(PHOTO BY RAFAEL TABOY) ILANG Cabinet secretaries ang nanguna kasama ang libu-libong government workers at volunteers, ilan ang may mga dala pang walis-tingting at trash bags, ang lumahok sa paglulunsad ng rehabilitasyon ng Manila Bay na patay na dahil sa polusyon. Kasama ring nakiisa ang mga miyembro ng Integrated Bar of the Philippines sa pangunguna ni Atty. Dominic C.M. Solis at kaisa sa mga adhikain ng gobyerno at ng Department of Environment and Natural Resources. Umaabot sa may 5,000 katao ang nag-martsa mula Quirino Grandstand patungong Baywalk area para simulan…
Read MoreAuthor: Jet
OLD SCHOOL NA SISTEMA SA COA BABAGUHIN
(NI BERNARD TAGUINOD) PANAHON na para i-mordenisa ang Commission on Audit (CoA) dahil mabilis ang pagbabago ngayon ng panahon pero naiiwanan ang nasabing ahensya na siyang nagbabantay sa paggastos sa pera ng mamamayan. Ito ang layon ng House Resolution (HR) 2441 na inakda ni Misamis Oriental Rep. Julliet Uy kaya iginiit nito na magtakda ng Government Auditing Forum Summit ngayong taon. Sa ilalim ng nasabing resolusyon, nais ni Uy pagtulungan ng Joint Executive-Legislative Development Council (LEDAC), national government agencies, local govermment units at CoA na magsama-sasama sa isang summit para…
Read More2 PATAY, BATA NAWAWALA SA GUHO, BAHA
DALAWA na ang patay habang isa pa ang nawawala sa pagbaha at pagguho sa malaking bahagi ng Southern Mindanao bunga ng walang tigil na pag-ulan bunsod ng cold front. Natabunan ng gumuhong lupa sina Dennis Pesadilla, ng Compostela at Rommel Gogo, ng Montevista. Noong Sabado pa binabayo ng malakas na pag-ulan ang lalawigan. Si Pesadilla ay namatay nang matabunan ng mining village bandang alas-4:00 ng hapon ng Sabado gayundin si Gogo na natabunan nang gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Barangay Tapia. Nawawala naman ang 12-anyos na si Krisel…
Read MoreHIGIT DOSENANG PATAY SA 2 PAGSABOG SA JOLO CATHEDRAL
(NI AL JACINTO) PAGADIAN CITY – UMAABOT na sa mahigit isang dosena ang nasawi at 77 ang sugatan sa dalawang pagsabog ng bomba Linggo ng umaga sa Our Lady of Mount Carmel sa bayan ng Jolo sa lalawigan ng Sulu. Unang sumambulat ang isang bomba na itinanim umano sa loob ng simbahan at habang nagpulasan ang mga tao ay isa pa ang sumabog sa labasan ng simbahan. Karamihan sa mga nasawi ay sundalo at sibilyan. Walang umako sa pambobomba na naganap sa sentro mismo ng Jolo at halos isang lingo…
Read MoreBYE CRISPY TAWILIS ; FISHING BAN IPATUTUPAD NA
BALAK ngayon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na magpatupad ng tatlong buwang fishing ban sa kilalang tawilis simula Marso o Abril ngayong taon sa Taal Lake. Ayon kay BFAR director Ed Gongona, 2013 pa nang iminungkahi nila ang tatlong buwang fishing ban na ito pero hindi naman daw inaksyunan ito ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Pero muling bubuhayin daw sa ngayon ng BFAR ang nauna na nilang mungkahi na ito kasunod na rin ng deklarasyon ng International Union for the Conservation of Nature (IUCN)…
Read MoreBOL NIRATIPIKAHAN NA
(NI MITZI YU/PHOTO BY KIER CRUZ) NIRATIPIKAHAN na ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na lilikha ng mas matatag na rehiyon sa Mindanao. Ito ang inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) matapos makakuha ng kabuuang 1,540,017 botong “yes” mula sa mga residente, habang 197,750 ang bumotong “no”. Ayon kay Comelec chair Sheriff Abas, ang report kaugnay sa pagratipika sa nasabing batas ay isusumite kay Pangulong Duterte, sa Senado at sa Kongreso sa lalong madaling panahon. Samantala, ang ikalawang bahagi ng plebisito ay isasagawa sa Pebrero 6 sa anim na bayan sa…
Read MoreLISTAHAN NG OFFICIAL SENATORIAL CANDIDATE INILABAS NA
(MITZI YU) INILABAS na ng Commission on Elections o Comelec ang opisyal na listahan ng mga senatorial candidate at party-list group para sa May 13 midterm polls. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pitumpu’t pito ang kandidato sa pagka-senador subalit labing-apat sa kanila ang may nakabimbing kaso. Nireresolba naman ng poll body ang mga kaso ng 13 senatorial aspirants kabilang ang kay Senador Aquilino Pimentel III at dating Senador Sergio Osmeña III. Kabilang sa nakapasok sa listahan sina Pimentel, Osmeña, Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano, dating Interior Secretary Raffy Alunan,…
Read MoreTRANSAKSIYON SA BANGKETA; 2 BABAE HULI
(NI ROSS CORTEZ) MAGKASUNOD na inaresto ng Quezon Police Provincial Drug Enforcement Unit, pasado alas-5:00 ng hapon ng Biyernes, ang dalawang babae na tulak ng ilegal na droga sa National Highway na humahati sa lungsod ng Lucena at bayan ng Tayabas Quezon. Sa recorded video ng mga operatiba, nakikipagtransaksyon ang pulis sa suspek na si Beatriz Habla sa pagbili ng higit sa P7,000 halaga ng shabu, nang magkasundo, nagkita ang pusher at buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa drug suspect Pero hindi pa rito nagtapos ang operasyon ng mga operatiba,…
Read More7K MANGINGISDA MAWAWALAN NG KAYOD
(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY KIER CRUZ) AABOT sa 7,000 mangingisda ang mawawalan ng hanapbuhay sa sandaling simulan na ang Manila Bay Reclamation projects, hindi lamang sa Lungsod ng Maynila kundi sa Bacoor Cavite. Ayon kay Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao, hindi nila tinututulan ang Manila Bay Rehabilitation subalit kontra ang mga ito sa reclamation dahil magugutom ang pamilya ng may 7,000 mangingisda sa nasabing karagatan. Sinabi ng mambabatas na kapag natuloy ang reclamation project ay tiyak na masisira ang fishing ground ng mga maliliit na mangingisda sa 194-kilometrong coastline mula…
Read More