dito sa Martes. Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte naman ang inaasahang mangunguna sa pagbubukas ng naturang paliparan at sa ngayon ay isinasapinal na lamang ng DOT rang detalye nito sa Presidential…

Read More

PAGBASURA NG BUWIS SA LANGIS ‘DI IAATRAS

(Ni BERNARD TAGUINOD) Walang plano ang oposisyon sa Kamara na iatras ang panukalang batas na suspendehin ang excise tax sa mga produktong petrolyo dahil ito umano ang dahilan ng pagsargo ng inflation rates sa bansa na naging dahilan kaya umaabot sa 2.3 milyong Filipino ay nalaglag sa below-poverty line. Ginawa ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang pahayag sa kabila ng sunod-sunod na oil price rollback dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan, kung saan isa pang bawas-presyo ang inaasahang ipapatupad ng mga oil companies sa Martes. “Kailangan…

Read More

GALIT NG MGA PINOY SA CHINESE AGAPAN — SOLON

Ni BERNARD TAGUINOD Pinaagapan ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno lalo na ang Palasyo ng Malacanang, ang galit ng mga Filipino na posibleng sumabog laban sa mga Chinese nationals na nang-aagaw sa kanila ng trabaho. Ginawa ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang nasabing apela lalo na’t 8.9 milyong Filipino ang walang hanapbuhay ngayon dahil sa kawalan ng mapapasukang trabaho. “Baka magkaroon ng resentment o kaya’y namumuo ang galit ng mga Pinoy laban sa mga Intsik at hahantong sa mga racist actions…

Read More

‘LIVE OUT’ SA PINOY DOMESTIC WORKERS IPINASUSULONG

Ni BERNARD TAGUINOD Hiniling ng isang mambabatas sa gobyerno na isulong ang live-out arrangement sa mga Filipino domestic workers upang maiwasang maabuso ang mga ito ng kanilang mga amo. Ginawa ng ACT-OFWs party-list group ang nasabing suhestiyon dahil ito ang nakikita nilang paraan upang makaiwas sa pang-aabuso ang mga Filipino workers na nagtatrabaho bilang mga kasambayan sa iba’t ibang bansa lalo na sa Gitnang Silangan. “Many of our domestic workers overseas, especially in the Middle East, are prone to maltreatment because they live with their employers,” ayon sa nasabing grupo…

Read More

BAKIT PINA-BLACKLIST SA PINAS SI MOTHER SITANG?

(By ROMMEL GONZALES) Nagsimula sa 2 million, naging 8 million — hanggang sa umabot sa 20 million baht! Umabot nga sa halagang yan ang naunsiyaming manager/talent agreement sa pagitan nina Wilbert Tolentino at Thai internet sensation Mader Sitang. Matatandaang noong October 20 (last month) ay dinala ni Wilbert sa Pilipinas ang social media sensation at transgender woman mula sa Thailand na si Sitang Buathong o mas kilala bilang Mader Sitang para sa isang meet-and-greet with her Pinoy fans. Sa airport pa lamang sa Thailand noong pumunta si Wilbert para ayusin…

Read More

CATRIONA GRAY: “I AM MISS UNIVERSE 2018!”

(By JONATHAN ANG) Kumbaga sa kulay ay napakatingkad. Kumbaga sa prutas ay sobrang makatas. Yan ang linyahan ng sagot ni Miss World Philippines 2017 cum Miss Universe Philippines 2018 na si Catriona Gray nang mag-guest ito sa Tonight With Boy Abunda (TWBA)! Kagabi lang umere ang naturang episode sa Kapamilya Network. Kung ang super-tough line of questioning na nangangailangan ng high-level thinking skills ay ibabato sa kung sino lang na kandidatang pam-beaucon, malamang sa alamang na mangangamote o magpa-panic mode at mapapasambit na lang ng “Juice colored! Ang hirap namang…

Read More

BUDGET SECRETARY GIGISAHIN SA QUESTION HOUR NG KAMARA

Ni ABBY MENDOZA Nakatakdang ipatawag ng House of Representatives at gisahin sa Question Hour si Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay sa mga alokasyon sa ilalim ng P3.757T national budget para sa susunud na taon. Ang pagkuwestiyon kay Diokno ay salig sa inihaing House Resolution 2307 na humihiling na masagot ni Diokno ang mga isyung lumutang kaugnay sa 2019 budget partikular ang sinasabing insertion o pagsingit ng alokasyon para sa ibat ibang tanggapan ng gobyerno. Ang 2019 budget ay tinuturing na election budget dahil na rin sa idaraos na midterm election.…

Read More

AUTOMATIC CIVIL SERVICE ELIGIBILITY ISINULONG NG ISANG PARTYLIST GROUP BILANG SAGOT SA ENDO

(Ni ABBY MENDOZA) May isang milyong manggagawa mula sa gobyerno at pribadong sektor ang makikinabang sakaling maisabatas ang House Bill 8620 o ang Automatic Civil Service Eligibility Act. Layon ng House Bill 8629 na inihain nina  Kabayan Partylist Reps  Ron Salo at Paul Hernandez na gawing eligible at regular sa trabaho ang mga nagsilbi sa loob ng 3 magkakasunod na taon sa gobyerno at mga manggagawang contractual, casual at job order na 5 taon nang nagtrabaho. Sa kasalukuyang sistema ay nagiging regular ang isang empleyado ng pamahalaan o nabibigyan ng…

Read More

UP FIGHTING MAROONS BUHAY PA!

Buhay pa ang tsansa ng University of the Philippines na makapasok sa finals, matapos maipuwersa ang knockout match nang itakbo ang pahirapang 73-71 win kontra pinapaborang Adamson University sa UAAP Season 81 semis sa Mall of Asia kahapon. Mula sa tablahang 71-71 count sa segundo ng laro, masuwerteng naipasa ni Juan Gomez de Liano ang bola sa libreng si Bright Akhuetie sa ilalim at swak ang two-pointer para itakbo ang panalo, 2.6 seconds sa laro. Bunga ng panalo, muling maghaharap ang dalawang koponan para sa do-or-die match sa Miyerkules sa…

Read More