DIOKNO PUMALAG VS P40-B SUHOL

DIOKNO-2

(NI LILIBETH JULIAN) MALAKING kasinungalingan!. Ito ang naging tugon sa pagpalag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa akusasyong inalok nito ng P40 bilyon halaga ang Kamara kapalit ng pananahimik kaugnay sa P75 bilyon budget insertion sa pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Diretsahan at matigas na inihayag ni Diokno na isang malaking kasinungalingan at walang basehang alegasyon ang nasabing isyu. Itinuturing ni Diokno na ‘wild allegation’ ang nasabing paggigiit sa usapin. Sa press briefing Biyernes ng hapon sa Malacanang, sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexi Nograles na…

Read More

SOFITEL, PICC, OCEAN PARK, LUMABAG SA MANILA BAY REHAB

manila

(NI ABBY MENDOZA) NASA 17 establishimento kabilang ang 5-star hotel na Sofitel at maging ang tanyag na Philippine International Convention Center(PICC) ang inisyuhan ng violation notice ng Laguna Lake Development Authority(LLDA) kaugnay pa rin ng ginagawang  Manila Bay Clean Up. Ayon kay LLDA General Manager Joey Medina, inisyuhan ng Cease and Desist Order  ang Makchang Korean Restaurant, Legend Seafood Restaurant at  Networld Hotel. Notice of violation  ang ibinigay naman sa Harbour View Square, China Oceanis Inc Philippines – Manila Ocean Park, SM Breeze Residences, Sofitel Philippine Plaza, Philippine International Convention Center,…

Read More

2019 NATIONAL BUDGET OKS NA

budget08

(NI BERNARD TAGUINOD) MATAPOS ma-delay ng isang kalahating buwan, naratipikahan na ang P3.757 Trillion national budget ngayong taon at nakatakda na itong pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte anumang araw ngayon. Sa huling pulong ng mga contingent ng dalawang Kapulungan ng Kongreso sa Camp Aquinaldo kahapon, pinirmahan ang bicameral conference committee report bago ito hiwalay na niratipikahan sa Kamara at Senado. Gumamit ng reenacted budget ang gobyerno sa unang isa’t kahating buwan ng taong kasalukuyan at dahil dito, hindi natanggap ng mga government employees ang kanilang umento sa sahod o 4th tranche…

Read More

P40-B ‘SUHOL’ NI DIOKNO SA KAMARA SUMINGAW

congress

(NI BERNARD TAGUINOD) TINANGKA umanong  patahimikin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para manahimik ang mga ito sa P75 billion na isiningit nito sa P3.757 Trillion 2019 national budget. Sa pagdinig ni House committee on appropriation chairman Rolando Andaya Jr., tuluyan na nitong pinasabog ang naturang lihim matapos muling hindi sinipot ni Diokno ang pagdinig kahit pinadalhan na ito ng subpoena. Ayon kay Andaya, una nitong natuklasan ang P75 Billion na isiningit ni Diokno sa national budget noong Hulyo 2018 matapos…

Read More

PLANE CRASH VICTIMS NAREKOBER SA BATAAN

cessna8

(NI DAVE MEDINA) NAREKOBER na ang mga katawan ng biktimang pilot at kanyang estudyante sa plane crash sa Bataan Biyernes ng hapon. Nagawang pasukin ng joint task force ang masukal na crash site kaya nai-airlift na ang mga bangkay sa pamamagitan ng Philippine Air Force Sokol helicopter at dinala sa Command Center Brgy. Mabiga, Hermosa, Bataan bago tuluyang inihatid sa Bayan ng Orani  para sa kaukulang turnover. Noong Lunes Pebrero 4, ang mga biktimang sina Capt. Navern Nagaraja (instructor) at Kuldeep Singh (student pilot) ay umalis ng Plaridel airport ganap na7:20…

Read More

DRUG CAMPAIGN ISASAMA SA ARALIN NG GRADE SCHOOL

grade8

(NI BETH JULIAN) SISIMULAN na ang pagsasapinal na isama sa currilum ng mga mag aaral sa mga public schools ang  mga aralin ukol sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga. Sa press briefing Biyernes ng hapon sa Malacanang, sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexi Nograles na inihahanda na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang mga lesson para sa anti illegal drug trafficking. Ipatutupad ang curriculum mula kindergarten hanggang grade 12. Ayon kay Nograles,kasama rin sa mga school activities na isusulong ng DepEd na may tema ng drug education…

Read More

PATAY SA TIGDAS PATULOY SA PAGTAAS

tig100

(NI DAHLIA SOBPREPENA) PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga namamatay araw-araw sa kumplikasyon sa tigdas, ayon sa pagtatala ng San Lazaro Hospital sa Maynila. Ayon kay Dr. Ferdinand de Guzman, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital, mahigit 400 pasyente na ang na-admit sa nasabing ospital dahil sa tigdas. Animnapu  naman ang namatay dahil dito. Malaki umano ang tinaas ng bilang ng nagkakatigdas ngayong taon kesa nung mga nakaraan. Mas marami kasing bata ang hindi pa nababakunahan ng vaccine para dito, ayon sa DoH. Sinabi rin ni de Guzman na ilang…

Read More

DND ‘DI NATINAG SA CHINESE MILITIA SA PAGASA ISLAND

pagasa8

(NI JESSE KABEL) HINDI nagpatinag si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa ulat na nag deploy ang China ng mga Chinese militia bilang tugon sa gagawing  pagkukumpuni sa sira sirang runway sa Pag-asa island . Ayon kay Sec. Lorenzana mandato ng ng pamahalaan sa ilalim ng Saligang Batas na ayusin ang kaligtasan, ang kapakanan, kabuhayan at seguridad ng mga Filipino na naninirahan sa munisipalidad ng Kalayaan , isang hiwalay na bayan ng lalawigan ng Palawan. Nilinaw pa ng kalihim na ang Kalayaan ay bahagi ng soberenya ng Pilipinas simula pa nuong…

Read More

MRT-3 NAGPALIWANAG VS ‘LIQUID BOMB’ SA COMMUTERS

MRT-13

(KEVIN COLLANTES) NAGPALIWANAG na ang Department of Transportation -Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT-3) hinggil sa ginawa nilang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad at pagbabawal sa pagpapasok ng mga likido sa kanilang mga istasyon at mga tren.Ayon sa DOTr-MRT-3, isang email na nagbabanta na pasasabugin ang MRT-3 ang kanilang natanggap noong Enero 3 sanhi upang kaagad silang makipag-ugnayan sa pamunuan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) upang matunton ang pinagmulan nito. Dito na rin umano sila nagpasyang magpatupad ng mas mahigpit na seguridad dahil sa pangambang…

Read More