64 DISTRESSED OFW SA RIYADH, BALIK-PINAS

(NI ROSE PULGAR) NASA 64 na distressed overseas Filipino workers (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia ang uuwi ng Pilipinas ngayon araw. Kabilang dito ay ang isang Pinay worker na nakaranas ng pang-aabuso sa kanyang amo, tulad ng pananakit at hindi  binibigyan ng maayos na pagkain. Kung saan ay isang beses lamang itong pinapakain  at 21 oras itong pinagtratrabaho ng kanyang employer. Mula noong Agosto 22 ng taong kasalukuyan, base sa record ng Philippine Overseas Labor Office (POLO)-Riyadh, nasa 398 distressed OFWs na ang napauwi sa Pilipinas. Sagot ng POLO at Overseas…

Read More

UST TIGERS ‘DI IIWAN NI ABANDO

(NI JOSEPH BONIFACIO) NATAPOS na ang ‘hulaan blues’ kung bakit hindi pinalaro ni UST Tigers coach Aldin Ayo si Renz Abando laban sa UP Fighting Maroons nitong Miyerkoles. Kahapon ay nagharap-harap sina Abando, coach Ayo at si UST Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) director Fr. Jannel Abogado, OP at masinsinang nag-usap hinggil sa kontrobersyang bumabalot sa top player ng Tigers. Ang resulta: Hindi aalis si Abando sa poder ng UST at tatapusin niya ang collegiate career bilang Tiger. Sa nasabing laro kontra UP, na tinalo ng UST, 84-78,…

Read More

PAGPAPAGANDA NG FERRY SYSTEM PRAYORIDAD NG MMDA

(NI LYSSA VILLAROMAN) INIHAYAG ng Metropoplitan Manila Development Authority (MMDA) na isa sa kanilang prayoridad ang pagsasaayos ng ferry system sa Pasig River upang mapabuti ang public mobility. Ayon sa pahayag ni MMDA spokesperson, Celine Pialago, hindi kailanman nawala sa plano at prayoridad ng MMDA ang pagpapaayos at pagpapaganda ng Pasig River Ferry System. “May plano ho ang MMDA na magtayo ng docking facility. Magkakaroon ho tayo ng rehabilitation sa ilang ferry stations,” ayon kay Pialago. Sinabi pa ni Pialago na karamihan sa mga passenger boats ay may mga problema…

Read More

KRIS AQUINO NAKIPAG-AYOS NA KAY NICKO FALCIS

TILA tapos na nga o malapit nang matapos ang mahabang legal battle sa pagitan ng Queen of All Media na si Kris Aquino at ang dati niyang business manager na si Nicko Falcis. Sabi sa press statement mula sa Divina Law, ang humahawak ng kaso ni Kris, ang dalawang kampo “have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences.” Pero paglilinaw nito, “To avoid any future misunderstanding, no further statement shall be forthcoming.” Nag-post din si Kris sa Instagram ng, “Learn from yesterday… but make sure…

Read More

OSPITAL, MALLS, NAPINSALA NG LINDOL; DSWD HANDA SA RELIEF GOODS

(NI NICK ECHEVARRIA) UMAABOT sa 29 establisimyento ang napinsala matapos yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang Region 11 at 12, Miyerkoles ng gabi. Batay sa ipinalabas na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang ang mga gusali ng SM at Veranza malls sa General Santos City, KCC Mall sa Koronadal City sa mga nagtamo ng pinsala habang bahagya namang nasunog ang Gaisano Mall sa Gensan. May mga damages din na tinamo ang municipal hall ng Magsaysay, Davao del Sur; gayundin ang sangguniang bayan building at…

Read More

MRT-3 NAGDAGDAG NG 100 GUWARDIYA

(NI KEVIN COLLANTES) NAGDAGDAG ng mahigit 100 guwardiya ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) upang magbigay ng seguridad at tumiyak sa kaligtasan ng biyahe ng kanilang daang libong pasahero. Ayon kay Engr. Michael Capati, director for operations ng MRT-3, mula sa dating 580 lamang ay mayroon na sila ngayong 750 security guards sa ilalim ng bago nilang kontrata. “‘Yung ating bagong security contract ngayon, dati nasa 580 security guards lang kami, nag-increase kami ngayon to 750 guards,” pahayag ni Capati, sa panayam sa telebisyon. “Primarily to supplement…

Read More

SA MOTORCYCLE ‘ACCIDENT’; OK LANG ANG PANGULO – GO

(NI NOEL ABUEL) PINAWI ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pangamba ng publiko hinggil sa tunay na kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos sumemplang sa minamaneho nitong motorsiklo. Ayon kay Go, na dating Special Assistant to the President at malapit kay Duterte, nasa maayos na kondisyon ang Pangulo at kasalukuyang nagpapahinga lamang sa Bahay ng Pagbabago sa Malacañang. “Siyempre worried po kami kaya lang sabi niya, ‘Okay lang ako. Do not worry, I’m okay’,” sabi pa ni Go. Personal aniyang nasaksihan nito ang pagbagsak ng Pangulo sa minamaneho nitong…

Read More

MOTORCYLE-FOR-HIRE GAWING LEGAL — SOLON

angkas55

(NI DANG SAMSON-GARCIA) IGINIIT ni Senador Sonny Angara na gawin nang legal ang motorcycle for hire sa gitna ng matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila. Sinabi ni Angara na malaking tulong para sa mga commuters ang mga motorcycles-for-hire o ‘habal-habal’ para sa kanilang pagtungo sa kanilang mga destinasyon. Sa ngayon aniya maituturing pa ring iligal ang motorcycle-for-hire sa ilalim ng Land Transportation and Traffic Code, na sumasaklaw sa registration at operation ng lahat ng motor vehicles. “Commuting in Metro Manila has become very challenging. A typical commuter…

Read More

INTEL NI DUTERTE PUMALPAK KAY ALBAYALDE

(NI BERNARD TAGUINOD) PUMALPAK ang intelligence ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Gen. Oscar Albayalde nang italaga niya ito bilang hepe Philippine National Police (PNP) noong nakaraang taon.Sa press briefing, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na napatunayan na hindi gumana ang intelligence network ni Duterte kay Albayalde dahil hindi nito naamoy ang kontrobersyang kinasasangkutan nito sa ‘ninja cops’ ng Pampanga noong 2013. “Laging sinasabi ni Presidente Duterte, magaling ang intelligence ko, bakit hindi niya namalam na si Albayalde pala ay tao niya ang mga ninjan cops sa Pampanga…

Read More