(NI BETH JULIAN) HAHALILI sa puwesto bilang officer-in-charge (OIC) si Executive Secretary Salvador Medialdea habang nasa China si Pangulong Rodrigo Duterte. Si Medialdea muna ang mangangalaga sa pamahalaan habang ang Pangulo ay nasa Beijing, China, para dumalo sa Belt and Road Forum. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, sa pagtayong OIC ni Medialdea, malinaw na hindi pa rin pinagkakatiwalaan ng Pangulo si Vice-President Leni Robredo higit sa pangangasiwa ng bansa. Ngayong Abril 25 hanggang 27 ang pamamalagi ng Pangulo sa China para dumalo sa nasabing forum bilang isa sa mga…
Read MoreAuthor: Jet
ZAMBO ‘DI PA LIGTAS SA TURISTA – DU30
(NI BETH JULIAN) PINAIIWAS ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Zamboanga ang mga turista para sa kanilang seguridad. Ayon sa Pangulo, hindi pa masasabing lubos na ligtas para sa mga turistang banyaga ang pagtungo sa Zamboanga dahil nananatili pa sa rehiyon ang banta ng ISIS-inspired Abu Sayyaf Group. Sa taumpati kagabi ng Pangulo sa PICC Pasay City, sinabi nito na hindi pa napapanahon ngayon na irekomenda ang pamamasyal sa Zamboanga dahil karamihan sa mga turista ay binibihag ng ASG at hinihingan ng ransom at ang masaklap ay kahit na…
Read MoreBATASAN BUILDING MATAPOS ANG LINDOL: SAFE AND SOUND
(NI BERNARD TAGUINOD) IDINEKLARANG ligtas ang lahat ng gusali sa Batasan Pambansa Complex matapos ang masususing inspeksyon kasunod ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon. Ito ang pagtitiyak ng Office of the House Speaker nitong Miyerkoles kaya ligtas umanong gamitin ang lahat ng mga gusali sa loob ng Batasan Complex. Noong Martes o isang araw matapos ang lindol ay agad na inatasan ni House acting Secretary General Dante Roberto Maling ang House Engineering and Physical Facilities Bureau, kasama ang Legislative Security Bureau, na magsagawa ng structural viability assessment sa…
Read MorePOOR RATING NI GMA APEKTADO NG BLACK PROPAGANDA
(NI ABBY MENDOZA) NANINIWALA si San Juan Rep Ronaldo Zamora na ang poor ratings ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS) kung saan nakatanggap ito ng -17 points ay bunsod ng mga black propaganda. Ayon kay Zamora, sa kabila ng paninira kay Arroyo lalo na sa isyu kamakailan sa 2019 budget ay hindi pa rin naman ito natinag dahil tumaas pa rin ang kanyang satisfaction rating na mula -21 ay naging -17 o tumaas ng apat na puntos. “Her approval ratings still rose…
Read MoreMAS IKASISIRA NI COCO ANG PAGDE-DENY SA ANAK NI JULIA
(NI RONNIE CARRASCO III) HINDI na raw kailangan pang makipagpustahan, kumpirmadong nagsilang na raw ng anak si Julia Montes. Ito ang balitang umalingawngaw sa isang radio program kamakailan. Pero sa kabila nito, ang itinuturong ama ng sanggol, si Coco Martin, is still tight-lipped on the issue. Bagkus, galit ang aktor sa mga insinuwasyon when it takes a simple yes or no bilang diretsahang sagot sa tanong na: Did Julia really give birth? Sa halip ngang aminin o itanggi ni Coco ang tsismis (kung tsismis pa ngang matatawag ‘yon), he appealed…
Read MoreDUTERTE MAY PABAON SA MGA SISIBAKING OPISYAL
(NI BETH JULIAN) TIYAK na nakararamdam na ng nerbiyos ang ilang opisyal ng pamahalaan matapos i-anunsyo na bago tumulak patungong China ni Pangulong Rodrigo Duterte ay mag-iiwan ito ng mga letters of dismissal. Si Duterte ay bumiyahe na Miyerkoles ng hapon patungong Beijing, China para sa Belt and Road Forum at bago ito umalis ay nag iwan ito ng mga nilagdaang dismissal order. Gayunman, tumanggi pa ang Pangulo na tukuyin kung sinu-sino ang mga opisyal ng pamahalaan na apektado ng sibakan sa pwesto. Ayon sa Pangulo, bagama’t hindi ito lubos…
Read MoreNDRRMC ITINANGGING ‘SOURCE’ NG 8.1 LINDOL ADVISORY
(NI NICK ECHEVARRIA) HINDI dapat paniwalaan ang mga kumakalat na mga text messages at sa social media ‘news’ kaugnay sa parating na magnitude 8.1 na lindol sa bansa. Ito ang binigyang-diin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kasunod ang paliwanag na hindi sa kanila nanggaling ang ipinadadalang mga advisory. Ayon sa ahensya tanging ang “NDRRMC” account lamang ang kanilang ginagamit at hindi ang alin mang mobile numbers. Hinihikayat din ng NDRRMC ang publiko na huwag maniwala sa mga kahinahinalang text messages at iwasang mag-like, mag-share o mag-forward…
Read MoreLGUs KINALAMPAG SA LOCAL DISASTER FUND
(NI NOEL ABUEL) IPINATITIYAK ni Senador Sonny Angara sa mga local government units (LGUs) sa bansa na nagagamit ng tama ang kanilang local disaster funds para matiyak na makaaabot ito sa mga nangangailangan sa panahon ng kalamidad. Ito ang hiling ni Angara sa mga alkalde sa buong bansa na agad na matulungan ang nangangailangan. “It is always better to be prepared than hope for the best and deal with the consequences after disaster strikes. LGUs should not hesitate to spend their calamity funds for disaster preparedness,” sabi ng senador. Tugon…
Read MoreMAYAYAMAN SA MARAWI PINATUTULONG SA REHAB
(NI CHRISTIAN DALE) HINILING ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mayayayamang negosyante ang rehabilitasyon ng Marawi City na binomba at sinira ng giyera upang magtuluy-tuloy ang pagbangon ng siyudad. Naglaan ang pamahalaan ng P67.99 billion para sa Marawi rehab na nagsimula noong October 2018. Inamin din ni Duterte na hindi kaya ng gobyerno na ibalik ang dating Marawi City kaya’t hinimok niya ang mga may kayang mamamayan na makiisa sa pagbangon. Kaya nga, ipauubaya na niya ang tulong sa mga mayayamang negosyante sa Marawi City na gastusan ang rehabilitasyon ng lungsod…
Read More