MORENO SA SANDIGAN; ALEGRE SA BI

sandigan

(NI LILIBETH JULIAN) ITINALAGA na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Assosciate Justice ng Sandiganbayan si Makati City Regional Trial Court (RTC) Judge Ronald Moreno. Pupunan ni Moreno ang dating nabakanteng puwesto ni dating Sandiganbayan Justice Alexander Gesmundo na itinalaga naman ng Pangulo sa Korte Suprema. Base sa inilabas na appointment paper, Miyerkoles ng hapon ng Palasyo, Hunyo 8, 2018  pa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Moreno. Matatandaang si Moreno ang humawak sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa aktor na si Baron Geisler  noong 2009…

Read More

PALASYO OK SA HIRIT NA P75-B DAGDAG BUDGET NG DPWH

dpwh

(NI BETH JULIAN) HINDI nababahala ang Malacanang na mapasama pa 2019 national budget ang P75 bilyon na dagdag budget na inihirit ng Public Works and Highways (DPWH). Sa harap ito ng posibilidad na baka maapektuhan ang infrastructure project sa ilalim ng Build Build Program ng gobyerno. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo, may iba pa naman paraan para matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan sa mga nakakasa nang proyektong pang imprastraktura. Sinasabing maaari namang hugutin ang kakulangan sa pondo ng dagdag na supplemental budget. Hindi naman minamasama ng Palasyo na…

Read More

SEQUESTERED ASSETS SA SURIGAO IBINEBENTA NG MGA POLITIKO

surigao

(NI TERESA TAVARES) PINAIIMBESTIGAHAN ng Sandiganbayan ang ulat na ilang lokal na politiko sa  Surigao del Sur ang nagbebenta ng mga sequestered na lupain ng gobyerno. Sa resolusyon ng Sandiganbayan Fifth Division, inatasan ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) na alamin ang ulat na pinaghahatian at ibinebenta ng ilang politiko ang bahagi ng lupain na binawi ng gobyerno dahil sa pagiging ill-gotten wealth ng mga Marcos. Ang naturang property ay pag-aari ng Lianga Bay Logging Company, Incorporated (LBLCI), ang defendant sa isa sa maraming nakabinbin na kasong sibil sa Sandiganbayan na may…

Read More

PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PEKENG FB PAGE NG LTO

fb

(NI KEVIN COLLANTES) PINAG-IINGAT ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko laban sa isang Facebook page na nagpapanggap na pagma-may-ari ng License Division ng Land Transportation Office (LTO). Batay sa inilabas na advisory ng DOTr, nilinaw nito na peke at ‘scammer’ lamang ang naturang FB account na Land Transportation Office (LTO)-License Division. “WARNING: This page, “Land Transportation Office License Division,” is not the official account of the Land Transportation Office (LTO). This page is a SCAMMER,” babala pa ng DOTr. Sa naturang pekeng FB account, tinatawagan ang mga may-ari…

Read More

KAMARA ‘DI NA SASAWSAW SA PASSPORT BREACH

pass

(NI ABBY MENDOZA) KUNG si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang tatanungin hindi na dapat imbestigahan ang napaulat na passport breach sa Department of Foreign Affairs(DFA). Ayon kay Arroyo hindi naman trabaho ng House of Representatives na magsagawa ng imbestigasyon,kung aid of legislation ang batayan ng pagiimbestiga sa nasabing usapin ay duda din syang may mabubuo pang panukala sa kasalukuyang Kongreso na ilang buwan na lamang ay matatapos ba ang 17th Congress. Matatandaan na una nang naghain ng resolusyon ang Gabriela Partylist Group para imbestigahan passport data breach sa DFA.…

Read More

IMEE: PINAS TAMBAKAN NG IMPORTED NA LUMANG GAMOT

gamot

(NI MITZI YU) PINUNA ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang umano’y nagsisilbing tambakan ng mga rejected o lumang imported na gamot ang bansa. Ito ay kasabay ng pagkadismaya  ni Marcos sa kinalabasan ng Cheaper Medicine Law. Ayon kay Marcos, hindi siya masaya sa Republic Act 9502 o cheaper medicines act of 2008 dahil ang bersiyon nila sa Kongreso ay kinarne pagdating sa Senado. Duda si Imee kung makatutulong nga sa mga mahihirap ang cheaper medicine lalo na at ilang probisyon nito ay hindi katanggal-tanggap. Binanggit niya na ang mura…

Read More

BIDDING SA P198-B PROJECT SA DBM, ILLEGAL

dbm

(NI BERNARD TAGUINOD) NAGMISTULANG megamall ng mga kontraktor ang Department of Budget and Management (DMB) dahil sa mga P198 bilyong  halaga ng  proyektong ipinabidding ng tanggapan ni Secretary Benjamin Diokno. Ito ang natuklasan ng House rules committee na pinamumunuan ni House Majority leader Rolando Andaya Jr., na nag-iimbestiga sa mga anomalya sa flood control projects. Ayon kay Andaya, mismong si Bingle Gutierrez, executive director ng Procurement Service ng DBM, ang umamin na mula 2017 na pinayagan umano sila ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno kasama na ang mga government-owned and…

Read More

MAG-ASAWANG NALUNOD  SA MALDIVES DADALHIN SA SRI LANKA

honey

(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalhin muna sa Sri Lanka ang mga labi ng mag asawang overseas Filipino worker  (OFW) na namatay makaraang malunod sa Maldives. Ayon sa DFA  idadaan muna sa Sri Lanka ang  bangkay ng mag asawa upang embalsamuhin, bago ito iuwi sa Pilipinas. Sinabi ng Philippine Embassy sa Dhaka, ang mga labi nina Leomer Lagradilla at asawa nitong si Erika Joyce ay ililipad sakay ng Sri Lankan Airlines flight patungo ng Colombo, Sri Lanka Miyerkoles ng alas-12:50  na Manila time.…

Read More

PEKENG EMISSION TEST: 5 PETC SUSPENDIDO

smoke

(NI KEVIN COLLANTES) SINUSPINDE ng Department of Transportation (DOTr) ang limang Private Emission Testing Centers (PETCs) sa bansa kasunod nang pagkadiskubre na namemeke ang mga ito ng emission tests results. Batay sa advisory na inisyu ng DOTr, nabatid na kabilang sa sinuspinde ay ang Cris Joe Emission Testing Center sa Camalig, Meycauayan City, 3020, Bulacan; Malabon Grande Emission Testing Center sa Barangay San Juan 1, General Trias, 4107, Cavite; at Shekinah Smoke Emission Testing Center sa Purok 3, Comawas, Bislig City, 8311, Surigao Del Sur. Suspendido rin ang Taal Emission…

Read More