TINUTUTUKAN ngayon ng pulisya ang anggulong personal na galit at pagbangga sa malalaking isda sa droga nang pagbabarilin at mapatay ang dating Cebu City prosecutor na si Mary Ann Castro. Si Castro ay tinambangan Huwebes ng gabi sakay ng kanyang dilaw ni kotse sa kahabaan ng Escario St., Barangay Kabutao. Sinabi ng pulisya na dati nang aktibo sa trabaho si Castro sa pagpapakulong sa mga drug-related cases noong prosecutor pa siya. Limang tama ng bala sa katawan at isa sa leeg na posibleng pumatay sa kanya. Kasabay nito, mahigpit na…
Read MoreAuthor: Jet
PINAY TOURIST NAWAWALA SA BALI; DFA UMAKSIYON
NABABAHALA ang pamilya ng isang Pinay na nawawala sa Bali, Indonesia bago pa mag-Pasko, ayon sa Department of Foreign Affairs, Miyerkoles ng hapon. Galing ng Camarines Sur, lumuwas ng Maynila ang kapatid ng nawawalang si Ella Balmaceda Paano, resort worker sa Coron, Palawan. Sinabi sa report na umalis si Paano patungong Bali noong December 22 at nakatakda sanang bumalik ng bansa noong December 28. Gayonman, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita si Ella. Hindi na rin umano makontak si Ella at ang huli niyang post sa Facebook ay noong…
Read MorePIYANSA NI TRILLANES IPINAKAKANSELA NI DUTERTE
HINAHARANG ng kampo ni presidential son Paolo Duterte ang piyansang P96,000 ni Senador Antonio Trillanes IV para sa pansamantala nitong paglaya sa kasong libel. Sa mosyon, sinabi ng kampo ni Duterte na nabalewala na umano ang pagpiyansa ng senador nang umalis siya ng bansa nang hindi muna nagpapaalam sa korte ng Davao kung saan nakahain ang kasong libel. Galing sa Europa, pinayagan umano ang senador ng Makati court kung saan kinakaharap ang kasong rebelyon na binuhay ilang taon na ang nakalilipas. Nakatakda ring umalis si Trillanes patungong Amerika sa Enero…
Read MoreSEGURIDAD SA BOL PLEBISCITE PINANGANGAMBAHAN
SINABI ng Commission on Elections (Comelec) na handa na sila sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Enero 21 ngunit nangangamba sa seguridad sa mga lugar na may report ng karahasan, higit umano sa Cotabato City. Nangangamba si Comelec spokesperson James Jimenez sa karahasang posibleng sumiklab lalo pa’t bago sumabing ang bagong taon ay may naganap na pagsabog sa isang mall doon. Sinasabing mga terorista ang nasa likod ng pagsabog. Sa harap nito, tiwala si Jimenes na magiging alerto ang kapulisan at sundalo na itatalaga sa lugar upang maitaboy…
Read MoreP27-M SHABU SA LATA NG TOMATO SAUCE NASABAT
(Video by LUKE LUCAS) UMAABOT sa P27 milyong halagang ng pinaniniwalaang shabu na nakatago sa mga lata ng tomato sauce ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ang illegal na droga na may bigat na apat na kilo ay nakalagay sa dalawang kahon at ide-deliver umano sa isang residente sa Barangay San Roque, Navotas City. Galing umano ang bagahe sa Las Vegas City, Nevada, USA. Sinabi ni PDEA Central Luzon Regional Director Atty. Gil Pabilona na matapos nilang ma-intercept ang droga sa airport ay nagsagawa umano…
Read MoreP5K LAGAY SA BI KAPALIT NG TRABAHO SA PINAS
(NI NOEL ABUEL) IBINULGAR ni Senador Joel Villanueva ang nangyayaring lagayan sa Bureau of Immigration (BI) sa pagkuha ng special working permit (SWPs) sa mga dayuhang nais na magtrabaho sa bansa partikular ang mga Chinese nationals. Ayon kay Villanueva, napatunayan nito na kapalit ng P5,000 ay mapapabilis ang pagpapalabas ng SWP sa isang dayuhan subalit wala itong kapalit na resibo mula sa BI. Aniya, nang tumawag ang opisina nito sa BI satellite office sa SM Aura at nagtanong kung papaanong makakakuha ng special working permit ay agad na makukuha sa…
Read MoreKAPALIT NI BATOCABE NANUMPA NA
(NI BERNARD TAGUINOD) NANUMPA na kay House Speaker Gloria Macapagal Arroyo kahapon ang bagong kinatawan ng Ako Bicol party-list group na kapalit ng pinaslang na si Congressman Rodel Batocabe. Kasama ang kanyang mga kaanak at kasama sa partido, nanumpa na kay Arroyo sa plenaryo ng Kamara ang 4th nonimee ng Ako Bicol party-list group na si Ronald S. Ang. Magugunita na noong Disyembre 22, 2018 ay pinatay si Batocabe at police escort nito na si SPO1 Orlando Diaz sa Brgy. Burgos, Daraga Albay habang papasakay ang mga ito sa kanilang sasakyan…
Read MoreDUTERTE GOV’T INTERESADO SA HANJIN
(NI JG TUMBADO) MAY interes umano ang Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na pag-take over ng gobyerno sa operasyon ang nabangkaroteng Hanjin Heavy Industries and Construction Corporation-Philippines sa Zambales Peninsula. Ang nabanggit na shipyard ang isa sa mga dating pinaka-malaking investor sa loob ng Subic Bay Freeport at ikalawa sa pinaka malaking ship building company sa mundo. Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana maaaring sa nasabing shipyard gawin ang mga barko para sa Philippine Navy at Philippine Coast Guard. Nauna ng napag-usapan ang posibilidad ng pag takeover sa budget deliberation…
Read MoreINDON HOSTAGE NG SAYYAF NA-RESCUE NG MILITAR
(NI JESSE KABEL) MATAPOS ang mahigit apat na buwang pagkakabihag, na-rescue ng military ang Indonesian hostage ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Sulu sa ulat ng Western Mindnao Command kahapon. Ayon kay Col Gerry Besana, taga pagsalita ng WESMINCOM, si Juragan Kapal Samsul Saguni ay nailigtas sa pakikipag ugnayan kay dating Sulu Governor Abdul Sakur Tan, ng mga tauhan ng 41st Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army at nang bagong tatag na 11th Infantry Division, Philippine Army. Nabataid na dinala si Saguni sa bahay ni Sakur Tan sa Poblacion, Maimbung,…
Read More