(NI JULIE DUIGAN) MALAMANG na maparalisa ang ilang commuter sa inaasahang metrowide “transport holiday”, ng mga driver ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) bilang bahagi ng pagkondena sa umano’y panggigipit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa Lunes, July 8. Ayon sa TNVS , East West Conformity Letter Group (EWCLG), magsisimula umano ang transport holiday ng TNVS driver metrowide, bandang alas- 6:00 ng umaga hanggang alas- 6:00 ng gabi. “Iba-iba ang sinasabi ng LTFRB, maya’t maya ay iba ang ipinasusunod na policy, masyado na kaming apektado sa kanilang ginagawa,’ayon sa EWCLG members na hindi na nagpabanggit ng pangalan. Hindi lamang umano ang…
Read MoreAuthor: Jet
456 POLICE RECRUITS SASALANG SA FIELD TRAINING PROGRAM
(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGIT 400 bagong recuit na pulis ang isasailalim ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Field Training Program (FTP) para palakasin ang kanilang puwersa sa Metro Manila. Pinangunahan ni NCRPO director, P/MGen. Guillermo Eleazar ang send-off ceremony nitong Huwebes sa 456 na mga bagitong pulis para sa Field Training Exercise kaugnay sa Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) Class 2018-01 NCRPO, 2016-02 HSS, at AVSEGROUP, kasama na ang Field Training Officer Service Duty. Ayon kay Elezar, tatagal ng anim na buwan ang PSBRC training ng mga pulis…
Read More‘POC RULES AND BYLAWS, DAPAT NANG BAGUHIN’
(NI JEAN MALANUM) BUMABA sa puwesto bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Ricky Vargas, dalawang linggo na ang nakalilipas at naiwang nakabitin at hindi naresolba ang mga isyung ibinato laban dito, gaya ng pagpasok sa mga kontrata nang walang basbas ng board. Nitong nakaraang linggo, inihayag ni POC chair Bambol Tolentino ang pagsasagawa ng special election para sa pitong posisyong ibinakante (kasama na ang puwesto ni Vargas). Kaugnay nito, sinabi ni POC Secretary-General Atty. Charlie Ho, na kinakailangan na ng executive board na pag-isipang baguhin ang POC rules…
Read MoreAFTER ANGEL’S ENGAGEMENT, SINO KINA BEA, MAJA O SARAH ANG SUSUNOD?
(NI PETER LEDESMA) DAHIL engaged na si Angel Locsin sa negosyanteng producer na si Neil Arce, ang next step na para sa couple ay ang pagpaplano for their future wedding. Pahulaan ngayon ang netizens kung sino kina Bea Alonzo, Maja Salvador at Sarah Geronimo ang susunod kay Angel. Ito bang si Bea at love na si Gerald Anderson na nasa marrying age na? O ang mag-sweetheart na sina Sarah at Matteo Guidicelli ang mauuna? How about Maja and her kababata and nakabalikang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez? Well, parang hindi…
Read MoreDAGDAG-PONDO SA DIALYSIS SA LUNG CENTER IBIBIGAY NG PCSO
(NI ABBY MENDOZA) ISUSULONG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na madagdagan ang pondong ibininigay ng ahensya para sa dialysis treatment kasunod na rin ng pagdami ng mga pasyenteng nangangailangan ng tulong. Si Cam ay bumisita ngayong Huwebes sa sattelite office ng PCSO sa Lung Center of the Philippines(LCP) kung saan namigay pa ito ng libreng arrozcaldo at itlog sa may mahigit 400 na pasyente at kaanak nito na nakapila para sa kanilang hinihinging medical assistance. Hindi ito ang kauna unahang surprise visit ni Cam dahil madalas…
Read MoreTAAS-PRESYO SA KAPE’T GATAS, PATIS OK NA
(NI ROSE PULGAR) SA susunod na linggo ay ipatutupad na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas sa presyo ng kape, gatas at patis matapos aprubahan na ito nitong Huwebes. Base sa report ng DTI, nasa P0.50 hanggang P2 ang taas-presyo sa kada lata ng gatas, P0.50 hanggang P0.80 sa presyo ng patis at P1 kada pakete ng kape. Sinabi ni Ruth Castelo, DTI Undersecretary for Consumer Protection, pinag-aralan nilang mabuti ang pagpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga nasabing produkto. Pinag-aaralan ng DTI ‘yon and we make our own…
Read MoreHILING NG SOLON: DU30 MAKIALAM NA SA SPEAKERSHIP
(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI malayong magkaroon ng maya’t mayang kudeta sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa dami ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging speaker ng Kamara. Ito ang dahilan kaya naniniwala si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na mag-eendorso si Duterte ng kanyang kandidato para matapos na ang banggaan ng kanyang mga mismong kaalyado sa nasabing posisyon. Sa press conference ng Makabayan bloc nitong Martes, sinabi ni Zarate na kung hindi makikiaalam si Duterte sa pagpili ng speaker ay hindi makasisiguro ang sinumang mananalong speaker…
Read MoreLEGISLATIVE AGENDA TIWALANG MAIPAPASA
(NI BETH JULIAN) TIWALA ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) na hindi mahihirapang maipasa sa Kongreso ang mga panukalang batas na isinusulong ng administrasyong Duterte. Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar na ang legislative agenda ng administrasyon ang inaasahang magsusulong ng patuloy na pagbabago at reporma sa bansa. Ayon kay Andanar, naririyan ang mga mambabatas na kaalyado ng Pangulo Rodrigo Duterte sa 18th Congress na inaasahang magtatrabaho nang husto. Kung noong 2016 ay kakaunti pa lamang ang kaalyado ng Pangulo sa Kongreso pero nagawang maipatupad at masuportahan ang mga legislative…
Read MorePITPITAN SA ANOMALYA SA PHILHEALTH; SENADO READY NA
(NI NOEL ABUEL) TINIYAK ng ilang senador na huhubaran nito ang mga anomalya na nangyayari sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Giit ni Senador Sonny Angara, kailangang madaliin ang pagsisiyasat sa anomalya sa nasabing ahensya bago pa maimplementa ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care (UHC) Act ngayong taon. Hindi aniya dapat na palagpasin ang lumabas na anomalya sa Philhealth tulad ng nabunyag na katiwalian sa dialysis center gamit ang pondo ng ahensya. “At mukhang hindi lang ito ang problema dahil marami nang mga lumabas na iba pang scams gamit ang…
Read More