OIL PRICE HIKE BUBULAGA BUKAS

oil

(NI ROSE G. PULGAR/PHOTO RAFAEL TABOY) NAGPATUPAD ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa na epektibo bukas ng umaga (Enero 29). Pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines ,Pilipinas Shell, Eastern Petroleum, Total Philippines at Petro Gazz ang pagpapalabas ng abiso na may dagdag presyo na P0.20 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro ng diesel, at P0.40 kada litro sa kerosene epektibo ngayong alas-6:00 ng umaga. Inaasahang susunod naman ang ilan pang malalaking kompanya ng langis na kabilang sa tinaguriang Big 3 oil…

Read More

SINIBAK NA OPISYAL BALIK MULI SA GOBYERNO

dole

MATAPOS sibakin tatlong buwan ang nakalilipas, balik na sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating labor undersecretary Joel Maglunsod sa bago niyang posisyon. Itinalaga ng Pangulo si Maglunsod bilang executive director sa National Maritime Polytechnic (NMP), ayon sa appointment papers na nilagdaan noong Enero 25 at inilabas sa publiko, Lunes ng hapon. Ang NMP ang maritime training center sa ilalim ng Department of Labor and Employment na nagsasanay sa mga seafarers kabilang ang merchant marine officers, ayon sa kalidad ng international maritime education. Si Maglunsod ay sinibak sa puwesto…

Read More

3 LUGAR NAKARARANAS NA NG TAGTUYOT

tuyot

(NI ABBY MENDOZA) DALA ng kawalan ng sapat na ulan mula buwan ng Setyembre hanggang Enero, tatlong  lugar na sa bansa ang nakakaranas ng drought o tagtuyot habang ilang lugar sa Mindanao ang nakakaranas ng dry spell at dry condition. Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (Pagasa) walang El Nino Phenomenon na nararanasan ang bansa sa kasalukuyan at ang maagang tagtuyot ay resulta ng kakulangan sa naranasang ulan sa mga nakalipas na buwan. Sa ngayon umano ay nakakaranas ng drought ang Ilocos Norte, Lanao del Norte at Lanao…

Read More

9°C NA LAMIG NAITALA SA BAGUIO CITY

baguio

(NI ABBY MENDOZA) UMABOT sa 9.8 degree celsius ang temperatura sa Baguio City, ang pinakamalamig na naitala ngayong taon. Ayon sa report ng Philippine Atmosphetic Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) alas 5:30 ng madaling araw nang maitala ang 9.8 degree celsius sa kanilang Synoptic Station sa Baguio City. Ito ang siya nang pinakamalamig na naitala ng Pagasa mula nang ideklara ang panahon ng hanging Amihan noong Oktubre 2018. Matatandaan na noong Enero 22 ay pumalo sa 10.4 degree celsius ang temperatura sa summer capital. Aminado ang PAGASA na magtatagal…

Read More

APELA NI REP. GARCIA IBINASURA NG SANDIGAN

garcia1

IBINASURA ng Sandigan ang mosyon ni Cebu Representative Gwendolyn Garcia na idismis ang kanyang kaso sa umano’y maanomalyang pagbili ng 25-ektaryang lupa noong gobernador pa siya. Sa resolusyon, bumoto ang second division ng 3-2 sa pagresolbang kumokontra sa apela ni Garcia dahil sa kakulangan ng merito. Si Garcia ay lumabag sa anti-graft and corrupt practices at kinasuhan ng malversation dahil sa pagbili sa 24.92 Balili property sa Tiga-an, Naga Cebu noong 2008 para sa sinasabing human settlement and seaport project. Binili umano ang beachfront lot ngunit napatunayan ng Department of…

Read More

JOLO BOMBING INAKO NG ISLAMIC STATE GROUP

jolo200

INAKO umano ng Islamic State ang naganap ang twin blast na pumatay sa hindi bababa sa 18 katao at nakasugat ng maraming iba habang nagsisimba sa katedral sa Jolo, Sulu, Linggo ng umaga. Gayon man, iginiit ng militar na Abu Sayyaf, isang maliit na grupo ng Islamic extremist at kilala sa pangingidnap at pambobomba, ang nasa likod ng pagpapasabog bandang alas-8 ng umaga sa Mt. Carmel Cathedral . Sa panayam, sinabi ni Brig. General Edgard Arevalo, spokesperson ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na una na nilang hinala na…

Read More

METRO MANILA NAKAALERTO MATAPOS ANG JOLO BLAST

metro manila

PAIIGTINGIN pa ang paghihigpit ng seguridad sa Metro Manila matapos ang twin blast na naganap sa isang katedral sa Jolo, Sulu kahapon ng umaga. Simula ng alas-6 ng Lunes ng umaga, iniutos na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang paghihigpit ng seguridad at paigtingin ang checkpoint operations at intelligence gathering sa metropolis. Daragdagan ang police visibility higit sa matataong lugar sa kabila ng walang direktang natanggap na banta sa Metro Manila. 443

Read More

DUTERTE PUPUNTA SA JOLO MATAPOS ANG PAGSABOG

du30200

BIBISITAHIN bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Jolo matapos ang twin blasts sa loob ng simbahan Linggo ng umaga kung saan umabot na sa 27 katao ang nasawi at 76 iba pang ang sugatan. Kinumpirma naman ni trusted aide Christopher ‘Bong’ Go ang pagpunta ng Pangulo sa pinangyarihan ng krimen. Kinondena din ng Palasyo ang pagsabog at nangakong dudurugin ang ‘godless criminals’ na nasa likod nito. Malaking hamon naman sa Armed Forces ang naganap na pagsabog higit nasa ilalim ng martial law ang buong Mindanao. Ang pagsabog ay naganap isang…

Read More

MEDIA COVERAGE SA BICAM NAT’L BUDGET IGIGIIT

media200

(NI BERNARD TAGUINOD) WALANG plano ang House contingent na isuko ang kanilang paninindigan na buksan sa media ang  Bicameral Conference meeting  sa 2019 national budget upang malaman ng publiko ang kanilang ginagawa. Ipinagpatuloy kahapon ang ikalawang bicam meeting ng mga contingent ng Kamara at Senado para isapinal ang P3.757 trillion national budget ngayong taon. Ayon kay House appropriation committee chairman, Rep. Rolando Andaya Jr., hihilingin nila sa kanilang mga counterpart sa Senado na buksan sa media coverage ang kanilang bicam meeting simula ngayong umaga sa Manila Polo Club sa Makati…

Read More