TULFO PINAG-IINGAT MGA OFW SA FRANCE, SAUDI AT ISRAEL

PINAG-IINGAT ni Sen. Erwin Tulfo ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa bansang France, Saudi Arabia at Israel dahil sa mga kaguluhan sa mga nasabing lugar.

Sa isang press statement, sinabi ng senador na umiwas ang mga kababayan natin sa malawakang kilos protesta ng mga estudyante at manggagawa sa France partikular na sa Paris.

“Doble ingat po sa ating mga kababayan dyan sa France lalo na pagpapasok sa kanilang trabaho dahil sa malawakang rioting at looting,” ani Tulfo.

“Sa Saudi naman maging mapagmanman at makinig sa mga balita bago pumasok sa trabaho dahil bigla na lang binobomba ng Iran at kaalyado nitong mga Houthis ang naturang bansa tulad ng nangyari sa King Khalid airport sa Riyadh kung saan pitong OFWS ang nasugatan,” dagdag pa ni Tulfo.

Pinag-iingat din ni Sen. Tulfo ang mga OFW sa Israel na hanggat maari umiwas na magtungo sa West Bank dahil sa pag-atake umano ng ilang Israeli settlers na mga nakamaskara sa ilang foreigners.

Hinimok din ng senador ang lahat ng Pilipino na ipagdasal ang kaligtasan ng lahat ng mga OFW at ng kanilang mga naiwang pamilya sa bansa.

91

Related posts

Leave a Comment