MINGLANILLA, Cebu –Humihingi ng tulong ang isang babae dahil sa ginawang pagmaltrato sa kanyang alagang aso. Sa Facebook post ni Medy Deiparine, ipinakita niya ang kondisyon ng kanyang aso nang matagpuan niya sa labas ng kanilang bahay sa Barangay Lipata. Ayon kay Medy, duguan at nanghihina na ang tutang si Bati Og Nawong nang kanyang nakita. May mga sugat umano ito sa ulo na hinihinalang bunga nang pagkakapukpok ng isang matigas na bagay. Hindi agad nalapatan ng paunang lunas ang aso dahil walang pera ang pamilya para sa pagpapagamot sa…
Read MoreAuthor: admin
BINATA NAGBIGTI SA SOBRANG DEPRESYON
(Ni CHE ALMADIN) Dahil sa hindi nakayang depresyon, isang binatilyo ang nagpakamatay sa Lungsod ng Valenzuela kahapon ng umaga. Sa ulat ng Valenzuela City Police Community Precint VIII, ganap umanong alas 7:30 ng umaga nang matagpuan ng mismo niyang ina na si Rosalina Francisco ang wala nang buhay na si Renz Paolo Francisco, 19 anyos, binata, walang hanapbuhay at residente ng Liwanag Compound F. Bautista Street, Barangay Ugong ng nasabing lungsod. Paupo itong nakabigti sa nylon cord habang nasa wooden beam ang kabilang dulo ng nylon cord. Agad ipinagbigay alam…
Read MoreCURRY LIGTAS SA AKSIDENTE
Ipinaabot ni Stephen Curry ng Golden State sa pamamagitan ng social media na maayos ang kanyang kalagayan at walang dapat ipangamba ang mga fans dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos. Ito’y matapos masangkot sa multiple-car collision ang NBA superstar. “Don’t need any reminders but All the Time God is Great and God is Great all the time! Appreciate all the texts,” lahad ni Curry sa kanyang twitter account. Biyernes ng umaga nang maaksidente ang sinasakyang kotse ni Curry habang papunta sa Warriors shootaround. Pero sa kabila ng damage sa kanyang…
Read More87 CHINESE AT 16 PINOY NA INARESTO SA ONLINE ILLEGAL GAMBLING ISINAILALIM SA INQUEST PROCEEDINGS
(Istorya nina KEVIN COLLANTES AT LHEAN ANGELES) Isinailalim na sa inquest proceedings ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang may 87 Chinese at 16 Pinoy, na sangkot umano sa online illegal gambling at naaresto sa isinagawang pagsalakay sa isang gusali sa Barangay Ugong, Pasig City nitong Huwebes (Nobyembre 22, 2018) ng hapon. Ayon kay NCRPO chief, P/Director Guillermo Lorenzo Eleazar, mga kasong paglabag sa Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, in relation to Presidential Decree 1602 as amended by RA 9287 (Illegal Gambling)…
Read MoreFOLAYANG CHAMP ULIT; VERA WAGI NG KO
TINANGHAL na two-time ONE world lightweight champion si Edward Folayang makaraang talunin si Singaporean Amir Khan sa kanilang ONE: Conquest of Champions card noong Biyernes sa Mall of Asia Arena. Umiskor ang 35-anyos na si Folayang ng unanimous decision matapos bugbugin si Khan. Si Folayang din ang ikaapat na world champion ng Team Lakay ngayong taon, ang iba pa ay sina Geje Eustaquio, Joshua Pacio at Kevin Belingon. Halos all-around performance ang ipinamalas ni Folayang mula round 1 hanggang five sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng tuhod, siko, binti…
Read MoreUAAP SEASON 81 FENCING: UE DUMIKIT SA MEN’S CROWN, ATENEO UNGOS SA WOMEN’S
TATLONG gintong medalya agad ang natusok ng University of the East sa unang dalawang araw, upang dumikit sa pagpapanatili ng men’s championship ng UAAP Season 81 fencing tournament sa Victoria Sports Tower sa Quezon City. Habang ang gold ni Maxine Esteban sa individual foil at saber events ang naglagay sa Ateneo sa unahan ng women’s division. Inangkin ni CJ Concepcion ang individual saber gold, habang si last year’s MVP Sammuel Tranquilan ay ibinulsa ang individual epee gold noong Huwebes sa opener. Nakatuon sa ikapitong sunod na korona, ang Red Warriors…
Read MoreROSE SHINES AGAIN
NEW YORK — Muling ipinamalas ni Derrick Rose ang husay matapos umiskor ng 25 points, habang nagdagdag si Karl Anthony Towns ng 21 markers at nine rebounds at akayin ang Minnesota Timberwolves sa 112-102 win kontra Brooklyn Nets. Si Rose ay 11-for-17 sa field, upang tulungan ang Minnesota na makabalik makaraang matalo ng dalawang sunod. Ang 30-year-old guard, wagi ng 2011 NBA MVP award noong nasa Chicago Bulls, ay binulabog ng injuries sa mga nagdaang taon bago siya muling nakapaglaro nang maganda ngayong season. At para kay Towns, nanunumbalik na…
Read MoreMAGKAIBIGAN ARESTADO SA ECSTASY AT KUSH
Ni SAMANTHA MENDOZA Dinakip ng mga elemento ng Manila Police District -Police station 5 ang magkaibigan matapos silang makuhanan ng high grade marijuana na “kush” at mga tableta pinaniniwalaan na ecstasy na nagkakahalaga ng P16,000 sa isinagawang buy bust operation, kamakalawa ng gabi sa harap ng Starbucks,sa may CCP Complex, Maynila. Nakadetine sa MPD-Police Station 5 ang mga suspek na si Justin Nathan Valiente y Meghrajani, alyas Bos, 23 ng 3 unit 3B Dagohoy Street Project 4, Quezon City at Angela Evans y Borja,20 ng 45 Peter Street, Peter Ville…
Read MoreAWOL NA LESPIYAK WANTED SA LAGUNA, ARESTADO SA MAYNILA
Ni SAMANTHA MENDOZA Arestado ang isang absent without official leave (AWOL) na miyembro ng Philippine National Police (PNP) at wanted sa Siniloan, Laguna sa kasong paglabag sa Iligal na droga, kamakalawa ng gabi sa Matimyas St. Sampaloc, Maynila. Si PO1 Richard Pagaran Naungayan ay inaresto ng mga tauhan ni PSI Geuel P. Capuz,ng Warrant Section ng Manila Police District (MPD) sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Sec. 11 Article II ng R.A 9165 na inisyu ni Siniloan Laguna, RTC Branch 33 Judge Marlyn Reyes -Agama. Nalaman…
Read More