(NI BETH JULIAN) NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Tourism (DoT) sa tanggapan ni Manila Mayor Isko Moreno at sa Intramuros administration office para matulungan ang mga vendor na apektado ng clearing operations sa lungsod. Pabor sa DoT ang ginagawang paglilinis ni Manila Mayor Isko Moreno sa iba’t ibang lugar sa lungsod partikular sa ilang tourist destination sa lugar. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Albado na sadyang maraming turista ang namamasyal sa Divisoria, Intramuros at Quiapo. Sinabi nito na ang Divisoria ang nagsisilbing shopping haven…
Read MoreAuthor: Jet
PAGPUSLIT NG 2 SUICIDE BOMBER SA SULU, ITINANGGI
(NI JG TUMBADO) WALANG natatanggap na anumang impormasyon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa panibagong plano na suicide bombing sa Mindanao lalo na sa Sulu ng umano’y Egyptian couple na may koneksyon sa Abu Sayyaf Group. Ayon kay AFP spokesperson Brig Gen. Edgard Arevalo, nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagtugis sa mga responsable sa pagsabog sa Basilan at Sulu. Pero wala silang natatangap na impormasyon na ang umanoy Egyptian couple na ito ay may koneksyon sa mga responsable sa mga pagsabog sa Sulu at Basilan. Sa ngayon,…
Read MoreKOREANO NANGUNANG TURISTA SA BANSA
(NI DAHLIA S. ANIN) AABOT na sa 3.4 milyon ang mga turistang bumisita sa bansa sa unang limang buwan ng taon ayon sa Department of Tourism (DOT). Mas mataas ito ng 9.76% noong nakaraang taon, sa parehong panahon. “The numbers are very encouraging from 3,178,984 tourists recorded from January to May 2018, we are already close to reaching the 3.5 million mark this year. This only shows that the preservation of our environment can go hand in hand with economic gains,” ayon sa isang statement ni Tourism Secretary Bernadette Romulo…
Read MoreALDEN NAPALUHA SA PASASALAMAT KAY DIREK CATHY
HINDI napigilang maluha ni Alden Richards nang purihin ni Cathy Garcia-Molina, ang direktor ng Hello, Love, Goodbye, sa presscon na ginawa kamakalawa. Sabi ni Direk Cathy, “I have worked with so many actors na mababait at magagaling. Alden is one of them.” Napaluha dito si Alden at lumuhod ito sa harap ng direktor at yumakap. Paliwanag niya after the presscon, “Sobra akong na-move, na-touch. Hindi ko akalain na ganu’n ’yung magiging effect ko kay Direk while doing this film.” Sinabi rin ni Direk Cathy na si Alden lang ang “only…
Read MoreDAGDAG SAHOD SA MGA GURO MAS MAINGAY NGAYON
(NI BERNARD TAGUINOD) MAS malaki ang pag-asang magkaroon ng dagdag na sahod ang mga public school teachers ngayon dahil ibinobroadkast na ng mga mambabatas ang kanilang panukala kumpara noon. Sa panayam kay ACT Teacher party-list Rep. France Castro, labis umano ang pagkatuwa ngayon ng mga public school teachers dahil kumpara noong nakaraang Kongreso ay tahimik at hindi nagsasalita ang mga mambabatas ukol sa hinihingi nilang dagdag na sahod. “Marami rin (naghain ng panukala noong 17th Congress), tahimik lang sila. Ngyon, nag-uunahan silang magbalita ng bills nila,” ani Castro na isang senyales na…
Read MoreAMNESTY INT’L KINAMPIHAN NI HONTIVEROS
(NI NOEL ABUEL/PHOTO BY DANNY BACOLOD) IPINAGTANGGOL ng isang senador ang Amnesty International (AI) laban sa Duterte administration na nagsabing pinupulitika ang nangyayaring krimen sa bansa. Sa lingguhang Kapihan sa Senado, sinabi ni Senador Risa Hontiveros na may iniingatang track record ang AI sa inilalabas na imbestigasyon sa nangyayaring patayan sa war on drug ng pamahalaan. Sinabi pa nito na sa halip na batikusin ng pamahalaan ang ibinulgar na ulat ng AI ay dapat na kumilos ang mga awtoridad. “Ang Amnesty International ang tagal na ng track record niyan. Meron…
Read MoreP1/CUBIC METER DAGDAG SA SINGIL SA TUBIG
(NI BERNARD TAGUINOD) INAMIN umano ni Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) chief Patrick Ty na magpapatong ang MWSS ng P1 kada cubic meter ng tubig na makokonsumo ng mga consumers para sa konstruksyon ng Kaliwa Dam. Hindi sinabi ni Gabriela party-lsit Rep. Arlene Brosas kung kailan ito ipatutupad subalit hindi ito aniya makatarungan dahil hindi nagagampanan ng mga water concessionaires ang kanilang tungkulin na 24/7 na supply ay ipapasa sa taumbayan ang gagastusin sa Kaliwa Dam. “Sobra-sobrang perwisyo na nga ang dinulot nitong kapalpakan ng pribadong water concessionaires, gusto pang…
Read MoreBEAUTY, DIMPLES, NAGKAIYAKAN
SA TV show na “Magandang Buhay” hindi naiwasan nina Beauty Gonzalez at Dimples Romana na mapaluha dahil sa kasikatang tinatamasa nila ngayon dahil sa kanilang seryeng “Kadenang Ginto.” Sabi ni Beauty: “Salamat Romina (karakter niya sa serye), kasi binago mo ang buhay ko. Ngayon nararamdaman ko na after ten years, mayroon pala akong talent, may purpose pala ang buhay ko. I can be an inspiration for everyone and it means a lot.” Sabi naman ni Dimples, “ Ako salamat Daniela (karakter niya) kasi tinuturuan mo akong maging matapang. Tinuturuan mo…
Read MorePILOSOPONG TUGON SA SERYOSONG SITWASYON, MWSS CHIEF KINASTIGO
(NI BERNARD TAGUINOD) KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief regulator Patrick Ty hinggil sa komento nito na kumuha ng lang ng maiinom na tubig ang mga apektado sa water interruption sa mga fast food chain. “Inireklamo ng ating mga nanay ang maruming tubig mula sa Maynilad bukod pa sa water service interruptions. Marami na ang may diarrhea sa mga komunidad. Pero ang tugon ng MWSS, kumuha na lang daw ng tubig sa Jollibee,” ani Gabriela party-lsit Rep. Arlene Brosas. Noong Martes ay…
Read More