(NI MAC CABREROS) BAHAGYANG bumaba ang halaga ng piso kumpara sa dolyar, iniulat nitong Martes ng Philippine Stock Exchange. Sumadsad sa P52:$1 level ang perang Pinoy nang matapyasan ng 27.5 centavos ang P51.765 kada dolyar noong Miyerkoles. Walang trading noong Huwebes at Biyernes dahil sa Semana Santa. Makikinabang ang pamilya ng mga overseas Filipino workers dahil madaragdagan ang papasok sa kanilang bulsa gayundin ang kita ng mga exporters, ayon sa economic experts. Sa kabila nito, inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na mayroong kaakibat na masamang epekto nito sa ekonomiya ng…
Read MoreAuthor: Jet
MGA RESIDENTE SA PORAC SA KALSADA NATULOG
(NI DAVE MEDINA) PATULOY na namamahay sa pagkatao ng mga residente ng Porac, Pampanga ang takot sa nangyaring 6.1 magnitude na lindol, Lunes ng hapon, kaya mas pinili pa umano nilang matulog sa kalsada kaysa sa kanilang mga bahay. Mas nakakaramdam umano silang ligtas sa pananatili sa mga daan kaysa magbalik sa mga bahay na mayroong posibilidad na gumuho o magiba laluna kung ikokonsiderang may bahagi ng mall na nagiba gayong apat na taon pa lamang natatapos ito. Ikinukonsiderang pinakamasamang tinamaan ng lindol ang bayan ng Porac sa pagtaya ni National…
Read MoreHIGIT P200-M PINSALA NG LINDOL – DPWH
(Ni FRANCIS SORIANO) DAHIL sa pagyanig ng magnitude 6.3 na lindol ay tinatayang aabot sa mahigit P200 milyon ang pinsalang iniwan sa mga kalsada, tulay, dike at gusali sa lalawigan ng Pampanga at Metro Manila. Ayon kay Secetary Mark Villar ng Department of Public Works and Highway (DPWH), kabilang sa mga napinsala ang Consuelo Bridge sa Floridablanca na hindi pa maaaring daanan habang bahagyang nasira rin ang Mancatin Bridge, Valdez Bridge at San Pedro Bridge subalit passable na. Sira din ang portion ng kalsada Sasmuan-Lubao Road, Mega dike sa Bacolor…
Read MoreINSPEKSIYON SA MGA PAARALAN INIUTOS NG DEPED
(NI KEVIN COLLANTES) IPINAG-UTOS ni Education Secretary Leonor Briones ang pag-iinspeksiyon sa lahat ng mga paaralan at mga pasilidad ng departamento na tinamaan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes ng hapon. Ang kautusan ay ginawa ni Briones sa pamamagitan ng isang memorandum na kaagad nitong inisyu matapos yanigin ng lindol ang ilang bahagi ng Luzon dakong 5:11 ng hapon. Sa naturang memorandum, inatasan ng kalihim ang mga prinsipal, school heads at mga in-charge ng mga paaralan, na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa lahat ng school buildings at facilities bago…
Read MoreLRT,MRT BALIK-NORMAL NA
(NI KEVIN COLLANTES) BALIK na sa normal ang mga operasyon ng mass railway system sa bansa nitong Martes ng umaga, kabilang ang Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) and 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at Philippine National Railways (PNR). Ito, ayon sa Department of Transportation (DOTr), ay matapos na matiyak na pawang ‘fit for operations’ na ang mga naturang linya ng tren. “With structural and track inspections completed for LRT-1 (@officialLRT1), LRT-2 (@OfficialLRTA), MRT-3 (@dotrmrt3), and PNR, all lines were found fit for operations,” anang DOTr, sa…
Read MoreBATO NAGPASALAMAT SA MGA SILENT SUPPORTERS
(NI BERNARD TAGUINOD) TAOS-PUSONG nagpasalamat si administration senatorial candidate Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang mga “silent supporters” na nagpapakalat ng mga bato na may pintang #24 sa mga tabing kalsada sa Metro Manila at mga probinsya sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ayon kay Dela Rosa, nakarating sa kanyang kaalaman ang mga kumakalat na bato na may pintang #24 na kanyang numero sa balota at wala umano siyang personal na kaalaman maging ang kanyang mga official campaign team sa mga ito. “Kaya maaaring totoo nga, ayon sa balita sa dyaryo,…
Read MoreNCR GOVERNMENT OFFICES WALANG PASOK
SINUSPINDE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang trabaho sa mga government offices sa Metro Manila, Martes ng umaga, kasunod ng 6.1 magnitude earthquake nitong Lunes. “Per Executive Secretary Salvador Medialdea as recommended by the NDRRMC and in order to ease up the load of the public transport system, work in government in the National Capital Region is suspended on 23 April 2019,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo. Inatasan din ng Pangulo ang mga gobernador ng mga apektadong lalawigan na suriin ang pinsala sa kani-kanilang lokalidad at tiyaking ligtas ang kanilang…
Read MoreSTATE OF CALAMITY SA PORAC
IDINEKLARA ng munisipalidad ng Porac, Lunes ng gabi, ang state of calamity kasunod ng mga nasawi at malaking pinsalang dulot ng malakas na lindol na yumanig sa ilang bahagi ng Luzon. Agad nagsagawa ng emergency session sina Vice Mayor Dexter Albert David at mga miyembro ng Sangguniang Bayan para ideklara sa ilalim ng state of calamity ang bayan, ayon kay Porac Mayor Carling Dela Cruz. Ito ay upang mailabas ang calamity fund para tulungan ang mga apektadong residente sa lugar. Walo katao na ang namatay sa Porac at dalawa sa…
Read MoreLRT, MRT TIGIL-BIYAHE MUNA DAHIL SA LINDOL
(NI KEVIN COLLANTES) SUSPENDIDO muna ang mga biyahe ang mga tren ng Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) at 2 (LRT-2), gayundin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon, partikular Metro Manila, Lunes ng hapon. Layunin ng tigil-biyahe na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ng tatlong mass railway system. Naunang nakapagdeklara ng stop operation ang LRT 2 at MRT 3 pagkatapos ng lindol na naganap dakong 5:11 ng hapon habang pasado 6:00 ng gabi naman nang magtigil operasyon ang…
Read More