Ni NELSON S. BADILLA SINAMPAHAN ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng kasong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ang isang negosyanteng nakabase sa Pangasinan dahil sa hindi pagbabayad ng P3.4 bilyong excise tax mula sa pagnenegosyo ng pekeng sigarilyo simula noong 2013. Isinampa ang kaso laban kay Danilo Calugay makaraang madiskubre ng BIR na ang kanyang negosyong pagawaan ng mga pekeng sigarilyo sa Bugallon at Magaldan (parehong mga bayan sa Pangasinan) ay “hindi rehistrado, hindi nagpasa ng excise tax returns [sa BIR], pagkakaroon ng mga artikulong kailangang bayaran…
Read MoreAuthor: Jet
COMELEC NAGDAGDAG NG PONDO SA ABSENTEE VOTERS
(NI HARVEY PEREZ) BINIGYAN ng karagdagang pondo ng Commission on Elections (Comelec) ang Overseas Absentee Voting (OAV) na gagamitin sa postal service ng mga balotang hindi pa naipadadala. Ito ang kinumpirma ni Comelec Comm. Rowena Guanzon kung saan aprub na sa Comele en banc ang paglalaan ng karagdagang pondo para sa OAV. Una nang nagamit ng Ccomelec ang ibang bahagi ng pondo ng OAV pero hindi umano ito naging sapat dahil gumagastos din ng milyun-milyon ang poll body sa pagpapadala ng mga balota. Kasabay nito,sinabi ni Guanzon na walang dapat…
Read MoreLOW WATER LEVEL SA ANGAT DAM TATAMA NA SA LINGGO
(NI ABBY MENDOZA) PAGDATING ng araw ng Linggo ay inaasahan ng National Water Resources Board (NWRB) na tatama na sa 180 meter low water level ang antas ng tubig sa Angat dam. Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David, nitong Biyernes ay nasa 180.73 meter mark na ang Angat dam kaya pagsapit ng Linggo ay aabutin na nito ang low level na 180 meters. Aminado ang NWRB na tuluy-tuloy na ang pagbaba ng tubig at sa kanilang pagtanya, pagsapit ng buwan ng Mayo ay aabot na ito sa 170 meter.…
Read More3 PINAY PINATAY SA CYPRUS; ANAK NA BABAE NAWAWALA
(NI ROSE PULGAR) KINUMPIRMA kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may tatlong Pinay na pinatay sa Cyprus. Hindi muna pinangalanan ang mga biktima para sa kapakanan na rin ng mga naulilang pamilya nito at ayon sa DFA ay patuloy nilang minomonitor ang imbestigasyon sa insidente at nagpahatid na rin sila ng pakikiramay. Ayon kay Charge d’Affaires Judy Barbara Robianes, ng Philippine Embassy sa Athens, ini-report sa kanilang tanggapan ng Cypriot authorities ang pagkawala ng tatlong Pinay, kung saan ang isa dito ay kasama ang kanyang anak na babae na nawala sa pagitan ng…
Read More20 LINDOL BAWAT ARAW NORMAL LANG — PHIVOLCS
(NI ABBY MENDOZA) ARAW-ARAW ay may naitatalang lindol sa iba’t ibang bahagi ng bansa, may ilan na malakas ngunit karamihan ay hindi nararamdaman dahil sa sobrang lalim ng pinagmulan. Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) ang 20 pagyanig sa araw-araw ay maituturing na normal lamang. Ang pahayag ay ginawa ng Phivolcs sa harap na rin ng pangamba ng ilan na araw-araw ay may naitatalang lindol matapos ang 6.1 at 6.5 magnitude quake na tumama sa Luzon at Visayas. Giit ni Phivolcs Director Renato Solidum, hindi magkakaugnay ang nararansang…
Read MoreMAYOR ITINURONG UTAK SA CAMPAIGN RALLY AMBUSH
(NI JESSE KABEL) ITINUTURONG utak ng naganap na ambush sa convoy ng mga nangangampanyang bise alkalde, konsehal at tiyuhin, ang incumbent mayor ng Negros Occidental. Kasunod ito ng paglalaan ng gobernador ng Negros Occidental ng P1 milyong pabuya para sa pagkahuli ng mga suspek. Sa latest development sa kaso ay direktang itinuro ni Moises Padilla vice mayor Ella Celestina Garcia-Yulo si Mayor Magdaleno ‘Magsie’ Peña na siyang utak sa pag-ambush sa kanilang convoy nitong Huwebes ng tanghali na nagresulta sa pagkamatay ng kanyang kapatid na dating ABC president at pamangkin na…
Read MoreMEGAN YOUNG OUT NA SA MARAWI MOVIE!
(NI KC GUERRERO) NAGIGING controversial itong Marawi indie film ng Spring Films nina Bb. Joyce Bernal at Piolo Pascual. Pagkatapos mag-resign ng director na si Sheron Dayoc at in-annouce na ipagpapatuloy ang filming ng Children Of The Lake (titulo ng film about the Marawi siege), heto at may bagong development: Ang isa sa mga stars ng pelikula, si 2013 Miss World Megan Young, ay nag-backout sa project. Gusto kasi ni Direk Joyce ang makatotohanang mga eksena. Kaya dapat ang character ni Megay ay tunay na kalbo sa mga eksena. Hindi…
Read MoreLIBONG ESTUDYANTE UMALMA SA PAGPAPASARA NG PUP PQUE
(NI MINA DIAZ) PINALAGAN ng libu-libong mga estudyante ang planong pagpapasara sa sangay ng Polytechnic University of the Philippines (PUP). Napag-alaman na itinigil na ang pagtanggap ng mga aplikante sa PUP Parañaque upang tuluyan na itong maisara. Inaasahan sana ang mas malaki pang bilang ng enrollees ngayong taon ngunit naka-hold umano ang mga application. Unang lumagda ang pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pamunuan ng PUP para sa unang 12-taong kontrata sa pagtatayo ng pamantasan sa siyudad at ang mga kursong ibubukas ay may kinalaman sa information technology at hotel and…
Read MoreBUMAGSAK NA CHOPPER NG BILYONARYO WALANG BLACK BOX
(Ni FRANCIS SORIANO) SCIENTIFIC method ang isa sa nakikitang paraan para sa imbestigasyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para matukoy ang sanhi sa pagbagsak ng isang unit ng Eurocopter na isa sa itinuturing na high-end chopper. Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, kukuha rin umano sila ng salaysay mula sa mga residente ng Barangay Anilao, Malolos, Bulacan, para magamit sa pagsisiyasat dahil wala umanong black box ang nasabing chopper kaya mahirap matukoy agad kung ano ang sanhi ng pagbagsak nito. Dagdag pa ni Apolonio na isinaisantabi na nila ang isyung overloading dahil tatlo lamang…
Read More