OVERSEAS ABSENTEE VOTING NAGSIMULA NA

ABSENT12

NAGSIMULA na ng Sabado ang isang buwan na absentee voting para sa 1.8 milyong manggagawang Pinoy sa ibang bansa para pumili ng mga kandidato sa midterm elections. Halos lahat sa mga ito ay land-based workers habang higit sa 43,000 ang sea-based workers. Hinimok din ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Filipino sa ibang bansa na lumahok at kunin ang karapatang bumoto at makiisa sa isang buwan na absentee voting. Inaasahan ng poll body na tumaas ang laging napakababang turnout ng boto sa mga overseas voters gayong tumaas ang bilang…

Read More

PANGULO ‘DI NAKADALO SA MARAWI CAMPAIGN RALLY

MARAWI12

HINDI nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa campaign rally ng PDP-Laban sa lungsod ng Marawi nitong Biyernes dahil sa masungit na panahon. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang masungit na lagay ng panahon ang rason kaya hindi nakalipad ang Pangulo patungo sa Mindanao State University main campus na siyang pinagdausan ng event. “Hindi maganda ang panahon kaya minabuti na lang magpahinga ng Pangulo,” sabi ni Panelo. Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni PDP-Laban spokesperson Ronwald Munsayac na hindi raw binigyan ng clearance ang helicopter ni Pangulong Duterte na makaalis…

Read More

MAYOR SARA PARA PRESIDENTE SA 2022; DU30 KONTRA

mayorsara121

(NI BETH JULIAN) KONTRA si Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio. Sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, mariing inihayag ni Pangulong Duterte na hindi siya payag na tumakbo sa presidential position ang kanyang anak. Pero hindi naman idinetalye ng Pangulo ang kanyang dahilan kung bakit hindi ito pabor na tumakbo sa pagkapangulo ang anak. Una nang sinabi ni Mayor Inday na masyado pang maaga para magdesisyon para rito at posibleng mapagpasyahan niya ito sa taong 2021. 726

Read More

KANDIDATONG MANANAKOT SA HALALAN LAGOT KAY DU30

duterte212

(NI BETH JULIAN) PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga  kadidato para sa May 2019 elections. Sinabi ni Duterte na may kalayaan ang mga tao na mamili ng mga kandidatong sa tingin nila na mahusay at makatutulong sa kapakanan ng nakararami. Kandidato man ng administrasyon, oposisyon at independent political party, sinabi ng Pangulo na dapat lamang na makapamili ang mga botante ng kanilang iboboto. Ayon sa Pangulo, hindi uubra ang intimidation o pananakot upang mangibabaw ang diwa ng demokrasya. Kapag pinalitan ng karapatan ang sinuman na hindi sumang…

Read More

KRIS INIURONG NA ANG KASO VS NICKO

kris500

MATAPOS ang mahabang sagutan nina Kris Aquino at ang magkapatid na Nicko at Jesus Falcis sa social media, inurong na nga ng actress-host ang kanyang demanda laban sa former business partner na si Nicko sa Mandaluyong City. Unang nireport ng PEP.ph ang ruling base sa kopya nila ng resolusyon na sumang-ayon sa motion ni Kris na may petsang March 25. Ang kaso ay para sa qualified theft na may halagang P1.2 million, na diumano’y ginamit ni Nicko gamit ang credit card na para sa mga transaksyon na may kinalaman sa…

Read More

PANGULO UMAMING PAGOD NA PERO LABAN SA DROGA TULOY

duterte123

(NI BETH JULIAN) BAGAMA’T aminadong pagod na, ipinangakong muli ni Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy pa rin niyang lalabanan ang iligal na droga, kriminalidad at korapsyon sa nalalabing panahon ng kanyang termino. Sa talumpati ng Pangulo sa campaign rally ng PDP-Laban sa Bacolod City, sinabi nito na nakararamdam na siya ng pagod sa maraming taon na pagsisilbi at paghahatid ng serbisyo publiko. Gayunman, iginiit ng Pangulo na kakayanin nitong iparamdam sa publiko ang kanyang pagmamahal sa bayan at ang paglaban sa ilegal na droga, krimen at sa mga kurap na tauhan at opisyal…

Read More

GOVERNMENT OFFICES PINAGTITIPID NG KURYENTE

power12

(NI ABBY MENDOZA) SA harap na ng nararanasang kakapusan ng supply ng kuryente dala ng mataas ma demand dulot ng sobrang init, umapela ang isang mambabatas sa mga tanggapan ng gobyerno at mga establisimyento na gumawa ng hakbang para makatipid ng kuryente. Ayon kay House Committee on Energy Vice Chairman Roman Uybarreta, karaniwang malaki ang kinukunsumong kuryente sa mga governent offices, mga establisimyento at iba pang tanggapan at kung magtitipd umano ang mga ito ay maiiwasan na magkaroon ng madalas na  rotational brownouts at pagtaas ng power demand, partikular sa…

Read More

KALBARYO SA EXPRESSWAY ASAHAN SA HOLY WEEK

NLEXTRAFFIC12

(Ni FRANCIS SORIANO) INAASAHAN ang matinding traffic ng maraming motorista sa dami ng dadagsang sasakyan sa tatlong expressway sa bansa higit ngayong Semana Santa. Ayon kay NLEX Corporation President Luigi Bautista, tataas ng mahigit na 10 porsyento ang kanilang inaasahang dadagsang sasakyan at babantayan. Base sa tala,  pumalo sa 330,000 mga sasakyan kada araw ang nairehistro ng NLEX noong Holy Week ng 2018, mas mataas kumpara sa 250,000 na sasakyan kapag ordinaryong araw. Habang tinatayang papalo naman sa 20 porsyento ang dagdag na dami ng mga bibiyahe sa Manila-Cavite Expressway…

Read More

DU30 IPIT: TULUYANG PAG-VETO SA 2019 BUDGET POSIBLE

duterte500

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI isinasantabi ng isang opposition congressman na tuluyang i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 2019 national budget upang hindi nito masaktan ang Senado at Kamara. Sa press conference, Biyernes ng hapon sa Kamara, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, hindi kayang isakripisyo ni Duterte ang kanyang ka-alyansa sa dalawang Kapulungan kaya para maiwasan umano ito ay ive-veto na lamang nito ang buong P3.757 Trillion national budget ngayong taon. “Pag kinampihan niya ang House magagalit ang Senate, pag kinampihan niya ang Senate magagalit ang House. Magkakaroon…

Read More